Chapter 36

19 6 0
                                    

Nandito ako ngayon sa school. Nag-aayos lang kami ng mga documents. Ito na kasi ang last day namin. Isang year na lang at ga-graduate na kami. 

"Amery, kape tayo mamaya?"

Nilingon ko si Fatima at tumango ako sa kanya. Nakita ko siya na nagbubuhat ng mga papel. Inaayos din kasi namin ang mga ito. 

Nagpatulong ang Prof namin para mapadali ang gagawin. Ayos lang naman sa amin dahil siya rin naman ang tumulong sa amin para masurvive ang buong school year. 

Gagamitin din kasi ng mga incoming fourth year college students ang mga ito. Sana lang ay makayanan din nila ang mga kahaharapin nila. 

Hindi naman sa nananakot ako. Napagdaan ko na kasi ang mga ito kaya alam ko kung gaano talaga kahirap ito. Pero kung talagang gusto mo talagang magtagumpay ay kailangan mo talaga ng patient.

Nang matapos ang aming ginagawa ay nagpasalamat ang aming Prof sa pagtulong sa kanya. Nagpaalam na kami sa isa't-isa dahil dalawang buwan pa bago kami ulit magkikita.

Dumiretso kami ngayon sa café. Napapalibutan talaga ng mga café ang campus. Kaya naman dito talaga kami tumatambay. 

Nag-message rin si Fatima sa gc na dumiretso sina Ivan dito. Busy pa nga sila kahit last day na ng aming pasok. Kawawa naman ang boyfriend ko.

Pagkatapos naming mag-order ay dumating na sila. Hindi gaya ng dati na nakaputing coat sila. Naka t-shirt at pants lang ang mga ito. 

Nag-unat pa ng katawan si Laurence. Halatang pagod din sila. Nang umupo si Ivan sa tabi ko ay pinunasan ko ang kaunting pawis sa noo niya.

"How's your day, baby?"

Tanong ni Ivan habang pinupunasan ko ang pawis niya. Nakatingin lang siya sa aking mga mata. 

Tumingin din ako sa kanya. "Ayos lang naman. Inasikaso lang namin ang mga documents at tinulungan ang Prof namin. Ikaw?"

"Nakapag-recharge na." Hinalikan niya ako sa noo. 

Noong mga nakaraang araw ay may malalim itong iniisip. Siguro ay dahil sa pagod. Minsan din ay hindi mo ito makausap nang maayos. Parang lagi siyang lutang.

Pero hindi naman ako nagagalit. Alam ko naman kung gaano kahirap ang course niya. Kaya naman ako na ang umuunawa.

Mahal ko, eh.

Ngayon na lang din kami nagsama-samang magkakaibigan. Palagi rin kasing busy ang bawat isa sa amin.

Kaya naman sinulit namin ang pagkakape ngayon. Tumutugma pa naman ang panahon dahil malamig ngayon. 

Napuno ng kwentuhan ang hapon na 'yon. Alam ko namang marami na kaming hindi napag-uusapan. Bumabawi lang kami ngayon. At masaya rin ako dahil naiintindihan namin ang isa't-isa.

Pagkatapos naming pumunta sa café ay umuwi na rin kami. Alam ko namang pagod kaming lahat.

"Let's go, baby. Hahatid na kita." 

Hinawakan ni Ivan ang kamay ko. Hindi na nga dapat ako magpapahatid sa kanya dahil alam kong pagod siya. Pero alam ko ring hindi niya ako papayagang umuwing mag-isa.

Nagpatangay na lang ako sa kanya hanggang sa makapasok kami sa kotse niya. Habang nagmamaneho siya ay tinawag ko siya.

"Ivan, malapit na ang third anniversary natin." 

Nakangiti na sabi ko sa kanya. Nang humarap ako sa kanya ay parang wala siyang narinig. Nakakunot lang ang noo niya na para bang may malalim itong iniisip. 

"Ivan."

Tinawag ko ulit siya pero ganoon pa rin ang reaksyon niya. Nang hindi niya ulit ako pinansin ay kinalabit ko na ang braso niya.

Her Asset Where stories live. Discover now