Chapter 39

20 6 0
                                    

"Amery, smile!"

Tumingin ako nang diretso sa camera at ngumiti. Inayos pa ulit ni Fatima ang buhok ko bago ituloy ang pictorial para sa graduation. 

After five years in college. Finally! We will claim our diploma. Naalala ko pa no'n, tuwing nakakakita ako ng mga tao na nakasuot ng itim na toga, sinasabi ko sa sarili ko na sa susunod, ako naman. 

At ngayon, mangyayari na ang matagal ko nang hinihintay. Ang makapag martsa na nakasuot ng itim na toga at matanggap ang aming diploma. 

Hindi ko naman itatanggi na mahirap ang pinagadaan ko. Lalo na't wala si Ivan sa tabi ko ngayon. 

But through God, everything went well. Through Him, we survived our college lives. All throughout our hard times, He was there for us. He never failed us.

Thompson, Amery Gem T.

Magna Cum Laude 

To God be the Glory! I know that I will not be able to get Latin honors without Him.

At mas lalo akong sumaya dahil pati ang mga kaibigan ko ay nakakuha ng latin honors. Alam kong pinaghirapan nila ito. 

Tumingin ako sa relo ko. 5:00 pm na pala. After ng graduation namin ay nagpahinga agad ako dahil nakaramdam ako ng pagod. 

Masaya naman ako kanina, pero kulang ang saya na nararamdaman ko dahil wala si Ivan sa tabi ko. Kaya naman pala hindi siya makasagot sa akin tuwing sinasabi ko na pumunta siya sa graduation ko. 'Yon pala, may plano itong umalis. 

Isang taon na siyang nandoon sa New York. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung paano ko nakayanan na hindi siya makita nang gano'n katagal. 

Malapit na rin ang fourth year anniversary namin. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Hinawakan ko ang picture frame sa gilid ng kama ko. 

Miss na miss na kita, Ivan.

Hinawi ko ang mga luha sa pisngi ko nang mag-ring ang phone ko. Sinagot ko ito nang hindi tinitigan kung sino ang tumawag. 

"Hello?"

Ako na ang unang nagsalita. Nasa tenga ko pa rin ang phone ko. Tahimik lang ang nasa kabilang linya. 

"Hello?!"

Inulit ko pa ang pagsasalita ko. Mukha kasing ayaw magsalita ng tao sa kabilang linya. Medyo tumaas na rin ang tono ng aking pananalita dahil sa inis na naramdaman ko. 

"Hi, baby."

Muntik ko pang mabitawan ang telepono na hawak ko nang makilala ang boses ng nasa kabilang linya. 5:00 am na sa kanila ngayon. Kaya pala mukhang kagigising lang ng boses niya.  

"Ivan, I'm sorry, hindi ko tinignan kung sino ang tumawag."

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya. Kahit ang bagong gising niya na boses ay gwapo pa ring pakinggan.

"I woke up this early to greet you. It's your graduation today. I'm sorry if I can't go to your graduation. Congratulations to you, baby. I'm so proud of you. I promise that I will forever support you. I love you, baby."

Muling bumagsak ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na humikbi. Alam kong naririnig ni Ivan ang mga hikbi ko. 

"Shh, stop crying, baby. I'm sorry, I'm not able to wipe your tears."

"H-hindi ka ba u-uwi sa anniversary n-atin?"

Narinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya. "I can't, baby. May exam kami kaya hindi rin ako makauwi. I'm sorry, babawi ako sa susunod, ah?"

Her Asset Where stories live. Discover now