Twenty Nine

49.9K 779 112
                                    

___________________________________________________

Lumipas ang mga araw na wala akong ginawa kundi ang umiyak sa gabi, magmukmok sa silid pag weekends, makinig sa mga pambigong kanta at kung anu-ano pang ka-emohan.

Potek. Daig ko pa talaga ang namatayan. Parang crush lang naman eh, ba't ganito? Mababaliw na yata ako. Tsk.

Wala akong ganang kumain. Wala akong ganang mag-aral. Wala lahat. Magda-dalawang linggo na akong ganito. Kibuin-dili ko sina Charlie at Chan-Chan. Hindi na ako makatawa sa mga jokes nila. Hindi makasabay sa pinagti-tripang estudyante. Hindi makasama sa pagpu-foodtrip ng streetfoods. Hanggang sa pati lunch break, minsan hindi na ako sumasama. Nawawalan na ako ng gana.

Wala eh. Masakit talaga. Mas gusto kong magmukmok, tumingin sa kawalan at makinig sa mga pang-emote na kantang sinave ko sa playlist. Sampung paulit-ulit na kanta lang naman ang meron ako dito. Saulado ko na din nga ang mga lyrics dahil kahit sa pagtulog, iyon at iyon lang ang pinakikinggan ko.

Pakinggan niyo din kung gusto niyo. Masaya kaya. Hahaha.

1. Breakeven by The Script
2. The Story of Us by Taylor Swift
3. The Man Who Can't Be Moved by The Script
4. If You Ever Come Back by The Script
5. How to Save a Life by The Fray
6. Please Don't Leave Me by Pink
7. Somebody That I Used to Know by Boyce Avenue
8. Part of Me by Katy Perry
9. We Are Never Ever Getting Back Together by Taylor Swift
10. Somebody's Me by Enrique Iglesias

Sampung kanta na paulit-ulit ko lang pinakikinggan at maya't maya ay tutulo na naman ang luha ko.

Parang ewan lang di ba? Nagiging masokista na yata ako. At alam kong hindi bagay sakin. Pero pakialam mo? Ikaw ba ang nasaktan? Hindi naman ah. Huhuhu.

Ilang beses akong sinubukang kausapin ni Aidan.

Hindi ko sinasagot ang mga tawag niya. Hindi na din ako nagrereply sa mga text niya. Para sakin, wala na siyang dapat ipaliwanag pa. Kasi... baka mas mahalin ko lang siya ulit. At namimiss ko na naman siya. Hindi na siya kasi pumupunta ng bahay. Bakit kaya? Huhuhu. Hays.

Hanggang sa hindi ko na makayanan ang pagtitikis ko sa nararamdaman ko...

Kaya ako na ang nagtext at sinabing magkita kami sa isang coffee shop. Miss na miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at--

Hindi. Closure lang talaga ang kailangan ko kaya ako nakipagkita. Promise. Hehe.

Sabado.

Hindi ako pumasok ng self-defense class. Nagkunyari akong doon didiretso pero ng nakaalis na si Tatay Tonyo, nagpalit ako ng damit at dumiretso sa coffee shop sa kabilang building.

Nagpaganda ako ng husto. Ahhh basta nagpulbo ako at naglipgloss ba yon? Bumili ako ng sa Maybelline, yung may flavor na minty something. Tos nagcheek tint din ako. Nagbestida ako kahit hindi ako kumportable. Sweet revenge di ba? Ipapakita ko lang sa kanya na hindi ako ang klase ng taong iniitsapwera lang. Kung hindi lang talaga ako nagpipigil baka balian ko na ng buto ang gagong 'to eh. Pero meron pa kasi eh. At ayoko siyang saktan. Hayyst. Nakakasuka na talaga akong magsalita. Hahaha.

Miss AstigWhere stories live. Discover now