Forty Six

44.8K 776 89
                                    

___________________________________________________



Yehesss! Sa wakas! Natapos din ang exam! Potek yan hahahaha. Wooooh!



Grabe. Namawis din kili-kili ko dun ah hahahahaha.



Nabitin sa ere ang ngiti ko ng makita kong nakaabang yung Dale Anthony sakin sa labas ng testing center. Ang angas talaga niya habang nakahalukipkip sa isang tabi. Kala mo model kung makatayo eh.



Duh. As if naman matatapatan niya ang kaangasan ko di ba? Asa pa siya!



I never had those nerdy glasses for once. Bawas angas na yun.



But, I can definitely be at par with him when it comes to intelligence. Or more.



Hindi naman porke't Pisay siya pwede na siyang magyabang eh. Kahit saang school ka lang naman kung talagang matalino ka, matalino ka talaga diba? Kaya huwag na huwag niyang papamukha sakin ang alma mater niya kung ayaw niyang masaktan.



In-exercise ko na yung mga kamay ko habang naglalakad palapit sa kanya baka sakaling masuntok ko na siya this time.



Kahit isa lang talaga. Kating-kati na kasi akong basagin ang pagmumukha niya eh.



Yung tipong sa panga ko siya sinuntok pero pati salamin niya naglalaglagan isa isa ang crack frames?



Tapos unti-unting lalabas ang dugo sa ilong niya at mangingitim ang makinis niyang pisngi sa pagkakasuntok ko?



Syet, naiimagine ko na talaga! And I just love the colors red, blue and black! Kasi di ba red is for the blood, blue and black is for the bruises! Pero favorite ko pa rin ang green. Solid kaya 'to. Hahaha.



Hindi pa naman ako pumasok sa self defense class ko kahapon kaya okay na ding pangwarm up 'tong glossy face ni Dale sakali. Besides, naka-civilian clothes ako ngayon.



If he's itching to defeat me nung quiz bee, I'm itching to break his face naman ngayon.



Fair enough diba?



Sinadya kong lampasan siya nang marinig ko ang boses niyang tinatawag ang pangalan ko.



Sabi na nga ba eh. Hindi ko na kailangang maunang magsalita dahil bakla 'to, hindi pwedeng walang sabihin.



How predictable!



Tapos bigla akong napakunot-noo sa sumunod na sinabi niya.



"An electric kettle was marked 500 W, 230 V found to take 15 minutes to bring 1 kilogram of water at 15 degree celsius to boiling point. What do you think is the heat efficiency of the kettle?"



Ano ba talaga gustong palabasin ng gagong 'to?!



So gusto niyang itest ang IQ ko? Sige. Pagbibigyan kitang mayabang ka. Math pa talaga ha?



Napatingala ako sa langit habang iniimagine ang mga numerong sinosolve ng kulang-kulang isang minuto bago ngumiti ng matamis dito. "That's 79.1%."



Ngising aso pa talaga ako pagkatapos kong sabihin yun. "Hindi mo nasagot kanina yan sa exam noh? Lame."



Napanganga na lang ito sakin.



Well, I must have caught him off guard base sa nakita kong ekspresyon sa mukha niya.



Hindi ko din naman talaga sure kung lumabas nga yan sa exam kanina. I'm just bluffing. Pero sure naman ako sa sagot ko sa kanya ngayon.



Sige nganga pa. Nagulat ka talaga? Hahaha.



Oo dude. I can solve in the air! Kaya nga Math ang pinili ko nung quiz bee instead of Science.



Maya-maya ay ngumiti na ito. Siguro nakarecover na ang gago. "Okay. Maybe you're correct but-"



"Of course I'm correct." Putol ko sa sasabihin niya bago tiim-bagang lumapit dito. Wala na ako planong bigyan siya ng momentum na ibully ako. Masaya siya!



"Siguraduhin mo lang ng mas matalino ka sakin. Dahil kahit mas magaling ka, hindi mo alam ang kapasidad kong gumawa ng mga bagay na hindi kayang gawin ng isang ordinaryong nilalang na katulad mo."



Tumaas-baba ang dibdib nito habang nakatingin sakin.



Tama yan, kabahan ka. Mainis ka. Magalit ka. Dahil wala akong inuurungan. Pero hindi pa ako tapos. Magtatanong din ako sayong gago ka.



Mahilig ka sa electricity ha. May baon din ako, baka akala mo. "My turn." Ngumiti muna ako bago nagtanong. "A positively charged dielectric has a charge of 2 coulombs. If 12.5 x 1018 free electrons are added to it, what will be the net charge on the said dielectric?"



Sige ngaaa. Solve in the air!



I'm just asking a basic principle mathematical question. Medyo tricky lang siya talaga. At advance ng konti hehehehe.



Matagal na sandali ang lumipas pero nag-iisip pa rin ito. Gusto ko na ngang humikab eh. Malas niya hindi ako tinanong sa Science. Medyo mabagal pa sana ng konti ang pacing ko dun dahil memorization yun hahaha.



Maya-maya ay nginitian ko na naman 'to ng nakakaloko at inasar. "Huwag ka ng mahiya. Kumuha ka na ng papel mo at doon magsolve. Ayos lang yan..."



Nakita ko kung paano magtiim bagang ito sa sinabi ko.



Hah! It feels so good! Sarap palang inisin 'to eh.



Hindi ko alam bakit biglang feeling ko kanina pa may nakatingin sakin kaya napabaling ako sa kabilang side at yun nga. Nakita ko si Mason.



Syet. Baka narinig nitong binu-bully ko si Dale.



Eh ano naman? Binully niya din naman ako ah. Bagay lang yan sa kanya.



Pero dahil nailing na din ako sa presensiya ni Mason ay binulungan ko na si Dale. "Oy. Tama na nga yan. Sa bahay ka na magsolve. Sasakit lang ang ulo mo. Pero zero ang sagot sa tanong ko. Sige! You just made my day. February ang judgement day di ba? Yung... release date ng result? I feel so excited grabeee! Hahahaha."



"Bitch." Narinig ko pang sabi nito ng akmang tatalikod na ako kaya binalingan ko siya ulit.



"Same to you times 10 to the nth power."



Pero takte, ang sarap sa feeling nung ginawa ko sa gago. Hahaha.



Pangiti ngiti pa rin ako ng lapitan ko si Mason. Hindi ko pa kasi makita si Kuya J eh. Tinanguan ko si Mason bilang pagbati at nagtanong. "Ba't nandito ka pa?"



Tila nag-isip ito ng ilang segundo sa tanong ko. "College ko 'to. Nasa business ad building ka."



"Ahh. Eh bakit ka pa nga nandito? Hapon na ah." Mag-aalas singko na kasi nun.



"May... group project kami."



Huh?



"On a Sunday?" Yung totoo Mason?



"Oo." Siguradong sabi nito.



"Hmmm. Sige na nga." Bakit parang hindi pa rin ako kumbinsido?



Maya-maya ay nagsalita ito. "Zero."



"Ha?"



Natanga ako dun ah. Ano'ng zero ang pinagsasabi niya?



"Sagot sa tanong mo... the net charge on the said dielectric?"



Wow. Syet. Bukod sa masyado namang matalas ang pandinig nito, ang bilis din ng utak magsolve! "Hayaan mo na yun. Pero tama ka. Zero nga hehehe."



Sinipat nito ang mga kamay ko kaya napatingin din ako sa tinitignan niya. "Naubos mo?"



Baka yung food ang ibig niyang sabihin?



"Ahhh. Oo. Nakakatuyo kasi ng utak ang exam eh." Nahihiyang paliwanag ko dito.



"Paano ka uuwi?"



Ito na yata ang longest conversation namin so far ah. Anyare kay Mason?



"Hinihintay ko na lang si Kuya J."



"Oh." Sabay abot ng C2. "Doon muna tayo."



Dalawa ang C2 niya? Hinintay ba ako nito?



Ooops. Bawal mag-assume Louie, dyan ka nadadale eh.



Kibit-balikat na inabot ko ang inumin at napansing tinatahak namin ang malawak na field kung saan may naglalarong mga estudyante. May nagpi-Frisbee, softball, soccer at mga nagpipicnic din sa ilalim ng puno.



Naupo kami ni Mason sa ilalim ng Akasya.



Wow. Akasya. First time ko yata 'to ah. Hahahaha.



Wala. Hindi na kami nag-usap. Nanood na lang kami sa mga naglalaro actually.



Kala niyo ha? Ano naman pag-uusapan namin? Sa dami ba naman ng sinabi niya kanina? Hahahaha.



Hindi pa yata nag-iinit ang mga puwet namin sa pagkakaupo ng naramdaman kong nagri-ring ang phone ko.



Tumatawag si Kuya J.



"Hello Kuya."



"Saan ka? Nandito na ako sa kilid ng business ad building."



Nilingon ko si Mason. "Saan nga tayo?" Sinagot naman nito ang tanong ko.



"May kasama ka?" Sabi ni Kuya J sa kabilang linya.



Hindi ko sinagot ang tanong niyang iyon. Alam niyo na. Hehe.



"Sa Sunken Garden sa tapat ng Benitez Hall Kuya."



"Uhurrrm." Umubo ubong parinig ni Kuya J at sabay kaming napalingon ni Mason.



Hindi ko na naramdamang nakalapit na pala ito samin. Sabagay, malapit lang naman ang distansya ng pinanggalingan namin kanina kaya mabilis din kaming makikita ni Kuya J kung galing siya ng business ad building.



O baka naman hinuhuli lang ako nito kung nagsisinungaling ako? Tss.



Mabilis akong napatayo sa pagkakaupo kaya napatayo din si Mason at tumango kay Kuya bilang pagbati na sinuklian naman ng pinsan ko ng nakakalokong ngiti.



"K-Kuya."



"Ano, dito ka muna? Mukhang madami pa kayong pag-uusapan. Text mo na lang ako kapag tapos na kayong mag-usap," ngiting asong pakli nito samin ni Mason habang nagtetext.



Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niyang iyon.



Nakakahiya. Ano na lang ang iisipin ni Mason sa pinagsasabi ni Kuya? "H-Hindi ah. Ikaw na lang talaga hinihintay ko. Tagal mo kaya."



Lumapad pa lalo ang ngiti nito sa sinabi ko. "Mukhang hindi ka naman nainip eh."



Ramdam ko na naman ang pag-iinit ng pisngi sa sinabi niyang iyon.



Damn. Ba't ba kasee?



"Ah sige Kuya. Meron pa pala akong group project na pupuntahan. Diyan na yata sila," paalam naman ni Mason.



Naramdaman na siguro nito ang awkwardness ko sa sitwasyon.



"On a Sunday?" Nakangisi pa ring tanong ni Kuya J dito.



Teka, sinabi ko din yun kanina ah? See Mason?



"Ah.. Opo." Sagot naman nitong kumakamot pa ng ulo.



"TARA NA NGA KUYA." Hinila ko na ang kamay nito pero nagulat ako sa sinabi niya.



"Tara Mase. Sabay ka nang maglakad samin." Inakbayan pa nito si Mason. Hindi na tuloy nakapalag ang isa.



Bale napagitnaan ako nilang dalawa. Tapos si Kuya nang-aasar pa, ang lapad lapad ng ngiti na akala mo nababaliw na. Sarap sapakin.



Maya-maya ay tumigil ito. "Teka mauna na muna kayo ng konti. Magtatali lang ako ng sapatos."



Huh?



Hindi na ako nakatiis kaya nilingon ko siya. Hindi naman nag-aayos ng sapatos. Napatingin tuloy ako sa sapatos niya.



Walang sintas ampotek. Nang-aasar ka ba talaga Kuya?!



Tinignan ko 'to ng masama na sinuklian lang niya ng nakakalokong ngiti at kindat.



Imaginin niyo na lang kung paano ako asarin ng mga pinsan ko pag-uwi ko ng araw na 'yun?



Ayoko na alalahanin. Nakakabanas.



O tama na. Balik tayo sa kasalukuyan. Hindi ko na matapos-tapos ang essay ko sa dami ng nirereminisce ko. Tinamad na tuloy akong magpatuloy. Hahahaha.



Ayoko na nga magsulat!



Tumayo na ako at lumapit kay Ma'am. "Sorry po. Hindi ko na talaga kaya. Kahit hindi na mapili yung sinulat ko po, ayos lang."



Pinasadahan nito ng tingin ang one whole sheet ko at tumango-tango. "I see Louie. I see."



I don't see! Masyado niyo akong pinapahirapan lagi!



Goodbye English!



Malungkot akong bumalik sa upuan habang hinihintay na matapos ang klase.



Ng sumunod na issue ng school paper ay nagulat ako na nailagay doon ang essay na pinagawa ng English teacher namin.



Title: My Remarkable UPCAT Experience by Louie Antoinette Kwok



Kailan pa naging remarkable ang experience na 'yon? I mean, yung sinulat ko sa essay ha? Tae.



Mas remarkable pa yata yung ano eh...

Miss AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon