Six

67K 1K 67
                                    

___________________________________________________

Sino naman kaya ang nagbigay ng letter na yun?

First time ko talaga mabagabag ng ganito. Yung parang di ako makatulog sa curiousity? Pano first letter lang din naman talaga 'to na nabasa ko kasi sina Tita naman lagi bumabasa nun at hindi ako nakikinig. Yung ngayon kasi ang ganda ng sulat kamay. Mas maganda pa sa sulat kamay ko, kainis!

Boy kaya yun? O girl? Ah ewan. Unahin ko muna ang speech. Nakatulugan ko na ang pag-iisip pero si speech, ayun, SPEECHLESS pa rin. Hahahahaha.

Kinabukasan pumasok ako sa school na parang Panda. Syempre nanlalalim mga mata ko dala ng kakulangan sa tulog. Tuloy ang hyper ko ngayong araw. Ewan ko nga eh. Sa ibang seat ako umuupo, palipat-lipat at nakikisali na ng usapan sa mga classmates ko. As usual, emergency meeting at mamaya pa i-reresume ang klase.

"Oh talaga? Oh tapos? Talaga? Galing! Sandali punta ako kina ano, balik ako promise."

Para akong ewan na hindi mapakali. Hahahaha.

Sanay na din sila sa kakulitan ko at enjoy naman sila. Ginutom ako kakaikot sa classroom at nakita ko ang isang pack ng tatoos ni Joy. Pamangkin siya ng Principal namin. Kaya... Hehehehe. Kaya, wala pa rin akong pakialam anak man siya ng sinong Pontio Pilato dahil gutom ako. Hahaha.

Kinuha ko yung tatoos niya. Mga twelve yata laman nun. Eh sa nagugutom ako eh. Tsaka wala naman siya eh, lumabas daw. Ba't niya kasi pinapakita diba? Alam niya namang temptation yun sa mga katulad kong gutom, di ba? Gets niyo naman yung point ko di ba?  Di ba?

Pero mabait naman ako. Kasi binigay ko yung walong piraso sa kakwentuhan ko. Kinain din nila kasi akala nila akin. Hahahaha.

"SINO KUMUHA NG TATOOS KO?!"  sabi ni Joy na naiiyak na.

Patay-malisya lang ako habang ang mga kakwentuhan ko tila nabulunan na. Asan na nga ba ang tatoos niya? Eh di sa intestines ko na, ang tagal niya kayang bumalik. Baka nga converted na sa nutrients yun eh. Hahahaha.

"Louie! Nakita mo ba ang tatoos ko?"

"Ha? Baka si ano, si Leo. Tanungin mo si Leo," sabi kong nagpipigil ngumisi.

Clueless talaga ang bruha. Hahahaha. Yung mga kaklase ko lahat hindi na halos makahinga.

"LEO!!!"

Histerikal talaga? Magkano ba yang tatoos na yan?? Hahaha.

Nakita nitong pumasok si Leo sa room. Alam kong galing CR ito kasi nagpaalam siya kanina sa isang kaklase namin. Tinulak nito si Leo sa dibdib. Syempre nagulat si Pareng Leo. Sa sobrang gulat tinulak niya din si Joy. Ayun umiyak si Joy. Hahahahaha.

"Ba't ka nanunulak kasi?!"

"Kinuha mo tatoos ko eh!" sabi nitong sumasabay na ang sipon at luha. Mukang ewan na tuloy. Hahaha.

Miss AstigWhere stories live. Discover now