Chapter 27

22 8 0
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Pupunta kami ngayon sa gitna ng dagat. We will try parasailing for the first time. 

Nasa dagat na kami ngayon. Nauna na si Laurence at Kent. Kanina pa ka kasi excited si Laurence. 

"Humawak kang mabuti Laurence, ah! Baka mahulog ka." May halong pang-aasar na sabi ni Migs sa kanya.

"Hindi ako natatakot!" Sigaw pabalik ni Laurence.

Halata naman talaga sa mukha niya na hindi siya natatakot. Excited pa nga siya. Noong nasa ere na silang dalawa ay dinig ko ang mga masayang sigaw nila.

"Woohhhhh!" 

Kumaway pa sila sa amin. Na excite tuloy akong gawin iyon.

Bumaba na sina Laurence at Kent. Sumunod sa kanila sina Migs at Keith. Halata sa mukha ni Migs na kabado siya. Inasar tuloy siya ni Laurence. 

"Migs! Humawak ka ring mabuti. Baka mahulog ka sa mga pating!" 

Tumawa kami sa biro niya. Pero ang kabadong mukha ni Migs ay lalong lumala nang nasa ere na sila.

"Ayoko na! Ibaba niyo na ako. Nalulula na ako!"

Sa sobrang lakas ng boses niya ay naririnig namin siya. Halata naman sa mukha ni Keith na stress na siya sa mga nangyayari. Kawawang Keith.

Nakita ko na pinapakalma ni Keith si Migs. Nakikita ko rin kasi na medyo magalaw si Migs kaya baka mahulog siya. Kumalma naman si Migs. Bumaba na rin sila. Pinainom naman ng tubig si Migs. Namumutla na kasi ito.

Ang sumunod na sumalang ay sina Fatima, Julianna, at Mila. Sama-sama silang tatlo. Mukhang hindi rin sila natatakot. 

May hawak silang camera. Kitang-kita ko ang saya sa mga mukha nila. Mukhang nag-enjoy talaga sila. Nagtatawanan lang kasi sila sa taas. 

"Amery."

Lumingon ako kay Ivan. "Hmm?" Tanong ko sa kanya.

"Are you scared?" 

"No, kaya ko naman yan. Kasama naman kita." 

Tumango lang siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Hinayaan ko lang siya hanggang sa natapos na ang tatlo.

"Grabe! Ang ganda!"

"Hindi ako nagsising sinubukan ko 'yon!"

"Nag-enjoy talaga ako nang sobra!"

Lalo tuloy akong na-excite nang marinig ko ang mga kumento nila. Well, kami naman na ang susunod. 

Inalalayan ako ni Ivan sa pag-upo. Kinabitan na rin kami ng mga proteksyon namin. May life vest naman kaya kampante ako.

"Wala na, tapos na ang laban!"

"When mararanasan?!"

"Ivan, ingatan mo kaibigan namin!"

"Sana all na lang tayo!"

Ang iingay naman ng mga ito. Nahiya tuloy ako sa mga sinasabi nila. 

Nang nasa mataas na kami na lugar ay hinawakan ulit ni Ivan ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya. Nakita ko siyang nakatingin sa akin. 

"Ayoko pang matapos ang sembreak, Ivan." 

"Hmm. Gusto ko pang manatili rito."

"Ivan. Let's take a video!"

Siya ang humawak ng cellphone. Sa kanya rin ang phone na gamit namin. Hindi ba siya natatakot na baka mahulog ang phone niya sa tubig?

Nag-hello agad ako sa cam. Medyo hinahangin din ang buhok ko dahil sa hangin. 

Her Asset Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang