Eleven

60.9K 1K 130
                                    

_____________________________________________________

"Sure ka na ba talaga na sasali ka sa Pageant Louie?"

Napalingon ako sa tanong ni Chan-Chan. Kakatapos lang ng first period at hinihintay na lang namin ang next lecturer. Halos hindi pumapasok sa isip ko ang tanong niya dahil binubutingting ko ang cellphone ko. Hindi pa kasi ako masyado marunong gumamit dahil kakabigay lang ng isang linggo. Natakot kasi sina Tita na baka ma-Kidnap daw ako. Hahaha.

Nakakatawa naman talaga. Tapos pinag-enroll pa ako sa taekwondo class. Every Saturday naman ang klase ko dun. Hatid-sundo ako ni Tatay. Pero enjoy naman yun. Nalalabas ko yung ka-hyperan ko dun. Nalaman kasi nila yung tungkol sa lalaking sakay ng itim na sedan na nagtanong sakin sa gate ng school. Duda daw sila na baka modus lang daw 'yun. Mga paranoid.

Kanina ko pa gustong ihagis 'tong cellphone na 'to. Badtrip. Nagtetext pa naman si Aidan. Nahihirapan akong magreply ng mabilis eh. Touchscreen kasi. S4 daw tawag dito. Si Mama kasi eh, hindi man lang nagtatanong kung gusto ko o hindi. Hays. Tapos sasabayan pa ng maya't-mayang group message ni Charlie! Aaaargh! Nakutusan ko tuloy nung isang araw. Sinabihan kong tigilan na ang kaka-GM. Ang ko-corny naman ng mga jokes. Mabuti sana kung si Aidan. Chos. Hehehe.

 

Beep!

 

From Aidan_(^_^)_:

Louie, alam mo yung pick-up line?

Me:

Hindi eh. Ano ba yun?

Aidan_(^_^)_:

Basta sagot ka lang ng 'Bakit?' pag tinanong kita.. :)

Me:

Sige bah.

Nilingon ko si Chan-Chan para magtanong. "Chang, ano ang pick-up line?"

"Malay ko. Oy ano na, sasali ka ba sa Pageant?" Pangungulit nito.

"Oo na. Ang kulit mo," hindi tumitinging sagot ko dito. Busy ako eh. Hindi ko na napansin ang ibang sinasabi niya dahil napangiti na ako sa salitan ng text namin ni Aidan.

Aidan_(^_^)_:

Am I a bad shooter?

 

Me:

Bakit?

Aidan_(^_^)_:

'Coz I keep on missing you. :)

 

Me:

Ahhh. Hehehehe.. Ganun ang pick-up? Hahaha.

 

Aidan_(^_^)_:

Yup. Cool no? Wait.. There's more. :)

Miss AstigWhere stories live. Discover now