Chapter 42

20 6 0
                                    

Katahimikan ang bumalot sa amin.
Tumingin ang lahat sa akin. Sa tingin na 'yon, parang ako ang gusto nilang sumagot sa tanong ni Ivan.

Tumingin din si Ivan sa akin. Mas lalong namawis ang mga kamay ko. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa kanya. Ako naman talaga ang girlfriend niya no'n. Hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari. 

Hindi ko alam kung siya ba talaga ang nag-message sa akin no'ng gabing iyon. Ang hirap magbitaw ng salita, lalo na't hindi rin matandaan ni Ivan ang mga nangyari.

"W-we don't know, Ivan. No one knows what really happened to you when you were in New York. Ang bilin din ng Doctor mo ay huwag ka naming piliting maalala ang mga nawalang mong memorya. We can't risk your health, Ivan."

Unti-unti siyang tumango. Pero alam kong may malalim pa rin siya iniisip. He's been my boyfriend for five years, I know.

"Hindi ka ba naniniwala na girlfriend mo siya?" Fatima.

Huminga nang malalim si Ivan. 

"I don't know. I woke up in the hospital, and then I saw her. Then I couldn't remember why I was in New York. And when the Doctor said that I have retrograde amnesia, I got really confused about why it happened. Claire introduced herself as my girlfriend. But... I didn't feel anything when I saw her."

Narinig ko ang mga singhap ng mga kasama ko. Pero napako lang ang tingin ko kay Ivan. Gulong-gulo na ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang totoo, ang message ba ni Ivan o planado lang ni Claire 'yon?

"Bakit hanggang ngayon kasama mo pa si Claire kung wala kang nararamdaman sa kanya?

Nagulat si Ivan sa sinabi ko. Maging ang mga kaibigan ko ay nagulat sa tanong ko kay Ivan. Pero tinapangan ko ang tingin ko kay Ivan. Gusto kong malaman ang isasagot niya.

"I tried to…I tried to break up with her. Sinabi ko sa kanya na wala akong nararamdaman sa kanya. Pero hindi siya pumayag, she was crying hard at that time. She said that she would take her own life if I broke up with her."

Huh?! Gano'n ba siya ka desperada? 

"I also can't understand myself. I felt nothing when I first saw Claire. But I don't understand why my heart reacted when I saw A-"

Naputol ang sasabihin ni Ivan nang biglang dumating si Claire. Sinubukan niya pang yumakap kay Ivan, pero mabilis lang na umiwas si Ivan kaya hindi natuloy ang binabalak niya.

Mukhang napahiya si Claire dahil sa pag-iwas ni Ivan sa kanya. Umani 'yon nang katahimikan sa amin.

"Kwentuhan mo naman kami, Ivan." 

Naputol lang ang katahimikan nang magsalita si Mila. 

"After I was discharged from the hospital, I pursued my dream to become a Doctor. I continued my studies, and now I'm a Doctor. I graduated Magna Cum Laude in New York. After that, I decided to go home."

He did it...he is a successful doctor. Kahit wala na kami ay sobrang proud pa rin ako sa kanya. 

"That's my boyfriend!"

Bumalik lang ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Claire. Alam kong wala sa lugar na masaktan ako pero kahit anong pigil ko, nasasaktan pa rin ako.

Wala namang pumansin kay Claire. Nawala lang ang atensyon ko sa kanya nang lumapit si Christoff. Bumaba ang ulo niya papalapit sa akin para bumulong.

"Are you okay, Amery?"

Sasagot na sana ako sa kanya pero hindi ko iyon nagawa dahil nakita kong nakatingin nang matalim si Ivan kay Christoff. 

If looks can really kill, Christoff's probably dead now. 

Her Asset Where stories live. Discover now