Chapter 14

33 14 0
                                    

Nandito ako ngayon sa school. Hinintay ko pa ang mga kaibigan ko.

Ang usapan namin ay maaga kaming papasok, filipino time nga naman.

May umupo sa tabi ko. Nang lumingon ako ay si Ivan pala.

"Ivan, nandito ka na pala." sabi ko.

Tumingin ito saakin. "Yup, malapit na sina Laurence na traffic lang daw." tumango naman ako sa sinabi nila.

"Are you hungry? Gusto mong pumunta sa food booth?" tanong nito sa akin.

At dahil wala pa naman ang mga kasama namin ay tumango ako sa kanya. Gutom na rin ako.

Pumunta kami sa nagtitinda ng burger and fries.

"Isang burger po and isang fries na sour and cream." sabi ko.

"Ikaw yung nanalo sa badminton kahapon diba?" tanong nya..."Tapos kasali ito sa mga nanalo sa basketball kahapon." turo nya kay Ivan.

"Ah, yes, kami nga yon." sagot ko sa tanong nya.

"Ang dinig ko ay mag jowa kayo." sabi nya at binigyan kami ng isang nang-aasar na ngiti.

Nagulat kami sa sinabi nya.

"H-hindi, hindi ko sya boyfriend." utal na sabi ko.

"Bagay kayo ate!" sabi nya.

Bago pa ako makasagot ay binigay nya na ang burger at fries na binili ko.

Binigay ko ang bayad at nag-paalam na sa kanya.

"Hindi ka ba bibili, Ivan?" tanong ko.

Umiling ito..."I'm good, busog pa ako." sagot nya at binigyan ako ng isang maliit na ngiti.

Habang kumakain ako ay nakita ko na ang mga kaibigan ko na papalapit saamin.

"Ang aga nyo." bungad ko sa kanila.

Tinawanan nila ako.

"Sorry, ang sarap kasi ng tulog ko tapos traffic pa." sabi ni Fatima.

Nag alok ako sa kanila ng kinakain ko. Pero busog pa raw sila.

Ang daming tao ngayon kumpara kahapon. Ang dami kasing magagandang booth ang hinanda nila ngayon.

"Gusto ko na pumunta sa horror booth." dinig kong sabi ni Julianna.

"Ako rin!" dinig kong sang-ayon ni Laurence.

"Pumunta na tayo!" excited naman na yaya ko.

Nagpila na kami sa horror booth. Parang nakakatakot ata sa loob.

"Walang hihiwalay, ah." kinakabahan kong sabi.

"Kanina lang excited ka, Amery." tumawa si Migs tila nang-aasar.

"Huwag kayong mang-iiwan, sama-sama dapat tayong papasok at sama-sama ring lalabas." habilin ko, natatakot kasi ako na baka iwanan nila ako.

"Haha, mga tao lang naman ang nasa loob." sabi ni Laurence.

Alam ko namang mga tao lang ang mga yon, pero kahit na.

Pagkapasok namin ay kumapit agad ako kay Fatima.

Ang dilim sa loob halos wala na akong makita.

Pinagpqpawisan na rin ako.

"Mauna na kayo." takot na sabi ko.

Hindi kasi kami kasya, kaya dapat mauna ang ilan.

"Unahan na namin." rinig kong sabi ni Laurence.

Nakakapit pa rin ako kay Fatima.

Her Asset Where stories live. Discover now