Chapter 34

18 7 0
                                    

Today is our first anniversary. We will go on a picnic date. We both love food, that's why. And after that, we will go to church. We want to thank God for keeping our relationship strong and healthy.

We survived our first year in college. I know it's not easy. Compared to senior high, college is harder than I thought. Just like college life, Ivan and I experienced hard times in our relationship.

It's unpredictable because it's normal in the relationship. In order to strengthen your relationship. You need to go through hard times.

Nagsuot ako ng white sundress. Pinaresan ko ito ng white sandals. I put light make up on my face. Nang makuntento na ako sa itsura ko, lumabas na ako ng kwarto. 

Nadatnan ko si Ivan sa sala. Kausap niya si Mama. Wala ngayon si Papa dahil nag-trabaho siya. Dumako ang tingin ko sa boyfriend ko. 

Bakit ang gwapo niya palagi?

Nakasuot ito ng puting long sleeves na polo. Nakabukas pa ang dalawang butones ng polo niya. At mas lalong nakadagdag iyon sa appeal niya. 

Kahit siguro basahan lang suotin nito ay gwapo pa rin siya. Kaya ang dami kong kaagaw sa kanya, eh. Unang-una na ang Claire na 'yon. Classmate niya kasi ang babaeng 'yon.

Pero ipinagwalang bahala ko na lang 'yon. Ang importante ay ako ang mahal ni Ivan. Alam ko namang hindi ako ipagpapalit ni Ivan para sa babaeng 'yon.

"Oh, anak. Halika na rito. Hinihintay ka na ni Ivan."

Nawala ang iniisip ko nang tawagin ako ni Mama. Bumaba agad ako at pinuntahan sila. Nagpaalam na kaming dalawa ni Ivan na aalis na.

Nasa kotse niya ang mga pagkain namin. Nandoon din ang blanket na gagamitin namin mamaya. Ang dala ko naman ay ang regalo ko kay Ivan.

Hoodie na may tatak na one piece. At box na may lamang one piece characters. I know na matagal niya na itong gustong bilhin. Kaya ako na ang bibili para sa kanya.

He loves one piece that much, I know.

Nandito kami ngayon sa park. Nagtaka ako nang makita kong walang katao-tao rito. 

"Ivan, bakit walang tao rito?"

Naramdaman kong yumakap si Ivan sa likod ko. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin, kaya pigil ang ginagawa kong paghinga.

"I rented this whole place for this day, baby."

Sa gulat ko ay nilingon ko siya. Lumayo ako nang bahagya dahil sa lapit ng mukha niya sa akin.

"Pero...hindi mo kailangang gawin 'yon, Ivan."

"Gusto kong tayong dalawa lang ang magkasama. Gusto kitang ma-solo."

Nakayakap pa rin siya sa akin. Humarap ako sa kanya at yinakap siya pabalik. I really appreciate what he did.

"Thank you, Ivan."

Hindi siya sumagot sa akin. Niyakap niya lang ako nang mahigpit. He kissed my forehead, then my nose, and then my cheeks. 

Humarap ako sa kanya. Malalim ang tingin ng kanyang mga mata sa akin. Ramdam ko rin ang pamumula ng pisngi ko. 

"Can I kiss you, baby?"

Nilunok ko ang laway ko dahil sa kaba. Pagkatapos ay dahan-dahan akong tumango sa kanya. He smiled, then touched the side of my face.

Unti-unting bumaba ang ulo niya papalapit sa akin. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata nang maramdaman ko ang hininga niya sa mukha ko. Ramdam ko rin na umiinit na ang mukha ko.

Her Asset Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ