Forty One

49.1K 701 60
                                    

___________________________________________________



"Hey Charlie!" Masiglang bungad ko dito.



"BESPREEEEN! Grabe miss na miss na talaga kita! Kailan ka ba uuwi?"



Napangiti na lang ako sa sinabi niya. "Me too. Bukas na."



"Bukas? Talaga?!"



"Yup. Daan ako diyan ah. Kamusta ka na?"



"Alam mo ba bespren nakikitira yung epal ngayon sa bahay?! Hay naku, sapakin mo bukas ha?!"



Natawa at nagulat ako sa narinig. Expect Charlie to talk so animated. "Talaga?! Yung nambubully ba yan sayo? How did that happen? Ay sorry. Pano nangyari yon? Hindi ba taga La Union yan? Ang effort naman masyado."



"Ewan ko. Mayaman siguro. Hmp. Basta bukas ha? Suntukin mo! Bugbugin mo! Pahirapan mo!" Gigil na gigil na sambit nito sa kabilang linya.



"Hahahahaha. Sira. You were never that harsh naman ah. Baliw ka talaga. I-reverse psych mo kaya?"



In fairness, nakaka-curious talaga yang Hiro na yan. Ang weird lang niya para makitira pa kina Charlie to think na just this summer niya lang nakilala ang pamilya. Although alam ko naman na masaya talaga ang pamilya nina Charlie, but then, that's okay with his parents to stay with them? They're practically strangers kung tutuusin. Weird.



"Ha? Ano yong river sayyyk- tubig? Babasain ko ng tubig? Hindi naman kulto yon eh! Ikaw talaga!"



"HAHAHAHAHAHAHA. Yan ang na-miss ko sayo eh. Sige na, see you bukas. Daan ko yung pasalubong ko diyan."



In-end call ko na bago pa ako kabagin sa kakatawa habang kausap si Charlie.



I had a blast on my birthday. Nag-amusement park kami buong araw. Niregaluhan ako ni Mama ng sampung car miniatures na iba't iba ang model. Natuwa talaga ako dun, pramis. I wish I had one too pero syempre di ko sasabihin kay Mama. Hindi pa naman siya kumporme sa pagdi-drift driving ko until now, di ba? Kahit sabihin pang pinagko-compete niya ako. Minsan kasi hindi naman siya nanonood. Pag nanonood naman siya, may dala siyang Rosary, tingin ko nga nagnonovena eh. Kaya hindi ko na lang pinapanood dahil baka atakihin lang siya sa puso sakin hahaha. So malamang, negative agad ang sagot if humingi ako ng car.



I also blew my five layered cake na hindi din namin naubos dahil dalawa nga lang kami. Adik kasi si Mama eh, masyadong natuwa sa towering cake. Excited na nga din sa debut ko eh, madami daw siyang gustong gawin. The hell ha?! Two years advance lang? Kaka-sixteen ko pa nga lang eh.



Overall, ayos naman kahit OA ng nanay ko. Hehehehe.



The last day of our stay in Japan will be spent on buying souvenirs and pasalubong. Hindi naman mahilig sina Kuya sa chocolates kaya mga shirts na lang ang pinili namin ni Mama para sa mga 'to. Dress din para kina Tita Ayessa at Tita Van. Pantulog naman kina Lolo't Lola. Iyon kasi bilin nila sakin. Sinabay ko na din sina Tatay Tonyo at mga kasambahay namin.



Nakakapagod na nakaka-enjoy ang paggala. Pagkauwi ay nag-ayos na kami ni Mama ng gamit. Iniwan niya ako saglit para asikasuhin ang ilang transactions na dapat daw niyang tapusin sa araw na 'yon. May kakausapin daw kasi siyang tao. May balak kasing bilhin na boutique or baka magput up ng business. Investments daw. Pero iniisip din ni Mama na baka doon na lamang sa Pilipinas bumili ng stocks dahil tutal daw business major naman si Kuya J. They're eyeing him to handle the business if ever. Matagal na din naman daw napag-usapan nilang magkakapatid na magtayo ng family business. Anyway, sa kanila na 'yon. Ayoko na makisali sa mga ganyang usapan hehehe.



Busy ako sa pag-aayos ng mga dadalhin ko bukas ng matigilan na naman ako. Ganito talaga ako these past few days. Bigla na lang matitigilan. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang insidenteng nangyari sa airport.



Tatlong linggo din kaming namalagi ni Mama dito sa Japan pero minsan, napapanaginipan ko pa rin sa gabi ang mukha ni Papa. Malungkot na mga mata, nanlulumong anyo at lubos na nagsisisi. Katabi nito ang asawa na halatang nabahala sa presensiya ko habang hawak sa kamay ang lalaking halos kaedad ko na walang mukha. Hindi ko man maaninag ang mukha nito eh ramdam ko naman ang nanunuot na titig niya sakin katulad ng kanyang ina.



Malungkot akong napangiti sa mga imahinasyong nagsusulputan sa isip.



Malamang sa hindi, iyon ang anak ni Papa. Sabi ni Mama sakin dati lalaki yon eh. Kaya nga sila naghiwalay di ba? I wasn't the son he longed to have. Ang bunga at rason kung bakit sila nagkahiwalay ni Mama. Tss. Ang bitter ko lang talaga. Eh bakit ba? Hmp.



Saglit kong pinakiramdaman ang sarili.



Pero bakit tanging poot lang ang makapa ko para sa kanila?



Void marriage.



Ibig sabihin, hindi legal ang kasal ni Papa sa bagong asawa nito? Ibig sabihin, kasal pa rin sila ni Mama? Ibig sabihin, ako pa rin ang legal na anak? At ibig sabihin, mas may karapatan kami ni Mama sa lahat ng meron sila?



Fuck. What a mess of a life I have. Really, ayoko ng makisawsaw sa pamilyang Kwok. Gusto ko na ngang isuka 'tong apelyido ko eh.



Hindi porke't naiinggit ako sa buo ang pamilya eh gusto ko ng magkabalikan ang mga magulang ko. Masyado ng malaki ang sinakripisyo ni Mama para bigyan ulit siya ng bato na ipupukpok sa ulo niya. Hindi na nga siya nag-asawa ulit para lang maitaguyod ako tapos pagpipilitan ko pang magkaayos sila.



And besides, reality check dude! I hate my father to core.



How could I push myself to love a person I was born to hate in the first place? How could I love a person who was the reason why I live, but at the same time the very reason why I'm living a life full of insecurities?



Masyadong suntok sa buwan yata yon.



Ang hirap lang talagang magpatawad noh?



Hindi man ako salat sa maraming bagay, hindi ko pa rin maikakaila ang bahagyang pag-usbong ng inggit sa pamilya nila. Sa anak nila. Bukod sa pinanganak siya na lalaki, lumaki lang naman siyang buo ang pamilya; ang pinakamalaking insekyuridad ko sa sarili. Nakakabuwisit isipin.



Masakit mang aminin, pero ang biglang pagsulpot ni Papa ang rason din kung bakit umusbong na naman ang damdaming pilit kong kinukubli sa sarili ko. And I'm feeling like a trash again.



Kasi nga di ba, hindi ako ang anak na pinangarap niya? Paulit-ulit na lang 'tong pinamumukha sakin kapag nagpaparamdamn sakin ang gagong tatay ko, grrr!



Nakakainis lang dahil alam kong wala namang kasalanan ang anak nila at kapatid ko pa rin siya kahit papaano pero hindi ko maiwasang hindi magalit dito kahit hindi ko pa siya nakikilala. He is enjoying the life that was supposedly meant for me. And I'm pretty sure he was spoiled as hell.



I'm sorry. I didn't mean to offend you...



Naalala ko na namang sabi ni Papa kay Mama ng magkasagutan sila sa airport.



Napasuntok ako sa pader ng silid na inookupa. Fuck. I'm sorry lang talaga? Akala niya naman maghihilom ang sugat sa isang sorry?



That word is so overrated! So overused. Nakakairita na ngang marinig yan eh! Nakakabuwisit sa tenga.



Akala niya ganun lang kasimple ang pagpapatawad sa lahat ng ginawa niya? Wow ha? Masyado nga siyang mayabang. And I won't make things easier for him.



Hays. Kainis! Tingin ko talaga nag-iibang anyo ako pag si Papa ang naiisip ko. Hindi ko alam bakit.



And why do I have this feeling that one of these days, I'll be facing something big? Hindi ko alam eh. Parang... kinakabahan na lang ako bigla na ewan. Hays.



Napakislot ako sa mga katok sa pinto at niluwa niyon si Mama na nakangiti. "Tapos ka na bang mag-ayos ng mga gamit mo? Maaga pa tayo bukas ah."



"Yup. Didiretso ako kina Charlie ha? Susunduin naman ako ni Tatay eh."



Tumango naman si Mama bilang sagot bago gumaya sa pagkakaupo kong cross-sitting sa sahig.



"Sigurado akong matutuwa yon sa dami ng pasalubong mo. Inubos mo na yata ang buong chocolates sa store kanina eh." Natatawang sambit nito habang tinitignan ang apat na paper bags na puno ng chocolates.



"Matakaw yon Ma. Baka kulang pa nga yan hahahaha."



Natawa din ito sa sinabi ko.



"Mag-iingat ka bukas ha? After this summer, fourth year ka na. I'm so excited for your graduation. Alam ko, masyado pang advance, pero bakit ba. Ibig sabihin lang non kasi anak malapit na din tayong magkasama," nakangiting sambit nito sakin.



"Me too Ma. Me too."



Didiretso na kasi si Mama ng Canada dahil tapos na ang bakasyon nito. Nagpaalam akong doon naman muna ako didiretso kina Charlie bago umuwi ng bahay. Gusto ko kasing personal na iabot ang pasalubong ko bukod sa na-miss ko din siya. And yes, after graduation, sa Canada na nga ako mag-aaral. I already made up my mind. Ayoko ng maghiwalay kami ni Mama.



***



"Tatay Tonyo!"



Literal na iniwan ko ang mga dala at patakbong lumapit kay Tatay at niyakap ito. Grabe parang isang dekada lang nawala eh noh? Ako na OA. Hahahahaha.



"Gumaganda ka pa lalo anak ah."



"Naks Tay! Masyado ng obvious ang pagiging bolero mo, three weeks lang akong nawala hahaha."



Natawa naman ito sa sinabi ko. "Totoo naman ah. O saan tayo niyan? Sa bahay na ba?"



"Kina Charlie muna 'Tay. Abot ko lang yung pasalubong ko," sagot ko dito habang inisa-isa nitong nilagay sa compartment ang mga dala ko.



"Mukhang na-miss mo talaga ang kaibigan mo ah."



Ngumiti lang ako dito bilang sagot.



Habang nasa biyahe ay naisip ko kung tatawagan ko na si Charlie. Naalala kong hindi niya pala alam ang oras ng pagdating ko. Sa huli ay naisip kong tawagan na lamang ito 'pag nakarating na kami sa tapat ng bahay nila. Umidlip ako sandali habang nakikinig ng music sa ipod.



"'Nak, nandito na tayo sa bahay ng kaibigan mo."



Dahan-dahan kong minulat ang mga mata at inayos ang sarili. Kinuha ko ang mga pasalubong para kay Charlie at bumaba ng sasakyan.



"Tay, saglit lang ha?" Nakangiti naman itong tumango sakin.



Tumawag ako sa numero ni Charlie pero nakalimang tawag na yata ako di niya pa rin sinasagot. Ang alam ko maaga namang gumigising yon. Kainis. Pumasok na ako sa gate nila at kumatok sa pinto.



Sana wala si Mason, sana wala si Mason hmmp.



Nang bumukas iyon ay ngunot noo pa rin ako dahil sa inis kay Charlie at ready na ready ng sigawan ito.



"CHARLIE ANG BI- M-Mason hehe. Si ano, si Charlie?"



Halatang nagulat din ito na ako ang nabungaran sa pinto pero saglit lang naman siyang natigilan.



"Louie. Wel-"



"BESPREEEEENNN!!!!"



Hindi na natuloy ni Mason yung sasabihin niya dahil patakbong lumapit si Charlie sakin. Ano ba dapat sasabihin nun? Welcome back siguro noh? Badtrip naman 'tong si Charlie eh. Hmp.



Bago pa ako mayakap ni Charlie ay nagulat ako sa lalaking biglang humawi dito. Napaatras tuloy si Charlie at muntik ng ma-out of balance dahil sa ginawa niya. Lihim akong nainis dahil dun.



Sino ba 'tong...



"Uhm hi! I'm Hiro. Lloyd Hiro Ang. And you are?" Nakangiting pakilala nito habang maangas na inabot ang kanang kamay niya sakin.



Tumaas ang kilay ko dito. So this is Hiro. At hindi pala Resort ang apelyido niya. Sabi na nga ba eh, nauto na naman si Charlie. Tsktsk.



Cute siya, in fairness. Mabango o talagang nagpabango? Mukhang naligo sa pabango eh hahaha. Bvlgari yata yun, parang kapareho nung kay Kuya Justin ang amoy eh. Napansin ko din ang playful niyang ngiti at paglabas ng biloy niya sa pisngi dahil sa pagngiting yon. Obvious din ang pagiging chinito nito, may matangos na ilong, matangkad at halatang kutis mayaman. Pero muntik na talaga akong matawa sa suot niya.



Seryoso? It's summer dude. Bakit ka naka-leather jacket? HAHAHAHAHA.



Nakita ko sa mukha ni Charlie na maiiyak na dahil nakaharang si Hiro dito at alam kong kanina pa niya ako gustong yakapin. Kaya hindi ko inabot ang kamay ni Hiro. I just smiled sweetly at him before pointing my index finger to Charlie.



"I'm her bestfriend, by the way. And I feel quite fearless protecting the people I love that even the thought of killing them is just a piece of cake."



Nakita ko ang literal na pag-atras nito sa narinig. Mabilis ding binaba nito ang nakalahad na kamay kaya naman katakot-takot na pagpigil din ng paghagalpak ang ginawa ko upang huwag matawa sa harap niya.



Akala ko ba bully 'to? Boo. HAHAHAHA.



____________________________________



A/N: (PAKI-BASA PO! HEHE)



Wow! Nakapag-author's note din ulit sa wakas! Bakit? Kasi lumabas na din ang missing puzzle sa mga main characters ng Miss Astig! Ang character ni Lloyd Hiro. Siya na lang ang hindi pa lumalabas na nasa cover photo eh, di ba? Paki-click po ng External link para ma-direct kayo sa POV ni Hiro kung gusto niyo siyang makilala pa. Siya po yung sa NYORK (Not Your Ordinary Rich Kid) at ako din po ang may-akda sa kasamaang palad hahahaha. Abangan niyo na lang po ang susunod na pangyayari dahil na-eexcite na din ako hahaha.

Miss AstigWhere stories live. Discover now