Forty

49.7K 717 53
                                    

___________________________________________________



"Saan kayo magbabakasyon?"



Napalingon ako kay Charlie ng tanungin niya yon. Nakatingin kasi ako sa mga naglalaro ng volleyball. Dahil mahaba pa ang oras, tumambay muna kaming tatlo tulad ng kinagawian.



Oo nga pala. Malapit na ang bakasyon. Napangiti ako sa naisip bago sinagot si Charlie.



"Sa Japan siguro."



"Kami sa Singapore. Bibisitahin si Papa," sagot naman ni Chang.



Nalungkot naman si Charlie sa narinig. "Ay.. wala akong kalaro."



"Hindi ba kayo magbabakasyon kahit saan?" Ngunot-noong tanong ko dito.



"Ehh, mahal eh. Tipid-tipid alam mo na. Sige, enjoyin nyo nalang bakasyon niyo para sakin."



Hindi na ako nag-isip at in-offer yung bahay bakasyunan namin sa La Union. Actually kina Kuya J nakapangalan ang rest house. San Buenaventura Resort. Surname ng Daddy nila. Pero property naman ng buong family yun. Mas malaki lang talaga yung share nila at iyon na din ang napagkasunduan nina Mama.



"Gusto mo bang matutong magsurfing?"



"Surfing?" Lumiwanag agad ang mukha nito. "Sigeee."



Natawa ako sa bilis nitong sumagot. "Alam mo ba kung ano yun?"



"Ahhh. Hinde hahaha. Ano ba yon?"



Natampal ko na lang ang noo ko. "Lulunurin ka gamit ang surf board hahaha."



"Haaa? Di mamamatay ako non?" Ang gullible lang talaga. Hays.



"Chang i-search mo nga sa cp mo yung surfing. Yung pictures na lang. Tinatamad ako mag-explain sa isang 'to eh," naiiling na sabi ko kay Chan-Chan. Mabilis naman nitong kinalikot ang cellphone bago pinakita kay Charlie ang mga pictures na halatang mas na-excite pa.



"Sigeeee!!! Pero teka.. san ba to? Wala nga akong pera diba?"



"Sa La Union. Sa rest house namin. La namang tumatao dun eh. Caretaker lang. Sabihan ko si Mama para kayo muna ang tumao. Isama mo buong family mo para mas masaya."



"Sempre isasama ko sila!"



Nung una, ayaw sana pumayag ng parents nina Charlie. Nagpapadyak pa talagang nakiusap sakin na kausapin ko daw yung parents niya para pumayag. Si Mama na din yung kumausap sa parents nito at sa huli ay napapayag din naman.



Ang usapan namin ay susunod na lamang kami kinagabihan sa unang araw nila sa resort. Tatlong araw lang kami mag-iistay sa La Union dahil naka-schedule na yung flight na namin ni Mama sa Japan. Five days naman sina Charlie mag-iistay. Doon na din kasi ako magbibirthday sa Japan kaya sabay na ng bakasyon. Bahagya na nga akong kinakabahan eh. Kasi buong pamilya ni Charlie ang magbabakasyon. Syempre andun din si Mason.



Simula kasi nung huling nangyari sa prom parang nag-iiwasan na kami. Ewan ko. Maayos naman yung huling paghihiwalay namin pero hindi ko alam bakit ganun. Gusto ko sana siyang i-congratulate nung malaman ko na siya yung valedictorian. Sabagay. Matalino naman talaga siya eh. He deserves it. Kaso parang ang awkward namang i-congratulate siya na parang iniiwasan naman niya ako di ba? Di huwag. Wag pilitin ang ayaw di ba? Hahaha.



***



Natapos din ang third year namin. Pagkatapos ng summer na 'to, fourth year na pala ako. Ang bilis lang ng panahon. Tuwing iisipin ko ang mga pinag-usapan namin ni Mama, nagdadalawang isip ako kung gusto ko pa ring kumuha ng Engineering. My childhood dream was to become a doctor, but because of so many reasons, naguguluhan na ako. I feel so confused. Isang taon na lang para makapag-isip at makapagdesisyon. Alam ko kasi, kapag nakapili na ako ng gusto kong course, there's no turning back. At ayoko din naman dumating sa point na pagsisihan ko ang mga naging desisyon ko.



Saan nga ba ako mag-aaral?



Hays.



Isa pa yan. Gusto ni Mama na sa Canada ako mag-aral. Sa top University dun. Ayos lang naman sana. Kaso pag pumunta ng US sina Kuya Kurt, ang layo din naman nun sa Canada. Tsaka ilang taon din yun. Madami akong mamimiss. Si Charlie, si Chan-Chan, sina Kuya J at... marami pang iba...



Tsaka kailangan kong mag-aral pa ulit ng halos dalawang taon din sa high school. Kasi I need to finish their 11th and 12th grade para ma-assess nila yung proficiency ko sa English at French language. Yung percentile ng General Weighted Average ko ay mataas din dapat. Mahirap kasing pumasok sa University dun. Nasa Top 20 kaya sa whole world yun according sa recent census.



Although gusto lang naman ni Mama na subukan ko, at okay lang daw pag hindi ako nakapasok, syempre, ayoko namang bumagsak if ever noh. Takot kaya ako sa failures. Gusto ko one shot lang lagi. Tsaka mas malapit kasi sa bahay at sa work niya yung school na yun para hindi daw hassle sakin if ever. Pero saka ko na muna siguro iisipin yun. Kailangan ko ding sabihin kina bespren para hindi sila mabigla pag nagkataon.



Hays nakakalungkot naman.



"Anak, tara na."



Umangat ang tingin ko kay Mama. Inayos niya kasi yung passport namin sa immigration window kaya mag-isa akong nakaupo kasama ang dalawang travelling bag namin habang hinihintay siyang bumalik.



"Bili muna tayo ng sandwich at drinks Ma. Maaga pa naman. And I have to call Charlie pa, di ba?"



"Ay oo nga pala. Naku, pasensya ka na anak ha. Hindi na tayo nakadaan sa La Union. Sobrang nalingat ako sa nakuha kong flight ng ticket natin eh," hinging paumanhin ni Mama sakin.



"Ayos lang yun. Ako na lang magpapaliwanag kina Charlie."



Hindi kasi napansin ni Mama yung iterenary ng ticket na nakuha niya. Excited pa naman akong ilibot si Charlie sa beach at magsurf. Hindi ko pa din name-meet yung dalawang Kuya niya na nag-aaral sa UP. Graduating na din kasi yung isa sa mga yun ng Medicine. Yung si Kuya Marcus daw niya. Gusto ko sana magtanong tungkol sa experiences niya if mahirap or ano. Baka makatulong din sa pagdecide ko ng kukuning course eh.



Nagpasya akong tawagan na si bespren. "Charlie?"



"Hello? Bespren LOUIE?!"



Lakas ng boses ng potek.



"Wag ka ngang maingay! Hello bespren! Namiss na kita!"



Sino ba kausap nito? Hindi ko napigilang magtanong. "Sino ba yang kausap mo? Parang hindi naman ako."



"Wala, isang malaking epal. San ka na? Alam mo ba, may nang-aaway saken dito? Awayin mo nga, bigyan mo rin ng uppercut," sagot naman nito.



Huh? Bakit ako? Narinig ko pang parang may kasagutan ito. "Charlie, makinig ka nga muna! Kamusta ba kayo diyan?"



"Masaya, hihi. Ang ganda ng bahay niyo! Ang sarap maligo sa beach! Teka, nasan ka na ba? Anong oras ka ba makakarating dito?"



"'Yun nga yung sasabihin ko. Nasa airport na kasi kami ngayon papuntang Japan. Kasama ko si Mama. Hindi na pala kami makakapunta diyan," paliwanag ko dito.



"Eeeeeehhhh!!!"



"Sorry ah."



"Eeeeehhhh!!"



Nangunot ang noo ko. "Bakit? May nambu-bully ba sa'yo diyan? Imposible naman yata. Diba friendly ka? Hahaha."



"Meron. Kala ko nga ipagtatanggol mo ko sa kanya pagdating mo dito tapos... tapos..."



Bahagya akong natawa sa narinig. "Sus! Nandiyan naman si Mason eh, pasapak mo na lang kay Mason."



"Hoy! Mason! Sabi ni Louie sapakin mo raw si Hiro!"



Siraulong babae 'to ah! "Charlie! Oy.. Joke lang yon!"



At sino naman itong si Hiro?



"Di ako pinansin! Bespren, di yata naniniwala eh. Gusto mong kausapin?"



Muntik ko ng pasukin ang screen ng cellphone ko. Bwiset na babae. "Oy, oy..w-wag na. Joke lang. Ako na lang pag nagkita ko siya. Ano bang pangalan niyan?"



"Lloyd Hiro Resort."



Seryoso? HAHAHAHA. "Tanungin mo nga, baka sila din ang may-ari ng Resorts World hahaha."



"Oy, epal. Kayo raw ba ang may ari ng Resorts World?" Narinig kong tanong din ng magaling na babae. Ang lakas eh. Katabi lang siguro nito yung Hiro.



"Ayoto ngaaaa.. bleeehh." Ha? Ang gulo namang kausap ng babaeng 'to. Kainis! Baka yung Hiro yung pinatutungkulan non. Sasabunutan ko na 'tong si Charlie eh.



"Uy, Charlie. Sino bang kinakausap mo? Nakakainis ka naman eh. Ba-bye na nga!"



"Ay, okay. Sokoleyts ko ah. 'Yung Meiji, hehehe. Ingat sa biyahe. Muah muah, lab lab, hehehe."



Arte. "Hmm... 'kay, bye."



Sino ba yang Lloyd Hiro Resort na yan? As in Resort talaga ang surname ha? Hahahaha. Hindi ko tuloy maiwasang hindi ma-curious sa itsura niya. Bihira ang pagkakataong makakilala ng taong kayang i-bully si Charlie ng ganun.



Natigil ako sa pagmuni-muni ng marinig ko ang pagbagsak sa sahig ng canned drinks na hawak ni Mama.



"Ma, anong..."



Sinundan ko ang tingin niya at nakita ang tila mag-asawa na naglalakad patungo sa direksyon namin. May nakapalibot na bodyguards sa mga 'to. Halatang mga prominenteng tao.



Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Mama sa braso ko. At biglang paghigpit din ng paghawak ko sa cellphone ko. Kahit walang salitang namutawi sa bibig ni Mama, alam ko kung bakit siya nagulantang ng ganoon.



Because it's like I'm staring back at my own set of eyes.



Ang pag-usbong ng kaba sa dibdib ko ay hindi ko lubos mapaliwanag. Yung feeling na parang hindi ako makahinga bigla at parang nalulon ko yung dila ko dahil hindi ko mabuka yung bibig ko.



Ganun pala yun?



Tinumbasan ko lang ng malamig na tingin ang tila nang-uuring titig nila samin ni Mama pero sa likod nun ay ang hindi maipaliwanag na kaba.



Tinignan ko ang babaeng nakahawak sa braso ni... Hirap palang sabihin no? Ang bigat lang sa dibdib. Masyadong glamorosang manamit yung babae. Masyado siya maganda kahit tingin ko hindi sila nalalayo ng edad ni Mama. Napakaelegante niyang tignan na kumikinang pa ang mga alahas sa katawan nito. Hindi katulad ng Mama ko na napakasimple lamang ng porma. She just wore her comfortable denim polo shirt and pants.



"Louise."



Halos pabulong lang na sambit ni... nung lalaki kay Mama ng makalapit. Hula ko nasa early fourties lang siya. My mom's on her late thirties. Nakikita ko na parang walang reaksyon ang babaeng kasama niya pero sa higpit ng kapit nito sa kamay ni... nung lalaki, nahuhula kong apektado din ito sa pangyayari.



"She's my daughter right?"



My mom did not utter a word. She even raised an eyebrow. Gusto kong mapangiti nun dahil hindi man lang siya natinag sa presensiya ni.. nung lalaki. His stance exudes power as if he could manipulate every people in that room in just a snap of his finger pero parang balewala lang iyon kay Mama.



"Yes. She is." Mahinang pagkumpirma ni Mama sa wakas. Alam ko naman na siya ang ama ko eh. Pero ang marinig iyon mismo sa bibig ni Mama ay kinagulat ko pa rin.



O dahil masyado ko lang talagang kinakaila sa sarili ko?



He looks at me with longing and tenderness, but... I hurriedly look away. Hindi ko makayanan. I'm afraid I might burst in tears dahil parang iyon ang nararamdaman ko sa kasalukuyang iyon.



Bakit? Bakit ganun? Huwag niya lang subukang lumapit sakin. Huwag lang talaga siyang magkakamali.



"Why is she... How did you.. raise her?"



Akmang ibubuka ko ang bibig para pabalang na sagutin ito ng marinig ko ang pagtaas ng boses ni Mama.



"Huwag mong kwestyunin ang pagpapalaki ko sa ANAK KO dahil wala ka sa mga panahong kailangan niya ng AMA!"



Naunahan lang ako ni Mama eh. Badtrip. Ang yabang masyado ng dating sakin ng lalaking 'to. Kainis.



"I'm sorry. I didn't mean to offend you..." Mukha siyang nanlumo na hindi ko maintindihan. Hurt and weariness is very evident in his face at tila tumanda ang anyo nito dahil doon.



I'm sorry daw? Ganun ganun na lang ba yun? I'm sorry your face!



"So typical. Sanay na ako. Masyado ka talagang mayabang. Akala mo kung sino kang magaling. Magaling ka nga siguro sa maraming bagay, but not for being a father. You were never a father to my daughter," maigting na sumbat ni Mama dito.



Ba't ganun? Kung kausapin ko si Mama tungkol kay Papa parang hindi naman siya galit dito? Pero kung tignan ko siya ngayon kulang na lang bumulagta si Papa sa talim ng pagkakatingin niya.



Yung isa naman kasi nakaka-offend magtanong eh. Di sana ako kinausap niya di ba? Kasi iisnob ko ulit siya. Hahaha.



Narinig ko ng tinatawag ang flight number namin kaya ako na yung humarap sa lalaki. Nilakasan ko na lang talaga ang loob ko. Lahat ng inipon kong lakas inubos ko na para huwag lang gumaralgal ang boses ko.



Bakit ba kasi parang maiiyak ako? Kainis naman eh!



"My Mom didn't tell me to ignore you. She didn't even badmouth you to me even if I've heard bad things about you from my grandparents." Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sariling tuluyang umiyak. "And if you feel like I hate you? Deal with it. Because I do. I really do. And I don't want to get associated with you, okay? What for?" Mapait akong ngumiti dito. "It's a total waste of time. Just like what a waste of a child I am to you. So if you'll excuse us."



Hinila ko na si Mama at nilagpasan namin ang mag-asawa. "Ma, tara na. Tinatawag na yung flight natin."



Hindi ko na siya nilingon. Ang balat-sibuyas ko talaga kahit kailan. Pasimple ko na namang pinahid ang mga luhang nalaglag sa mga mata ko habang naglalakad. Ini-expect ko pa na magsasalita ang kasama nitong babae pero tahimik lang siya. Hindi ko din alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito.



The hell I care.



Ng malapit na kami sa eroplano ay tumigil si Mama sa paglakad at hinarap ako.



"Anak, have I told you that you're the most wonderful thing ever happened to me? Mahal na mahal kita ng higit pa sa sarili ko. Alam mo naman yan di ba? At hinding-hindi kita ipagpapalit sa kahit ano mang bagay sa mundong ito. Hindi mo lang alam kung gaano ako nasaktan kanina para sayo. I'm sorry if what happened between me and your father caused you so much pain. Kung pwede ko lang akuin yang nararamdaman mo anak..." Naiiyak na niyakap ako ni Mama ng mahigpit.



Tumango lang ako dito at gumanti sa pagyakap niya. Hindi kasi ako makapagsalita habang pinipilit kong pigilan ang paghikbi. Ayoko na sanang umiyak eh.



Bakit ba may mga bagay na ang hirap ibaon sa limot? Gusto ko naman talaga siyang patawarin eh. Gusto ko na ding matahimik. Kaso tuwing iisipin ko lahat ng ginawa niya, lahat ng pagkukulang niya, lahat ng pinagdaanan namin ni Mama... Bumabalik eh. Tapos pipilitin ko na namang magpatawad. Pipilitin ko na namang lumimot.



At ngayon magpapakita na naman siya. Napapagod na ako. Napapagod na akong magtanim ng galit.



Paano ba kasi mawala 'to?



Napapikit na lang ako ng mga mata habang nakaupo na kami sa loob ng eroplano. Hinayaan lang ako ni Mama. Ilang sandali pa ay hindi ko napigilang hindi magtanong dito.



"Asawa niya ba yung babae Ma?"



Nagkibit balikat ito bago sumagot. "Void marriage."

Miss AstigWhere stories live. Discover now