Chapter 43

20 6 0
                                    

Kanina pa ako nakahiga sa kama pero kahit anong pilit ko ay hindi ako tinatablan ng antok. Ang mga kasama ko sa room ay tulog na.

Umupo ako at kinuha ko ang phone ko. Nakitang kong 10 pm na ng gabi. Dahan-dahan akong bumaba sa aking kama para hindi magising ang mga kasama ko.

Paglabas ko pa lang ng aming room ay sumalubong na sa akin ang malamig na hangin. Para itong yumayakap sa aking balat.

Kaunti na lang ang mga taong nakikita ko ngayon. Malamang ay natutulog na ang iba. Malalim ang iniisip ko habang naglalakad sa dalampasigan. Sumasalubong ang mga alon sa aking mga paa.

Wala akong dala na kahit ano ngayon. Iniwan ko ang phone ko sa kama ko. Umupo ako sa puting buhangin. Pinapakinggan ko lang ang tunog ng alon.

Habang nakaupo ako ay may umupo na isang lalake 'di kalayuan sa pwesto ko. Nakasuot ito ng hoodie kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Pero bigla kong iniwas nang mabilis ang mukha ko nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Naramdaman niya ba na nakatingin ako sa kanya? Hindi niya naman siguro ako nakita?

Nakakahiya!

Tumayo ako at tumalikod sa lalake. Napagpasiyahan ko na lang na bumalik sa room namin.

Pero hindi pa ako nakakalayo nang may humila sa kamay ko at pinaharap ako sa kanya. Nang makita ko kung sino ang humila sa akin, nanlaki ang mga mata ko.

"Ivan, anong ginagawa mo rito?"

Nakasuot ito ng hoodie. Naalala ko tuloy ang lalaki kanina na dahilan nang pag-alis ko. Wait...nakahoodie? Lumingon ako sa pwesto ng lalake kanina. Pero wala na siya roon.

"Ikaw ba 'yong lalake kanina na nakaupo ro'n?"

Tinuro ko ang pwesto kanina ng lalake. Tumayo naman siya sa akin. Si Ivan lang pala 'yon.

"Bakit gising ka pa?" Hindi niya pinansin ang naunang tanong ko.

"Hindi kasi ako makatulog. Nagpapaantok lang ako rito sa labas."

Binitawan niya ang hawak niya sa akin. "It's not safe for a girl like you to go out in the middle of the night. Paano na lang kung may mangyaring masama sa'yo?"

Binaba ko ang tingin ko sa aking mga mata. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.

"Eh, ikaw, bakit gising ka pa?"

"I can't sleep, too."

Tsk! Gano'n din naman pala ang dahilan niya!

Nagsimula kaming maglakad sa gilid ng dagat. Mas naging kaunti ang mga taong nandirito. Mas lumakas din ang tunog ng alon, mas tahimik kasi rito sa lugar na 'to.

"Dapat ay hindi mo iniwan si Claire ro'n."

Binulong ko lang ito, pero parang narinig niya ata ang sinabi ko dahil napahinto siya sa paglalakad.

Dapat talaga ay sinasarili ko na lang ang mga iniisip ko! Para hindi na ito lumabas sa bibig ko.

"Hindi ko naman siya iniwan."

Lumingon ako sa kanya. "Paanong hindi mo iniwan, nandito ka nga ngayon, eh? Baka magising siya at hanapin ka niya."

Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya. "Hindi ko siya iniwan dahil una pa lang, hindi ko siya kasama." Huminto siya sandali sa pagsasalita. "If you're thinking that we're on the same room, you're wrong, then. I booked another room for myself."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Pero ang sabi ni Claire..."

Umiling ako sa kanya. Ititikom ko na lang ang bibig ko.

Her Asset Where stories live. Discover now