Bonus Chapter

44.6K 878 135
                                    

A/N: Dahil kami ni Hunnydew ay pinanganak na uto-uto. Hahaha. Naglabas kami ng POV ng mga Kuya para maliwanagan kayo kung paano mabilis kumalat ang balitang nagdate si Mason at Louie sa Sunken Garden, sa ilalim ng punong Akasya. Details in full. Pati pang-aasar ng magpipinsan. Click external link para sa POV naman ni Kuya Mark at Pelaez brother’s convos.

 

NOTE: Bonus Chapter lang ito. Sa mga nakabasa na ng sneak peak sa fb. May konting nadagdag lang. (:

________________________________________________________

 

Kuya J’s POV

Alam ko namang mabilis matatapos ni Louie ang UPCAT. Matalino 'yun eh. Siyempre, kadugo ko. At nakikini-kinita ko na ang pagkapanalo ko sa pustahan. YEEEESSS. Ehem-ehem... Kidding aside, sige ipaparada ko nalang ang kotse ko.

Pero bakit hindi ko siya natatanaw dito sa labas ng CBA? Kanina ko pa siya tinext na hintayin ako sa tapat. Hindi rin nagre-reply. Imposible namang hindi pa tapos 'yun. Hmmm. Matawagan nga.

Habang dina-dial ko ang numero ng aking magandang pinsan, bakit parang hinahatak ang mga paa ko sa SunkenGarden? Maganda ang kutob ko. Tama ba? May maganda bang kutob? Makapunta nga sa Sunken...

May kung anong nahagip ang mga mata ko at napasulyap sa pinakamalaking puno ng akasya na nasa bandang Benitez Hall o College of Education building.

Bakit pamilyar ang anyo ng dalawang nakaupo sa ilalim nun. Hmmm...

"Hello Kuya.." Narinig ko na ang boses ni Louie sa kabilang linya.

"Saan ka? Nandito na ako sa kilid ng business ad building," hihihi.

Actually, mabilis na akong naglalakad na parang pusa papunta sa puno ng akasya na iyon. AT HINDI NGA AKO NAGKAMALI! Sneaky-sneaky me. Pero.. mas sneaky ang pinsan ko.. may secret date pala! 

Tinignan kong mabuti ang katabi niyang lalaki pero nakatalikod pa eh. Hmm.. Talikogenic. Lumakad ako ng konti para makita ang side view. Aba.. giligenic!

May taste nga ang pinsan ko. Pero teka.. parang namumukhaan ko ang binatang iyon.

Wait. Kapatid ni Mark ito ah!

"Saan nga tayo?" Narinig ko pang tanong niya sa kasama.

"Sunken Garden. Tapat ng Benitez Hall," sagot naman ni Mason.

Sabi na nga ba eh. MUHAHAHA.

Nagkunwari ako siyempre. Para hindi halatang papalapit na ako sa likuran nila. "May kasama ka?"

"Sa Sunken Garden sa tapat ng Benitez Hall, Kuya," sagot ni Louie.

Oy, umiiwas sa tanong ko. Huli ka na Louie eh!

Teka.. di ko na talaga mapigilan eh. Lumapit pa ako. Pero sandali lang.. bakit kinikilig ako para sa kanila? Kanina ko pa gustong i-text si Mark. Sa sobrang pagpipigil tuloy, napaubo ako at napalingon ang dalawa. Kainis, mag-i-eavesdrop pa sana ako eh. Malay natin, may marinig akong juicy chismis. Hihihi. Ehem. 

Miss AstigWhere stories live. Discover now