Chapter 45

24 8 0
                                    

Nagmamadali kong tinapos ang trabaho para makapunta na sa sinabing lugar ng taong nagpadala sa akin ng sulat. 

Malaki ang kutob ko na may kinalaman ito sa nangyari kay Ivan. Kailangan kong nalaman ang sasabihin niya. 

"Oh, Amery, tapos ka na agad?"Tumango habang inaayos ang mga gamit ko. "Oo, aalis na ako. Bye!"

Halos tumakbo ako habang papunta sa parking lot. Pinaandar ko agad ang kotse ko at pumunta sa *** cafe. Pagpasok ko ng cafe ay may humila agad sa kamay ko. Hinatak ako nito papunta sa may dulong pwesto.

Umupo kaming dalawa at halos manginig ako sa kaba habang kaharap ko siya. "Ikaw ba si S? Ikaw ba ang nagpadala ng sulat sa akin?"

Tumango siya sa akin. "Ako nga, Amery. Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataon na ito para makausap ka."

"A-anong sasabihin mo? Bakit may kinalaman ito sa nakaraan?"

"Bago ko sabihin 'to sa'yo, magpapakilala muna ako. I'm Simon, but you can call me S. At least do me a favor, Amery. Don't tell other people my real name."

Agad akong tumango sa sinabi niya. "I will, S." Ilang segundo akong nawalan ng imik. "Pwede mo na bang sabihin sa akin ang nais mong sahihin?"

"Claire was my girlfriend back then. I know that she doesn't love me because she's obsessed with Ivan."

Nagkaroon pala ng boyfriend si Claire. 

"Nang malaman ko ang nangyari kay Ivan, doon nakipaghiwalay si Claire sa akin. Hindi naging sila ni Ivan, Amery. Pinaniwala lang ni Claire si Ivan na siya ang girlfriend nito."

Tama ang kutob namin ni Tita.

"Tell me...may kinalaman ba si Claire sa nangyari kay Ivan?"

Para akong hinahabol ng aking hininga. Pero mas lalong sumikip ang aking dibdib nang mabagal itong tumango sa akin. "P-paano?... Anong g-ginawa ni Ivan sa kanya para gawin 'yon s-sakanya?"

Umiling siya sa akin. "Hindi ko alam ang plano niya, Amery. Narinig ko lang siya na may kausap sa telepono kaya ko nalaman."

"Si Claire ba ang bumangga sa sasakyan ni Ivan?"

Umiling ulit siya. "May inutusan siya para gawin 'yon kay Ivan. Ang lalakeng kausap niya lagi sa telepono, siya ang inutusan niya para banggain ang sasakyan ni Ivan."

Nanghihina ako sa mga naririnig ko. "B-bakit ginawa ni Claire 'yon?"

"Ayaw niya kayong maging masaya ni Ivan, Amery. Gano'n siya ka-selfish. Ang plano niya ay patayin si Ivan. Pero noong nalaman niyang nakaligtas ito at nagkaroon ng amnesia, iniba niya ang plano niya. Sinabi niya kay Ivan na siya ang girlfriend nito."

"A-akala ko...akala ko talagang ayaw na ni Ivan sa akin dahil masaya na siya kay Claire. Nag-message sa akin si Ivan na maghiwalay na kami dahil masaya na siya sa piling ni Claire."

Napaisip si S sa sinabi ko. "Sa palagay ko ay si Claire ang nag-message sa'yo niyon, Amery. Nakita ko siya na hawak niya ang dating phone ni Ivan. Nalaman kong kay Ivan 'yon dahil nakita ko ang picture mo ro'n."

Kumuyom ang kamay ko. Pinaikot niya kami! Napakasama ni Claire, hindi ko aakalaing gagawin niya ito para lang sa mababaw na dahilan!

"Alam mo ba kung nasaan ang phone ni Ivan?" Umaasa na sabi ko.

Umiling siya kaya nalungkot ako. "I'm sorry, Amery. Isang beses ko lang nakita ang phone na 'yon. Pero sigurado akong nasa kamay 'yon ni Claire."

"Mabuti na lang at nakipag hiwalay na si Ivan kay Claire."

Her Asset Where stories live. Discover now