Four

81.6K 1.1K 126
                                    

__________________________________________

 

Nakakainis din pala maging bunso no?

Kasi hindi naman lahat ng oras pinapaboran ka. Ikaw din kasi laging inuutusan at wala kang magagawa dahil seniority rules. Sina Kuya kasi, ganun ang paniniwala. Tsaka ayaw din nila Tita na lagi kaming asa ng asa sa mga helpers. Pero okay lang naman. Yung kinaiinisan ko lang minsan yung sagot ka ng sagot ng tawag ng kung sinu-sino. Lalung-lalo na kung busy ka sa paglalaro. Maya't maya yung tayo mo. Pano yung mga admirers nina Kuya kung makatawag wagas. Yung iba ilang beses na tumatawag nag-iiba lang kunwari ng boses. 

Okay sige, ako na ang KJ dahil hindi ko feel makisakay sa mga trip nila Kuya kapag nagpepretend silang kunyari na ibang tao pag may tumatawag. Tapos kunyari sila yung helper at magpepretend silang bisaya. Yung script nga nila paulit-ulit lang, sulado ko na nga eh kahit nakikinig lang ako.

 

"Hilo ka po? Seno po ba hanap nela? Wala po deto se Ser J eh, seno po? Ser K? Wala den po. Se Ser Kert? Wala den po eeeh. Pateh po se Ser Justen wala den po eeeh. May tour daw sila sa tawe-tawe hende ko den po alam kung saan dun eeh. Se Lowee po? Nag-eegeb po ng tubeg tapos maglalampaso pa po ng saheg mamaya eh kaya bawal den makepag-usap. Sege po at madame pa kameng gagawen nextaym na lang po Ma'am ha?"

Lagi na lang ganyan yung alibis nila. Hindi pa edited. Kunyari hindi naman kasali sa tinatanong ang isa, ganun pa din ang sinasabi. Baka akala nung mga tumatawag voice record na yung sumasagot. Tapos kung hindi ako naglalampaso ng sahig, nag-iigib ng tubig kahit wala naman kaming poso, naghuhugas daw ako ng gabundok na plato. Sinong tangang maniniwala dun? Walang kwenta talaga, makapagtrip lang. Nakakatawa lang kasi sa "Hilo" lang talaga sila may letter I na vowel. Ambasa tuloy ng pagkakasabi. Hahahaha. 

Nakakatawa, pero nungka kong gagayahin yun. Hahaha. Eh sa ayoko eh. Minsan siguro pag trip ko din try ko pero nakakatamad pa ngayon eh. Busy pa ako. Hehe.

Mas mabuti pang magsims na lang o makipagpustahan ng tamiya. Na-try niyo ba yun? Nakakatuwa kaya. Tapos kakalikutin ko yung dynamo, yung part kung saan ito yung nagpapabilis ng takbo ng tamiya mo. Pustahan talaga kami pagnagcar racing. Yung pusta pa namin yung pera sa monopoly. Sobrang enjoy talaga nun.

Ang cute pa kaya ng design ng car ko nun. Kulay green tapos nagpepaint ako ng mga shapes sa side at sinusulatan ko ng kung anu-anong sayings in Chinese letters. Ang cute cute nga eh. Minsan nga nagpapasulat din sina Kuya sakin. Maganda daw kasi yung handwriting ko. So far yun lang talaga yung narinig kong compliment nila. Baka nga napilitan lang akong purihin kasi magpapasulat. Hahaha!

Minsan nakikisali rin si Aidan samin. Yung kaklase ni Kuya J. Malapit lang din pala dito yung bahay nila, isang sakay lang. Nasa first year college na sina Kuya J at Aidan. Magkaklase pa din sila at pareho ng varsity player ng basketball. Business Administration yung course nilang pareho. Magsososyo daw sila later on. Ang tangkad na nga niya. Pareho sila ni Kuya J na 6 ft. Ako mga 5'3 1/2 na nun.

Mamang-mama na sila tignan pero nagtatamiya pa rin at sumasali sakin maglaro ng teks. Hahaha! Medyo close na din kami ni Aidan. Minsan pinagtatanggol na niya ako kina Kuya, minsan nakikisali siyang ibully ako lalong lalo na kung hindi ko gusto yung ulam sa bahay. Nakikikain din siya kasi minsan. Feelingero nga eh. Inaasar ko nga din minsan sabi ko nga ba't di siya magdala ng isang sakong bigas di ba? Tutal andun naman siya every weekends para may kunsumo na siya amin yung ulam. Hahaha.

Miss AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon