Chapter 50

21 10 0
                                    

Limang araw na ang nakalipas simula nang makalabas si Ivan sa hospital. Dumalaw din ang mga kaibigan namin sa bahay ni Ivan para bisitahin siya.

Nagulat pa ang mga ito dahil naaalala na sila ni Ivan. Hindi ko pala nasabi sa kanila na bumalik na ang alaala ni Ivan. 

Wala akong trabaho ngayon. Lalabas kaming dalawa ni Ivan dahil free naman ang schedule niya ngayong linggo. Bukas ay babalik na si Ivan sa hospital para magtrabaho.

Kakain lang kami ng dinner ni Ivan sa restaurant. Baka raw kasi matagal kaming hindi magkikita dahil nasa hospital siya lagi. 

Naiintindihan ko naman ang trabaho ni Ivan. Mas kailangan siya ng ibang tao. Kaya ko namang hintayin siya.

Sinundo ako ni Ivan ngayon. Dadalhin ko na sana ang kotse ko, pero mukhang hindi na kailangan. May dala itong book bouquet gaya ng kanyang nakasanayan.

"Good evening, baby. You look stunning as always."

Kinuha ko ang bouquet sa kamay niya at humalik ako sa pisngi niya. "Thank you."

Nakita ko ang matamis niyang ngiti. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan akong sumakay sa loob ng passenger seat.

Sumakay siya sa driver seat at nagsimula nang magmaneho ng kanyang sasakyan. Hindi ko maiwasang mamangha sa kanyang mukha. 

Alam ko namang gwapo si Ivan. Pero parang mas naging gwapo siya ngayon. Ang simple lang naman ng kanyang ayos. 

"I can feel your pretty eyes on me, baby. Stop staring, Amery. I can't focus my eyes on the road."

Naramdaman kong uminit ang magkabilang pisngi ko kaya umiwas ko ng tingin sa kanya. Bigla akong nahiya sa pagtitig ko sa kanya.

Nang makarating kami sa aming destinasyon ay humanap agad ng pwesto sa parking lot si Ivan. Hindi naman siya nahirapan dahil kaunti lang ang mga sasakyan. 

Inalalayan ako sa pagbaba ni Ivan. Kumapit ako sa kanyang braso habang papasok kami sa restaurant. 

Umupo kami sa pinareserved na upuan ni Ivan. Lumapit agad ang waiter sa amin para tanungin ang order namin. 

"I want garlic butter chicken. Also, chocolate mousse for dessert."

Tumango ang waiter at ngumiti. Tinanong niya rin si Ivan. "Just double her order and add wine."

Nagpasalamat ang waiter sa amin at umalis na. Isang minuto ang lumipas bago ako magsalita. 

"Ivan, do you want to hear what happened in the past?"

Napaisip siya bago magsalita. "Let's talk about it after our dinner."

Tumango ako. "Alright."

Ilang minuto lang ang nagdaan nang dumating ang waiter at inilapag ang aming order sa table. Naamoy ko na agad ang pagkain sa ibabaw ng mesa. Natakam tuloy akong tikman ito.

Kumain kaming dalawa ni Ivan. Hindi nga ako nagkamali, sobrang sarap ng pagkain nila rito. 

"How was it?"

Nilunok ko muna ang kinakain ko bago magsalita. "It's really good, Ivan."

Binuksan niya ang wine at nilagyan ang wine glass ko. Their wine was also good, though. 

"Ivan, sumakit pa ba ang ulo mo?"

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "No, I'm totally fine, baby. Don't worry, hmm?"

Tumango ako ngumiti. "I'm glad that you're here with me. No more nightmares in the night."

Kinuha niya ang aking kamay at dinala sa kanyang labi. "I'm here now, baby. I don't want to be away from you, Amery. I'm sorry for those times that I'm not by your side. I didn't witness your graduation. I didn't witness your first day of being a successful CPA. I'm really sorry, baby."

Her Asset Where stories live. Discover now