Chapter 16

38 14 0
                                    

Napaaga ang pasok ko ngayon sa school.

Plano kong pumunta sa library para mag advance reading.

Mamaya pa naman ang awarding namin. May mga awards kasi ang mga nanalo sa intrams.

Pagkapasok ko sa library ay hinanap ko agad ang libro for basic accounting.

Ang kapal pa naman nito.

Nang mahanap ko na ay humanap agad ng aking mauupuan.

Pero nakita ko si Ivan doon. But he's with someone.

Claire...

Katabi ni Ivan sa upuan si, Claire, seryosong nagbabasa si Ivan sa kanyang libro habang si Claire naman ay nakatingin kay Ivan.

Nang mapalingon si Claire sa akin ay bigla syang kumapit sa braso ni Ivan.

Nagulat naman ako sa kanyang ginawa.

Tila nagulat din si Ivan sa ginawa ni Claire dahil tinanggal nya ang kamay ni Claire na nakahawak sa braso nya.

Umangat naman ang tingin ni Ivan sa akin. Nagulat ito nang makita ako.

Umiwas agad ng aking tingin at umupo na. Binuksan ko ang aking libro.

Kahit anong basa ko ay hindi ko ito maintindihan dahil sumasagi pa rin sa aking isip si Claire at Ivan.

Habang malalim ang iniisip ko ay naramdaman kong may umupo sa aking harapan.

Pag angat ko ng aking tingin ay nakita ko si Ivan.

"Ivan, bakit iniwan mo si Claire ron?" naguguluhan kong sabi sabay tingin kay Claire.

Nakatingin si Claire saaming dalawa at makikita mo sa kanyang mga mata ang selos.

"Balikan mo na si Claire ron, Ivan." seryosong tanong ko at hindi sya tinignan, nakatingin lang ako sa libro kahit wala naman talaga akong maintindihan.

Akala ko ay aalis na sya pero narinig ko itong nagsalita.

"Amery, pinuntahan lang ako ni Claire sa pwesto ko. Hindi ko naman talaga sya gustong kasama. And nagulat lang din ako nang kumapit sya sa braso ko. Tinanggal ko naman agad yon." mahabang paliwanang nya.

"Okay lang, Ivan." sabi ko sa kanya. Hindi nya naman kailangang magpaliwanag.

Hindi ko pa rin ito tinitignan.

"Hey, are you mad?" tanong ni sa akin.

Umiling ako. "Hindi naman galit." sagot ko sa kanya.

"Bakit ayaw mong tumingin sa akin?" tanong nya ulit.

"Busy lang ako sa binabasa ko." sagot ko sa kanya.

Narinig ko naman itong bumuntong hininga.

"Fine, magbabasa na rin ako." rinig kong sabi nya.

Umangat na ang tingin ko sa kanya. Pero wala na ang tingin nito sa akin, nasa librong binabasa nya.

"Balikan mo na si Claire ron, kawawa naman yung tao hinihintay ka." sabi ko.

Alam kong bawal ang mag selos dahil wala naman kaming relasyon pero hindi ko pa rin mapigilan.

"I told you, ayaw ko syang kasama, dito lang ako." sabi nya sa akin at itinuloy ang pagbabasa.

"Ivan." seryosong sabi ko sa kanya.

Tinignan nya ako at ngumuso. "No, ayaw." sabi nya sa akin na may kasamang pag-iling pa.

Hindi ko naman maiwasang matawa sa mukha nya, ang cute nya kasi.

"Why are you laughing?" tanong nya sa akin.

Her Asset Where stories live. Discover now