Chapter 41

20 6 0
                                    

Hindi dumaan ang araw na hindi ko naisip ang mga katagang binitawan sa akin ni Tita. Mula nang magkita kami sa café ni Tita ay hindi na nagkaroon ng kayapanan ang utak ko.

Bukas na ang outing namin pero hindi pa rin nakaayos ang mga gamit ko. Alam na rin ng mga kaibigan ko ang pag-uusap namin ni Tita. 

Handa ko na bang harapin si Ivan na kasama si Claire? At kung tama nga na si Claire ang may gawa ng mga nangyayari sa buhay namin, paniniwalaan ba siya ni Ivan? Papaniwalaan niya pa ba kami? Maaalala niya pa ba kami? Maaalala niya pa ba ako?

Bumalik ang diwa ko nang mag-ring ang phone ko. Tumatawag si Christoff. Sinagot ko ang tawag at inilagay ang phone sa tenga ko.

"Good evening, Amery."

"Good evening, too, Christoff. Bakit ka nga pala tumawag?"

Umalis ako sa sofa at pumunta sa kwarto ko para ro'n magpahinga.

"What time nga pala ang call time bukas?"

"3:00 am darating ang service natin para ihatid tayo sa airport."

Narinig ko ang pagtikhim niya sa kabilang linya. "Ayos lang ba sa'yo na kasama natin sina Ivan?"

Sandali akong natahimik sa tanong niya. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nakaharap ko na sila. Pero gusto ko rin namang malaman ang totoong motibo ni Claire. 

"Ayos lang." Tipid na sagot ko.

"Okay, ibababa ko na ang tawag. I'll prepare my things. Good night, Amery."

"Good night."

Binaba niya na ang tawag. Nagsimula na rin akong mag-ayos ng mga dadalhin ko. Hindi naman marami ang dala kong gamit. Sapat lang ito para sa tatlong araw namin do'n.

Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit, natulog na ako. Maaga pa akong gigising. Nag-set na rin ako ng alarm para hindi ako ma-late ng gising. 

Bumangon agad ako nang marinig ko na ang pamilyar na tunog ng alarm ko. I really hate hearing this sound. Sino ba naman ang may gusto na magising dahil sa alarm clock?

Panigurado na malamig ang tubig niyan dahil malamig ang panahon. Hindi ko na kailangan na mag-init ng tubig dahil may heater naman ang cr. 

Hindi na ako kumain ng kanin. Sa airport na lang siguro ako kakain. Nagsuot ako ng long sleeve turtleneck at pinaresan ko ito ng pants. Sinadya kong balutin ang sarili ko dahil malamig sa plane mamaya. Mas okay na ang handa.

Naglagay ako ng light make up sa mukha ko. Nag-curl din ako ng buhok gaya nang nakasanayan ko. Sinuot ko ang black ankle boots ko at black shades. Alam ko namang walang araw ngayon, for fashion lang naman.

Kinuha ko na ang luggage ko at lumabas na ng condo. Hindi naman ako naghintay nang matagal sa service namin. Sumakay agad ako, nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala pa sina Ivan don. 

"Bless po, Tita."

Aba! Ayan agad ang ibubungad sa akin ni Fatima pagpasok ko pa lang sa van. Mahina ko naman itong hinampas sa braso pero tinawanan niya lang ako. 

"Shut up, Fatima!"

Mukha ba akong Tita? Well, dapat na nga akong tawaging Tita, pero wala ito sa mukha ko, noh!

"Mukha ka kasing rich tita. I mean, rich ka naman talaga."

Tinawanan ko na lang siya. Ganon din ang ginawa ng iba naming kasama. Sunod naming sinundo ay si Christoff. Tumabi ito sa akin at binati niya ako. Bumati ako pabalik sa kanya. 

"Manong, diretso na po tayo sa airport. Nandoon na raw po sina Ivan. Hinatid na pala sila ni Tita."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang pangalan ni Ivan. Pinagpawisan agad ang kamay ko dahil sa kaba. Naramdaman kong lumingon si Christoff sa akin pero hindi ko pinahalata na apektado pa rin ako kay Ivan.

Her Asset Where stories live. Discover now