Chapter 7

65 24 1
                                    

Habang naglalakad patungo sa room, inaasar ako nina Fatima.

"Uy, kita namin 'yon." pang-aasar ni Fatima, nagtawanan naman ang iba.

"Ang alin?" patay malisya kong tanong.

"Asus, huwag ka nang mag maang-maangan." sabi ni Migs.

"Nag-alala lang ang tao, alam mo na, maka-Diyos thingy." sagot ko.

Pero mukhang hindi sila kumbinsindo.

"And mayroon na 'yong gusto." dagdag ko.

"Bakit parang malungkot ka?" asar ni Julianna.

Pinagkaka-isahan nila ako!

"Tumigil nga kayo!" pag-suway ko sa kanila.

"Ayieee." ayan jan sila magaling, ang mang-asar.

Pagpasok namin sa room ay saktong pumasok ang Adviser namin, homeroom sya sa amin ngayon kaya for sure, announcement lang ang sasabihin ni Ma'am.

"Good Afternoon, Class!" masiglang bati nya sa amin.

"Good Afternoon po, Ma'am!" balik na bati namin sa kanya.

"May announcement ako for intrams." panimula ni Ma'am.

Narinig ko naman ang samut-saring reaksyon ng mga classmates ko.

"Open na ang pagt-tryouts for senior high school." sabi ni Ma'am, hindi naman na kami nagulat ng mga kaibigan ko, sinabi na rin naman nina Laurence kanina.

"May magt-tryouts ba sainyo?" tanong ni Ma'am.

Nagtaka naman kami dahil ang alam namin ay magtitinda kami, akala ko bawal sumali sa tryouts.

Nagtaas ng kamay ang isang classmate namin.

"Ma'am, pwede po ba kaming sumali? Ang akala po kasi namin ay magtitinda ang mga ABM students sa intrams." buti na lang at tinanong iyon.

Gusto ko kasing sumali sa intrams, gusto kong sumali sa badminton.

"About sa concern na iyan, bali natanong ko na rin iyan. Sabi nila, you can still join. Nasa sainyo if sasali kayo sa intrams or magtitinda." paliwanang ni Ma'am, buti na lang!

"So, may sasali ba?" tanong ulit ni Ma'am.

This time, nag taas ng kamay ang iba kong classmates.

Nagtaas na rin ako ng kamay.

"Sasali ka? Anong sasalihan mo?" narinig kong tanong ng isa sa mga kaibigan ko.

Sabi ko na nga ba at magtatanong sila. Hindi ko rin kasi sinabi sa kanila na gusto kong sumali.

"Ah, oo, sasali ako. Badminton ang sasalihan ko." sabi ko sa kanila.

"Anong sasalihan mo, Amery?" tanong ni Ma'am sa akin.

"Badminton po." magalang na sabi ko.

Tumango si Ma'am at nilista ang name ko.

"Bukas ang tryouts nyo, much better if magdadala kayo ng mga gamit nyo."

"That's all, Class. Good day everyone!" paalam ni Ma'am sa amin.

"Thank you, Ma'am!" sagot namin sa kanya.

Nagdaan ang dalawang subject namin, Science and Fabm. Kaya naman sobrang pagod ng utak namin.

Natapos ang klase namin nang hindi nakikita ang tatlong STEM na iyon.

Nagpaalam na ako sakanila, gusto kong makauwi agad para makapag handa para bukas.

"Bye, guys. Mauna na ako, ingat kayo!" paalam ko sa kanila.

Her Asset Where stories live. Discover now