Chapter 31

20 8 0
                                    

It's been a month since the graduation happened. And it's been a month since I said yes to Ivan.

Alam na ng parents ko ang tungkol dito. Masaya sila para sa akin. Alam ko rin kasing may tiwala sila sa akin.

Pero hindi pa alam ng mga kaibigan namin ang tungkol dito. Ang alam lang nila ay nagliligawan pa lang kami ni Ivan. 

Sasabihin namin ni Ivan ngayon na kami na. Ngayon kasi kami magkakasama. Matagal ko na rin silang hindi nakita. May kanya-kanya rin kasi kaming ginawa after ng graduation. 

Nagplano kami na mag hiking. Lahat kami ang first time itong mararanasan. Nakita lang namin iyon sa social media. Sobrang ganda ng lugar kaya gusto naming puntahan.

Overnight ang plano namin. Kaya may dala kaming mga tent. Inilagay ko na sa bag ang aking mga kailangan. Kaunti lang rin ang dinala ko. Mahihirapan ako kung mabigat ang bag ko.

~

Nag-order kami ngayon ng mga dadalhin naming pagkain at inumin. Mahirap naman kasi na magutom at mauhaw ka. 

"Let's go. Kasya na ang mga ito hanggang bukas."

We're here at Mt. Manalmon. Dito namin na pili dahil hindi lang hiking ang pwede mong gawin. Meron ding ilog kung saan pwedeng mag tampisaw. Meron din kasing cave rito.

We started to hike. Ivan held my hand. Hindi siya umalis sa tabi ko mula pa kanina. Habang ang mga kaibigan namin ay busy sa kwentuhan habang kami'y naglalakad.

"Baby, are you tired?"

Lumingon ako kay Ivan. Umiling ako sa kanya. "Ivan, ayos lang ako. Hindi pa nga natin na kalahati, eh." Tumatawa naman ako habang sinasabi iyon. 

"Okay, but if you're tired, tell me, okay?"

Tumango ako sa sinabi niya. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Nang makaramdam ng pagod ay nagpahinga muna kami. Sa tingin ko ay na kalahati na namin.

"Magpahinga muna tayo. Malayo-layo na rin tayo."

Umupo kami sa may bato. Ipinahinga ko ang mga paa ko. Uminom din ako ng tubig dahil kanina pa tuyo ang lalamunan ko.

"Baby, come here." 

Lumapit ako kay Ivan nang tinawag niya ako. Nakita kong may dala itong dalawang  puting towel. 

Tinanggal ni Ivan ang pawis sa mukha at leeg ko. Kinuha ko rin ang towel kay Ivan at pinunasan ang mukha niya. Ang gwapo pa rin kahit pawis na.

"Turn around. Lalagyan kita ng towel sa likod. Baka matuyuan ka ng pawis at magkasakit ka."

Tumalikod naman ako sa kanya. Mas okay na 'yon kaysa sa matuyuan ako ng pawis. Isang tao lang ang naalala ko sa kanya, walang iba kung hindi si Mama.

Nang matapos na siya sa paglalagay ng towel sa likod ko ay nagpasalamat ako sa kanya.

"Thank you, Ivan."

Ngumiti siya sa akin. "You're welcome, baby." Hinawakan niya ang kamay ko. "Let's go."

Nagsimula na kaming maglakad. Sapat naman na ang naging pahinga namin. Hawak pa rin ni Ivan ang kamay ko, at mukhang walang balak bitawan.

Nagpatuloy lang kami sa aming paglalakad. Hanggang sa nakita na namin ang perfect spot para magtayo ng tent. Ang lawak ng lugar na ito. Malapit lang din ito sa ilog, at kitang-kita rin dito ang cave.

Itinayo ng boys ang mga tent. Habang kaming babae ay inaayos ang mga gamit at pagkain.

"Finally, nandito na rin tayo!"

Sigaw yon ni Migs at itinaas pa ang mga kamay. Sinalubong naman siya ng malamig na hangin. Para bang binabati siya nito.

Nakapusod na rin ako ngayon dahil sa hangin. Nahihirapan akong ayusin ang mga gamit dahil lumilipad ang buhok ko.

Her Asset Where stories live. Discover now