Fifty One

44.4K 709 97
                                    

____________________________________________________

Family day daw ngayong Saturday. Tss.

Wala sana akong balak pumunta. Hindi naman kasi compulsory. Pero dahil isang buwan kong pwedeng gamitin ang sports car ni Kuya J ay balak ko iyong sulitin.

Tapos next weekend balak namin nina bespren na mag-outing kasama si Chang. Late birthday treat namin sa kanya at ako ang taya kasi mayaman ako ngayon. Hahaha.

Late ko na pinagpasyahang pumunta sa school. Mga alas tres ng hapon na yata iyon. Swabe akong nagdrive ng sports car ni Kuya J na mga ilang araw ko pa lang namang na-uutilize kaya feel na feel ko talaga.

Bait ni Tatay Tonyo, hindi ba naman ako sinumbong kina Mama at Tita. Tama nga sina Kuya, kampi kami hehe.

Malapit na akong bumaba ng makatanggap ako ng text mula kay Chang.

From Chang:

LOUIE KUNG SAAN KA MAN WAG KA MUNA PUMUNRTAYSBNNAKAJNKL.

What? Alien lang?

Baliw din 'tong si Chan-Chan eh.

Na-cancel ko tuloy ang tawag ni Hiro kaya minabuti kong huwag na lang pansinin ang dalawa.

Hmp. Bahala nga kayo.

Hustong pababa na ako ng kotse ng may lumapit sakin na unipormadong lalaki. Sa labas na kasi ako nakakita ng parking space sa dami ng nakapark na sasakyan sa loob.

May hawak na box ang lalaki at inabot sakin.

"Ma'am, pinabibigay po ng Papa niyo."

Tumawa ako ng mapakla.

"Patay na ang papa ko. Baka nagkakamali ka lang ng kausap," sagot ko dito na hindi man lang tinapunan ng tingin ang box.

Pero mapilit ang walanghiya.

"Ma'am sige na. Baka mawalan ako ng trabaho," nagsusumamong pakli nito.

Bahagya naman akong nahabag sa itsura ng pobre.

"Hmp. Akina nga yan! Sige na." Sabay taboy ko dito.

Paawa effect pa. Tss.

"Maraming salamat Ma'am."

Nang tumalikod ito ay pasimple kong tinignan ang loob ng box. It looks like a gown to me. A red colored gown. Hindi ko na inabala ang sariling bukadkarin iyon. Feeling ko, para sa prom ang naturang gown kung pagbabasehan ko ang tabas ng tela and since February ngayon. Kahit hindi ko pa naiisip na aattend ako ng prom, nawalan na ako ng gana.

Miss AstigWhere stories live. Discover now