Chapter 53

19 9 0
                                    

Tomorrow's my birthday. We are planning to celebrate it at our resort. I invited a few people to this event. Only my family, Ivan's family, and my friends. We also invited Claire on my birthday, but she didn't want to come because she was shy and guilty about what she had done in the past.

Hindi ko na siya pinilit pa dahil ito ang gusto niya. Hindi ko rin naman siya masisisi kung ito ang nararamdaman niya. Kung ako rin naman ang may nagawan ng mali, hindi rin ako pupunta kung iimbitahan nila ako. 

Kinakausap ko ngayon ang event organizer para maayos na ang lahat dahil bukas na ang aking birthday party. Hindi naman importante sa akin na bonggang-boga ang party ko. Ang mahalaga lang sa akin ay kasama ko ang mga mahal ko sa buhay.

I think that would be more than enough to spend my birthday with them, because I am indeed content with what I have now.

"Ms. Amery, may gusto ka pa bang idagdag?"

Umiling ako at ngumiti. "No, I'm okay with all the plans. Thank you so much for making this event special."

Ngumiti siya sa akin. "I'm indeed grateful to meet you, Ms. Amery. Thank you also for trusting me." 

Nagpaalam kami sa isa't-isa at umuwi na ako sa aking condo. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin si Ivan na walang suot na pang-itaas. Nakatalikod ito sa akin at abala sa kanyang pagluluto. 

Mukhang hindi niya alam na nandito na ako, ah? Hindi siya lumingon nang buksan ko ang pintuan. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya para hindi gumawa ng ingay ang tapak ng aking mga paa.

Niyakap ko ito sa likuran at gumalaw ang kanyang mga balikat tanda na siya ay nagulat sa aking presensiya.

"Bakit ang lalim ng iniisip mo? Hindi mo man lang napansin na nandito na ako."

Huminga siya nang malalim at humarap sa akin. Hinawakan niya ang aking bewang at ibinaba ang kanyang ulo para bigyan ako ng halik sa aking noo.

Ipinikit ko ang aking mga mata nang maramdaman ko ang paglapat ng kanyang labi sa aking noo. 

"I'm sorry, baby. I didn't notice that you were here. I was busy thinking about th p-"

Natigilan siya sa pagsasalita na para bang natauhan siya sa kanyang sasabihin. Kalaunan ay umiling na lang ito at bumuntong hininga.

Hinayaan ko na lang 'yon at pumunta sa kanyang harapan. Ngayon ay nasa kanyang likod na ako. Nakakulong ako sa pagitan ng kanyang braso habang abala siya sa pagluluto.

Isinandal ko ang ulo ko sa kanyang dibdib. Napaisip ako sa sinabi ni Ivan. Ang sabi niya ay kukunin niya ang condo na katabi ng akin. Pero parang sa condo ko na siya tumira.

Halos nandito na rin ang kanyang mga gamit. Hindi na rin siya halos umuuwi sa kanyang condo. Kung uuwi man siya ay para lang kumuha ng kanyang mga gamit.

"Ivan, itutuloy mo pa ba ang pagkuha sa condo na katabi ng akin?"

Ilang segundo bago siya sumagot. "No, I have my reasons, but I'm not going to spoil you yet."

Nagtataka man ay tumango na lang ako. Natapos na rin sa pagluluto si Ivan kaya kumain na kaming dalawa. Nang malasahan ko ang niluto ni Ivan ay napapikit ako sa sarap ng lasa nito.

"How's your talk with the event organizer, baby?

Nilunok ko ang kinakain ko bago ako sumagot kay Ivan. "Well, I don't have any problem with what she suggested to me, Ivan. I actually liked her idea about the party."

Tumango siya. "That's good, then."

Habang kumakain kami ay tumunog ang telepono ni Ivan. Agad niya itong sinagot pero hindi siya umalis sa upuan niya habang kinakausap ang nasa kabilang linya.

Her Asset Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang