Forty Two

48.8K 732 39
                                    

___________________________________________________



Napalunok muna si Hiro bago nagsalita.




Halatang tensyonado ampotek. Hahahaha.



"A-Ah. Uhm. O-Okay. No problem. Charlotte and I are close, don't worry. I've been here since last week. Right Charlotte?"



Kanina ko pa talaga pinipigilan ang pagtawa sa Hiro na 'to. Lalo na ng akmang aakbayan nito si Charlie at iniwas naman ni bespren ang sarili.



Ang epal nga masyado. Now I understand why Charlie hate the guy.



Tumango-tango na lamang ako sa sinabi niya at nagkunwaring naniniwala dito.



Lakas maka-English! Ikaw na may British accent! De okay, mag-englishan tayo. Yabang yabang din pag may time. Hahahaha.



"So I've heard. Cool. It's nice to know that you two are getting along so well. I really hate people who bully my friends. I tend to develop animosity for that person with no apparent reason."



Ano ha? Nakatanga ka ngayon? Kala neto!



Tinapos ko na ang pakikipag-usap dito dahil atat na din akong makausap si Charlie. May gahd ha? Uuwi pa kaya ako.



"Uhm... Can I have a word with my bestfriend now? You're blocking her way in case you haven't notice."



Bahagya naman itong napahiya kaya humingi ito ng paumanhin at umalis sa harap ni Charlie.



"EXCUSE ME! DADAANAN ANG BESPREN!"



Lihim akong napangisi sa sinabing iyon ni Charlie. Inabot ko na sa kanya ang mga pasalubong ko upang makapagpaalam na ngunit pinilit ako nitong huwag muna umalis. May sorpresa daw kasi siya sakin. Napilitan tuloy akong pumasok sa loob ng bahay nila.



Kainis. May iniiwasan nga eh. Hays.



Dinala ako nito sa kusina. Hindi ko na napansin ang presensiya ni Hiro. Baka nagmotor or something. Ba't kasi naka-leather jacket? Hahaha.



Nagulat ako sa cake na nakahanda sa mesa. May number 16 na kandila ang nandoon.



"Mase! Mase! Sindihan mo na ang cake dali!"



Lumapit si Mason sa tabi ko at sinindihan ang cake. Bahagya naman akong dumistansya ng konti. Konti lang naman. Kasi ano eh. Nakaka-ano lang. Basta yun.



Pero syet lang talaga. Na-ooverwhelm ako. Ginawa ba nila talaga para sakin 'to? Ang sweet naman. Hindi ko ma-contain ang nadarama ko sa mga sandaling iyon. Ewan ko. Ang saya saya ko lang talaga.



Uhmmmmp. Nakaka-touch na alam mo yun?



"Magwish ka muna bespren!"



Mabilis ko namang pinikit ang mga mata ng nakangiti at taimtim na nagpasalamat kay Papa God. Sobrang dami ko lang na blessings lately despite of... hays.



Then I opened my eyes and finally blow the candle of my cake. Syempre nagwish din ako noh. Pero secret ko lang yun. Hehe.



Kinain namin ang cake. Sarap in fairness. "Ikaw ba nagluto nito bespren? Galing naman! Sarap ah."



"Ahehehe. Tinulungan ako ni Mason niyan."



Mabilis kong nilunok ang kakasubong cake at pasimpleng uminom ng juice at binalingan ito ng nakangiti. "Talaga? Oy Mase, thanks ha? Galing naman."



Tumango lang ito at tipid na ngumiti.



But wait, did he just blushed? Or was that imagination again? Whatever.



Magkano kaya words nito ng mabayaran? Tss. Mag-welcome ka naman diyan! Ang effort ko kaya nun!



Habang kumakain ay nagkwento si Charlie tungkol sa nangyari sa bakasyon nito. Napapangiti na lang ako sa pagsusumbong niya tungkol sa pambubully ni Hiro dito.



"Kamusta naman ang bakasyon mo bespren?"



Mabuti naman at natanong mo din ako. Akala ko talaga 'me, myself and I' lang kami eh. I mean, na puro siya na lang ang magkukwento. Hahaha.



"Ayos lang. Nanalo ako sa drift driving competition. Halos hindi na naman makahinga si Mama habang nanonood hahaha."



Naalala ko na naman kasi ang itsura ni Mama na hawak-hawak ang rosary habang nagco-compete ako hahaha.



"HUWAAAAAW! Ang galing mo talaga! Bilib na bilib talaga ako sayo! Manglibre ka naman hahahaha!"



Pagkain na naman. 'Tong babaeng 'to talaga! Nagpaunlak na lang ako ng may maalala.



"Sige. Pagdating na lang ni Chang. Tsaka, may sasabihin pala ako sayo."



Inaya ko si Charlie papunta sa sala nila kasi ayoko marinig ni Mason ang sasabihin ko sana. Wala lang. Trip ko lang. Bakit ba?



Hindi naman sumunod si Mason. Parang wala ngang narinig eh.



"Uhm... Sa.. Canada ako mag-aaral next school year."



"HAAAA?! SA CANADA KA MAG-AARAL?! IIWAN MO NA AKO?!"



Okay, that was useless. Naalala kong megaphone pala ang bunganga ng bespren ko. Ba't ko pa ba siya inaya dito? Di sana sa harap na lang kami ni Mason nag-usap para mas narinig niya di ba? Sayang naman. Ang hina pa eh!



"Magbabakasyon naman ako eh kaya mabibisita pa rin kita sa UST. Iba kasi ang bakasyon dun. Pasukan pa rin kaya makakapunta pa rin ako sa school. Tsaka if ever wala kang pasok, di mas mabuti. Bibisitahin kita sa bahay niyo. Hindi naman siguro kayo lilipat? Lam mo namang matagal ko ng gustong magkasama kami ni Mama," malungkot kong kwento dito.



"Hindi ah. Hayss. Mamimiss talaga kita! Basta uuwi ka lagi ha?"



"Oo naman! Mami-miss din kita! Tsaka hello? May isang taon pa tayo sa high school."



"Oo nga hehehe. Pero ibig sabihin pala non lagi mo na akong papadalhan ng chocolates!"



"Chocolates na naman. Hindi ka kaya magka-diabetes niyan?"



Hindi na ito nakasagot dahil nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Hiro sa tabi ko. As in nangalumbaba pa talaga ito. "Louie, what do like for a guy?"



Kala ko ba nagmotor 'to? And where did the leather jacket go? Na-realize niyang masyadong inappropriate ang suot niya sa tropical climate ng Pilipinas? Hahaha.



Pero napangisi ako sa tanong niya. Hindi ko naalalang sinabi ko ang pangalan ko dito pero sige, hayaan na lang natin.



"I'm sapiosexual."



Halos malaglag ang panga nito sa narinig.



You heard me. Pero teka, baka hindi niya pala alam yon. "Oh wait. Hindi mo alam yun?"



Nakatanga pa ring umiling-iling ito.



"Hahaha. I like smart people."



Napangiti ito sa sinabi ko. "So sapiosexual means a person who likes intelligent, smart and clever or anything synonymous of that?"



Tumango ako dito. Wow. Witty dude. Hindi na masama.



"Eh si Charlie lang naman ang bobo."



Hindi ko na napigilan ang hagikhik sa sinabing iyon ni Hiro dahil napaalsa na naman ang boses ni Charlie sa narinig.



"Sumusobra ka na ah!"



Grabe. Parang aso't pusa talaga ang dalawa. Kay Hiro ko lang yata naramdaman ang mainis at matuwa at the same time? Weird. Tsaka masyado kasing pa-cute. Ayoko lang talaga yung sobrang pang-aasar niya kay Charlie. Automatic na binabasag ko siya kapag ganun. Ngayon ko lang din kasi nakitang napatid ng ganito ang pasensya ni Charlie. Hindi naman sumbungera yon pero sa presensiya ni Hiro parang laging nagpapasaklolo si Charlie.



Hindi pinansin ni Hiro ang reaksyon ni Charlie. "Louie-"



"Kilala mo naman pala ako eh. Ba't ka pa nagtanong kanina?" Putol ko sa sasabihin nito.



Nagkamot ito ng batok. "Trip lang. Hehe. As I was saying, pwedeng... humingi ng number mo?"



"HUWAAAAAAAAAG!!! BESPREN WAG MO IBIGAY! MORTAL ENEMY YAN!"



"Ang OA mo naman! Ang bait ko kaya! Huwag kang maniwala diyan Louie hehehe."



"Tapos sayo ako dapat maniwala? Eh di ba kakakilala lang natin? Charlie's been my friend since eternity while you never existed in my life since today."



Napalatak ito sa sinabi ko. "So uhm, ano. Pwede ko bang hingin ang number mo?"



Napailing na lang ako. "Makulit ka din eh. Ma-"



"Oo! Oo! Madami akong 'MA'. MA-talino, MA-gandang lalaki, MA-karisma, MA-pagmahal, MA-bait, MA-sipag, MA-galing maggitara, MA-galing magsurfing-"



Talagang may body actions pa ito sa bawat sinasabi kaya nakakatawa talaga siya. Hahahaha.



Umikot naman ang mga mata ni Charlie sa narinig. "Tama ka! Tapos MAAAyabang ka din, MAAAkalat, MAAAdamot, MAAAhilig mang-asar, MAAAsinungaling, MAAAtamad, MAAA-epal at MAAAAAASyadong PEEEELER!"



HAHAHAHAHAHAHAHAHA.



Kulang na lang balatan ng buhay ni Hiro si Charlie.



"Saan ka ba nag-aaral? Ano'ng year mo na pala?" Tanong ko dito na pilit sinusupil ang halakhak at upang huwag din masyadong matutok ang atensyon nito kay Charlie. Halata kasing inis na inis na ito sa isa.



Bumaling naman sakin ang tingin nito at ngumiti. "Ah. Sa La Union. Magpo-fourth year high school."



"Hmmm. Magkabatch pala tayo. So honor student ka don?"



Nahihiyang umiling ito. "Hindi eh. Nakaka-bore kasi ang lectures dun."



Muntik ko na siyang batukan sa totoo lang. Maka-bobo kay Charlie kanina akala ko pa naman first honor sa klase ampotek hahahaha.



Kinunutan ko siya ng noo. "Pano mo naman nasabi?"



"Basta boring. Ilang beses na din akong lumipat ng school eh at most of the lectures eh nadaanan na namin," nakangiting sagot nito.



Pa-cute talaga. Tsss.



"So dapat magtop ka nga kasi advance ka sa mga kaklase mo nun. Napagdaanan niyo na pala eh," sagot ko.



"Aminin na kasing bobo ka!" Sabad ni Charlie.



HAHAHAHAHA.



Marahang tinulak ni Hiro si Charlie sa mukha. "Ano ba yan! Naghugas ka ba ng kamay?!"



"Ingay mo eh." May binulong ito kaya Charlie na mabilis na nagpatayo sa isa at lumabas.



"San pupunta yon?"



"Ah. Sa labas lang. May pinadeliver kasi ako, ayos lang ba? I heard it's your birthday."



Pa-impress din 'to ah? Ayoko pa naman yung sinisilaw ako ng kung anu-ano.



"You what? Kakakilala mo pa nga lang sakin. Besides hindi ko birthday ngayon. That was last week."



Ngumiti lang ito. Nakipagkulitan pa siya sakin bago dumating yung food na pinadeliver niya.



"Don't do this again," nakatiim-bagang banta ko sa kanya ng lapitan niya ako ng nakangiti.



Habang tinitignan ko yung mga nakahain sa lamesa napapantiskuhang napatingin na lang ako kay Hiro na sinasalinan niya yung pinggan ko ng tinurong lasagna. Nagsidatingan na din kasi ang mga magulang ni Charlie at kapatid nun na halatang nalula din sa nakahain sa mesa. Muntik pang magpasalamat sakin dahil akala, late birthday treat ko daw.



Saan naman ako kukuha ng pera? Hindi naman ako humahawak ng ganun. Tsaka isang beses pa lang ako nakahawak ng malaking pera nung nagpadala ng cards si Papa last year. Ayoko nga kumuha ulit dun! Balak ko na ngang isoli yun eh. Hindi ko lang alam kung paano.



Si Mason naman halatang nakikisama lang. Alam ko naman talagang hindi siya palakibo pero bakit hindi maipinta yung mukha niya? Kung kelan pa medyo kumportable na akong makipagtitigan sa kanya, parang ang sama naman ng timpla ng mood niya. Wala naman akong naalalang kasalanan ko sa kanya ah!



Pero really, nakakalula 'tong si Hiro. Ganito ba talaga magtapon ng pera 'to? Ang yaman ng loko! Hindi daw niya kasi alam kung ano ang paborito ko kaya nagpa-cater na lang siya. Parang isang barangay lang naman ang papakainin ng lalaking 'to. Dinaig pa ang binyag ah!



Si Tatay Tonyo pinapasok ko na din sa bahay nina Charlie para makakain. Nakipag-usap pa nga ito saglit sa mga magulang ni Charlie. Hindi na din kami tumagal at maayos na akong nagpaalam sa kanila. Tumatawag na kasi sina Tita Ayessa at ayaw na gabihin ako sa daan.



"Bespren! Ihahatid na ki-"



"Ako na po!" Sabat naman ni Hiro na kinalingon ng lahat dito.



At syempre, umalma agad si Charlie.



"IKAW BA ANG BESPREN?! KAPAL MO TALAGA!"



Napakagat labi ako sa namuong tensiyon kaya nilapitan ko si Charlie at binulungan. "Ayos lang. Mukhang takot naman sakin eh. Paiyakin natin minsan ah? Hahahaha."



Humagikhik naman si Charlie sa sinabi ko bago tumango-tango. "Ayos yan, ayos yan hahahaha."



Maya-maya ay narinig namin ang tinig ni Hiro. "Charlotte! May ano pa dun ah. May ice cream. Natikman mo na ba?"



"Huh? Talaga? Sige hatid mo si bespren hehehehe. Ingat bespren!"



Ngumisi lang ako dito at sumunod na kay Hiro. Habang naglalakad ay nag-usap pa kami saglit tungkol sa mga bagay-bagay.



Actually, napansin kong may sense naman siyang kausap.



"Bakit? Masyado bang mayabang ang dating ko?" Tanong nito sakin.



Ay aware ka pala? Hahaha.



"It's actually not about that. But that too hahaha. Anyway, feeling ko kasi, you can have anything that you want naman, masyado ka lang naguguluhan. Or whatever. Wag mong mamasamain ha? Do you have dreams or goals in life?"



Napatungo ito sa sinabi ko. Marunong din pala mahiya 'to? Haha. Pero seryoso, feeling ko ng mga oras na 'yon parang kailangan niya lang talaga ng makakausap. Ewan ko, mukhang kulang lang talaga sa attention kasi. Napa-advice na lang tuloy ako bigla.



"Why don't you find someone who has a life that you want and figure out how they got it? Ano ba talaga gusto mo sa buhay? Maging successful ba? Maging masaya? Di maghanap ka ng gagawin mong idolo. Figure out kung paano niya nakamit yung estado niyang yun.



"Why... are you saying these things to me?"



Natatawang tinapik ko ang balikat ni Hiro. "Nang magkadireksyon ka naman sa buhay hahaha."



"Will I get your number then?"



"Huh?"



KULIT LANG?!



"I mean, I'm asking your digits di ba? Paano kung hindi ko ma-meet ang expectations mo?"



Ang gulo din kausap?



"Kala ko ba matalino ka? It's not my expectations that you're going to meet Hiro. We just met. Hold yourself responsible for a higher standard than anybody else expects of you."



Hindi ko alam kung ano iniisip nito kasi parang weird lang siyang nakatingin sakin.



Anyway, buhay niya naman yon. It's up to him pa rin. Natawa pa nga ako kasi nakipagdeal siya sakin. Actually ako din ang may pasimuno ng deal. Nakukulitan na kasi ako sa kakahingi niya ng number ko kaya sinabihan ko na bibigay ko kapag nakapasok siya sa top ten sa klase.



Hindi naman siguro papasok yon. Halata namang masyadong tamad mag-aral eh. Besides, ang layo ng La Union para lang mag-aksaya pa siya ng oras na kunin ang numero ko. At makakahinga na din siguro ng maluwag si Charlie non. So there's nothing to worry about, I think.



Pagkauwi ko ng bahay ay agad na binukadkad ng mga pinsan ko ang mga pasalubong kong dala. Tuwang-tuwa sila sa mga pinamili ko. Pati din sina Lolo't Lola, sina Tita Van, Tita Ayessa, Tatay Tonyo at mga kasambahay.



Maaga din akong pinagpahinga dahil alam naman nilang pagod ako sa biyahe. Napag-usapan pa namin kanina habang naghahapunan ang tungkol sa pag-alis nina Kuya Justin at Kuya Kurt. Pangarap naman kasi talaga ni Kuya Justin ang maging navy kaya gusto nitong subukang pumasok don. Si Kuya Kurt naman ay ipagpapatuloy niya ang pag-aaral ng Architecture. Baka nga magkita pa sila don ni Aidan. Sa LA kasi sila ni Kuya. Eh di ba, LA is Los Angeles, California? Whatever.



Habang nakahiga sa kama ay bumabalik tanaw ako sa nangyari kina Charlie.



Hindi ko talaga inextpect ang cake. Na tumulong pa si Mason. Kala ko kasi galit siya sakin eh. Sukat ba namang bigla akong iniwasan? Hmp. Pero sana galingan niya sa UP.



Sabagay, matalino naman siya eh, ba't ko pa pinoproblema yon?



At si Hiro...



Ang MAAhangin na si Hiro. Hahahahaha.



Bakit kaya ang laki ng inis nun kay Charlie?



Weird guy.

Miss AstigWhere stories live. Discover now