Chapter 5

58 27 1
                                    

Unang ride na sinubukan naming sakyan ay bump car. Si Ivan ang nag drive, tapos ako ang nakasakay at tamang video lang ang role ko.

Siguradong puro tawa lang ang maririnig sa video. Tawa rin nang tawa si Ivan. Sumisingkit tuloy ang mata nya. Mas gumwapo tuloy sya.

"Anong next natin?" excited na tanong ko.

"Sky cycle naman." sagot ni Fatima.

Pumunta kami roon para pumila. Bali ako ang kumukuha sa video, si Ivan naman ang sa manubela at parehas kaming pumapadyak.

Nakatutuwa lang isipin na dinig mo ang mahihinang tawa nya. Ang seryoso kasi masyado sa buhay, pero ngayon nakikita ko sya na nakangiti.

Pinipigilan ko pa rin naman ang sarili ko lalo na at alam kong hindi pa sya ready. We're actually not yet ready sa commitment. Kaya ko naman sigurong mag-hintay...kahit pa may gusto itong iba.

"Ivan, harap ka sa camera." saad ko sa kanya. FC ako masyado.

Ngumiti sya sa camera at kumaway. Napangiti rin ako nang masilayan ko ang kanyang ngiti.

"Hello." sabi nya sa camera kaya naman natawa ako nang bahagya.

Pinatay ko na ang video, nangawit na rin kasi ako sa paghawak ng phone.

"Buti na lang at hindi mainit." sabi ko sa katabi ko.

"At hindi rin umuulan." dugtong nya sa sinabi ko.

Natawa ako. Wala lang natawa ako, bakit ba?

"Dadami ang tao maya-maya, maganda rin kasi kapag gabi na." sabi ko.

"May fireworks din ata mamaya." sabi ni Ivan.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Gusto ko rin kasing ma experience yon.

"Talaga ba?!" excited na tanong ko.

"Yes, narinig ko kanina." sabi nya.

Muntik na akong mapatalon sa excitement.

"Parang gusto ko nang gumabi." sabi ko.

Natawa naman sya sa sinabi ko. Halata atang excited ako.

"Chill, marami pa naman ang oras." sagot nya at ngumiti.

Tumango naman ako sa kanya at luminga-linga sa paligid. Hinahanap ko ang mga kasama namin.

"Nasaan na ang mga kasama natin?" tanong ko sakanya.

"Hanapin natin." sagot ni Ivan.

Sumang-ayon ako sa sinabi nya, naglakad kami at hinanap sila.

Bat kasi sila humihiwalay sa amin?

"Andoon sila." sabi ni Ivan, tinignan ko ang tinuro nya at andoon nga sila sa may mga palaro na may mga stuffed toys na prizes.

"Tara." yaya ko sa kanya. Lumapit kami sa mga kasama namin.

"Bat kayo humiwalay?" bungad ko sakanila.

"Hindi namin kayo nakita kaya nauna na kami." sagot ni Julianna at nag piece sign pa.

"Fake friends kayo!" biro ko sa kanila.

Tinawanan lang nila ko. Grabe talaga sila, kaibigan ko ba talaga sila?

"Anong next natin?" tanong ni Laurence. "Yung extreme rides naman." dagdag nya. Sumang-ayon naman kaming lahat sa kanya.

"Drop tower gusto nyo?" suhestiyon ni Kent.

Sumang-ayon kaming lahat sa kanya, gusto rin naman namin.

"Kinakabahan ka?" tanong ko kay Julianna, pansin ko kasi na tahimik lang sya.

Her Asset Where stories live. Discover now