Chapter 46

24 9 0
                                    

Naghahanda ngayon si Tita ng mga pagkain sa dining. Tinulungan namin siya ni Ivan. Nawala na rin naman ang pagkailang ko kay Ivan dahil kanina pa kami nag-uusap.

"Let's eat!"

Umupo ako sa harap ni Ivan. Kukuha na sa ako ng ulam nang tanungin ako ni Ivan. Nagtataka man ay sinagot ko pa rin siya.

"What do you want?"

Itinuro ko ang mga ulam na gusto ko. "Buttered shrimp and menudo."

Kumuha naman siya ng mga 'yon at inilagay niya sa plato ko. Huli na nang pigilan ko siya dahil nanigas ako sa kinauupuan ko dahil sa ginawa niya.

"T-thank you, Ivan." 

Nakita ko ang nang-aasar na mukha ni Tita. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o kinikilig sa ngiti niya.

Yumuko na lang ako at pinagtuonan ng pansin ang aking pagkain. How I missed this moment, just the three of us eating and making conversation. Sayang lang at wala si Tito ngayon.

"How's work, Amery?"

Itinigil ko ang paghiwa sa aking karne. "I'm enjoying it, Tita, even though it's hard and tiring."

"That's good, then."

Kukuha na sana ako ng juice sa pitsel pero masyadong mabilis ang kamay ni Ivan sa akin. 

"Ako na, Amery."

Binigyan niya ang aking baso ng juice. Wala akong nagawa kung hindi ang magpasalamat sa kanya. Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa ginagawa.

"Son, ginugulo ka pa ba ni Claire?" 

Napainom ako ng tubig dahil sa tanong ni Tita. Umiling si Ivan sa kanya. "No, Ma. I can handle her."

Tumango si Tita sa sinabi niya tila nakahinga nang maluwag. "Don't let her come closer to you, Ivan. Don't believe in her, no matter what she's saying."

"Yes, iniiwasan ko naman siya sa hospital, Ma. Kinakausap ko lang siya kapag tungkol sa trabaho."

"Ayaw ko talaga sa babaeng 'yon. Hindi maganda ang idudulot niya sa'yo. Mabuti na lang at humiwalay ka na sa kanya."

"I don't really understand her, Ma. I just can't love her. She even threatened me."

Sumama naman ang mukha ni Tita. "Kaya huwag mo siyang hahayaan na makalapit ka. Ipapahamak ka lang niya, Nak."

"I won't, Ma. Don't worry, okay?"

Tumango si Tita at nginitian si Tita. Hindi na talaga dapat pang lumapit si Claire kay Ivan. Baka kung ano pa ang panlolokong sabihin sa kanya ng babaeng 'yon.

"Tita, your birthday is coming. What birthday gift do you want?"

Iniba ko ang usapan dahil nararamdaman kong bumibigat ang pakiramdam ko kapag naririnig ang pangalan ni Claire. Naaalala ko lang ang mga ginawa niya sa amin.

"Pwede naman na walang regalo, Amery. Gusto ko lang ay pumunta ka sa birthday ko."

Agad akong tumango sa sinabi niya. "Of course, Tita. I'll be present on your birthday."

Taon-taon ay tinatanong ko si Tita kung anong gusto niyang regalo. Pero hindi nag-iiba ang sinasagot niya sa akin. Kahit naman sabihin ni Tita na hindi na kailangan ng regalo, nagdadala pa rin ako.

"Pero gusto kong regalo sa akin ni Ivan ay apo."

Naubo ako sa sinabi ni Tita. Inabutan agad ako ni Ivan ng tubig. Ininom ko agad ang binigay niya.

"Are you okay, Amery?"

Ramdam ko ang pag-aaalala ni Ivan sa kanyang boses. Tumango naman ako at inilapag ang baso na wala ng laman.

Her Asset Onde as histórias ganham vida. Descobre agora