Chapter 15

31 14 0
                                    

Ngayon ay ang araw ng Sabado. Natapos ang intrams namin kahapon. Nasa bahay lang ako ngayon at
ka-chat ang kaibigan kong si Ariel.

Amery:
Kumusta ang acads?

Ariel:
Sobrang nakaka-stress ang acads.

Amery:
Kinasal na ako.

Ariel:
Huh?!

Ariel:
May hindi ba ako nalalaman, Amery?!"

Base sa chat nito ay nagulat talaga sya.

Amery:
Kinasal ako kay Ivan kahapon.

Ariel:
Nananaginip ka ba? Alam ko namang gusto mo si Ivan, Amery. Pero dahan-dahan ka lang sa pagiging delusional mo.

Sabi na at hindi ito maniniwala.

Amery:
Oo nga, send ko pa ang mga pictures sa'yo eh.

Ariel:
Send mo nga, ASAP!

Kaya sinend ko ang mga pictures namin kahapon na kuha ng mga kaibigan namin.

Amery:
Sent a photo.

Ariel:
Hoy!!!!

Natawa ako sa reply nya.

Ariel:
Anong meron sainyo ni Ivan, Amery?!

Amery:
Magkaibigan kami.

Ariel:
Bakit may kasalang naganap?!

Amery:
Napilitan lang siguro siya kahapon sa marriage booth. Baka nahihiya lang siya na tumanggi sa mga kaibigan namin.

Ariel:
Huwag ako, anteh!

Amery:
Hanap ka pala ni Alexander sa akin.

Pag-iiba ko ng aming usapan.

Ariel:
Sabihin mo ayaw ko syang makita.

Ariel:
Ang kulit naman ni Alexander!

Natawa naman ako sa sinabi nya. Ayaw nya talaga sa Tito ko. Magkasing-edad lang kami ni Tito. Yung Lola ko kasi kapatid ng Mama nya.

Amery:
Alam mo namang patay na patay sa'yo 'yon.

Amery:
Mag-reply ka na sa mga chat nya, Ariel.

Amery:
Kawawa naman yung tao.

Ariel:
Hoy babae! Hindi porque Tito mo 'yon ay kakampihan mo na sya.

Ariel:
Kaibigan mo ako, Amery.

Ariel:
Mas close ka sa sakin kaysa sa Tito mo.

Ayaw talagang magpatalo.

Amery:
Oo na, basta sabihin mo na lang na ayaw mo sa kanya.

Ariel:
Ilang beses ko nang sinabi 'yon, pero hindi raw sya susuko.

Amery:
Sabi sa'yo, eh. Gustong-gusto ka niyon.

Ariel:
Amery!

Amery:
Chill, hindi na...hindi na.

Inaasar lang, eh.

Ariel:
Sige na, mag-r-review pa ako. May exam pa kami bukas.

Amery:
Good luck sa exam, Ariel. Bye!

Buti na lang at wala akong assignment ngayon. Awarding lang kasi ang magaganap sa Monday.

Ano kayang ginagawa ni Ivan? Wala naman kasi syang post, paano ko sya ma-s-stalk?

Her Asset Where stories live. Discover now