About the Book

360K 2.4K 332
                                    

Una sa lahat inaalay ko ang librong ito sa aking Ina.

Wow Ma ha? Kahit hindi mo pa nababasa ang alin man sa aking gawa alam kong number one fan kita! Ikaw pa, eh kahit nung pinatawag ka ng adviser ko nung third year college at sinabi na 79.98% ang average ko sa NCM prelims at baka bumagsak ako tumawa ka lang.

Kahit sinabihan ka niya na hindi ako nakikinig sa klase at baka nagtetext lang. Nung sinabihan ka niya na lagi akong tulog at napupuna na ng mga prof ko. Ngumiti ka lang.

Naalala ko, sinagot mo pa si Ma'am nun, sabi mo,

"Naniniwala naman ako sa anak ko eh, papasa pa rin yan," ngumiti ka ulit bago ka tumalikod at hinila ako sa Tennis Court na likod lang ng faculty office.

Tapos sinabihan mo ko na bibigyan mo ako ng P1,000 kapag naging 80 yung grade ko sa finals. Kasi yun ang passing. Sabi ko sayo nun pag naging 85 yung grade ko gagawin mong P5,000 ha? Umoo ka nun Ma eh, kaya naman nabutas ang bulsa mo nung finals. HAHAHAHAHA! Syempre kasi nag-aral talaga ako nun, minsan ka lang kaya pumusta ng pera. Pagkatapos nun hindi ka na kailanman nakipagpustahan sakin. Sayang.

Alam kong naiinggit ka sakin Ma, kasi magaling ako sayo sa Math. (Ako na mahangin, kanina pa talaga. Hahaha.) Di ba nga lagi mo sinasabi kung pano ko na-uuno ang grades ko eh halos itres mo nga lang yung iyo? Pero bobo na ako ngayon sa Math Ma. Tingin ko lang. Kung hindi ko pa alam ang kurso ng tatay ko nun baka akalain ko talaga na ampon lang ako. Jokes! Pero enough na Ma, ayoko na masyadong magbulgar ng mga bloopers natin. Hehehehe. Mahal na mahal po kita.

Despite and inspite of everything. :)

Wala lang. Hindi naman siguro masama magkwento ng konti no? Para mapahaba lang ang Chapter na to. Hahaha!

Ang kwentong ito ay bunga lamang ng isang simpleng biruan ng isang co-writer ko dito sa Wattpad. Kung saan nais niyang isali ang character ko sa kanyang libro. Naging interesado siya siguro sa buhay ko na punong-puno ng kalokohan. Bukod sa nagka-chance din naman kaming magkita at magkakilala ng personal.

 

Andun sa Ma Vie ang katibayan ng lahat ng aking mga kalokohan at adventures. Basahin niyo na lang kung bored kayo dahil ayon sa nakalap kong mga balita, ginagawa nilang palipas oras at pangtanggal stress at boredom ang aklat kong yun. Well, my life is an open book here. Pero dito lang talaga. Hindi yun pinopromote sa mga kaibigan ko sa totoong buhay. Hahaha!

Ewan ko kung bakit napa-Oo ako sa biruan naming yun. Hindi naman talaga dapat seryoso yun, biro nga diba? Pero nung napag-usapan ulit, pareho na kaming na-eksayt. Hanggang sa naisip din ng isang co-writer na makicollaborate kasama namin. Bale tatlo kami dito. Bisitahin niyo na lang ang kanilang mga kwento kung gusto niyong maliwanagan.

Ang laman ng librong ito ay iikot sa POV ni Louie Antoinette Kwok (pronounce as Luwi Antoni). Boyish na boyish di ba? Abangan niyo na lang ang kanyang pakikipagbakbakan, charot walang barilan dito, espadahan lang, charot ulit. Hahaha. Basta napakakulit ng kwentong ito, singkulit ng otor. Hahahaha!

Bisitahin niyo ang gawa ni hunnydew na POV ni Charlie sa HAT-BABE?!. Nauna talaga ang kanyang kwento. Kaya hindi na pwedeng kunin ang pangalang Louie dahil yun na talaga ang naunang plano. Pagtiyagaan niyo na lang ang pangalan na yan. Madami kayong matututunan na kabaliwan este aral dun. Oh ayan ha, nagpromote na ako Ate Honey. Hahaha! At ang gawa naman ni aKo_Narcisso na POV naman ni Sebastian/Chan-Chan sa A Man's Life kung saan bibigyang linaw ni Chan-Chan ang kanyang kasarian. Hahahaha!

Sana po ay magustuhan niyo ang kwentong ito at suportahan katulad ng pagsuporta niyo sa ibang mga gawa ko. Maraming salamat po ulit!

Nagmamahal,

Cursingfaeri

Miss AstigWhere stories live. Discover now