Twenty Seven

50.3K 777 103
                                    

_________________________________________________



"Buntis ka ba?"



Nag-aalalang tanong ko kay Chan-Chan at hinimas himas ang likod nito. Bigla kasing naduwal sa sinabi ko. Di ba buntis lang ang naduduwal? Sorry ha, ganun yung nababasa ko usually eh. Ang haba kasi ng pagduduwal niya. Nakakaduda. Hahahahahaha.



"Nakaka--" Naduwal na naman ito. "...suka.. kang... mag-isip.." at hapong-hapong umupo sa bench na nadaanan namin.



Ha? Bakit ako? Naalala ko ang sinabi ko sa kanya. Parang nagtanong lang kung...



Aba't gagong 'to! Malakas kong tinampal ang balikat niya kaya napasubsob ito sa damuhan.



Ooops, sorry for that. Hehe.



"Hoy! Kapal ng mukha mo! Ang dami ko kayang admirers! Kunyari ka pa diyan! Ang arte mo ha! May paduwal-duwal ka pang nalalaman. Hmp!"



Pero hindi na ako pinansin ni Chang pagkatapos nun. Sobrang napikon pala siya sa sinabi ko. At nagkapasa daw ang braso niya sa pagkakatampal ko.



Eksaherado.



Pero nagsorry naman ako. Ilang beses pa nga. Si Mommy niya nga lang ang nagpatawad sakin. Hahaha. Yaan mo na, magkakaayos din kami non. Para saan pa na naging best of friends kami di ba?



***







"Charlie! Samahan mo akong ihatid ang ginawa kong blueberry cheese cake sa gym mamayang uwian ha!"



Lunch break. Balak kong sorpresahin si Aidan. Kaharap ko ang dalawa sa pang-apatang lamesa sa school cafeteria. Si Chan-Chan ay tahimik lang na kumakain. Dalawang linggo na akong kibuin dili nito simula ng tanungin ko siya kung may gusto nga siya sakin. Tinutukso ko pa rin siya kasi minsan. Ang pikon lang! Hahahahaha.



"Cake? Saan? Penge naman!"



Patay-gutom talaga 'tong si Charlie kahit kailan.



"Para kay Aidan 'yon. 20th birthday niya kasi. Next time na kita pakakainin ng cake basta samahan mo ko mamaya ha?" Pamimilit ko sa dito. Nakakahiya kayang may bitbit ng cake at mag-isang naglalakad lalo't lalaki ang pagbibigyan mo nito.



"Patay na patay ka talaga sa gurang mong crush no? Di ba Chan?" Siko ni Charlie sa katabi. Tumango lang si Chan-Chan habang pinagpatuloy ang pagkain.



"Eh ano naman? At least hindi ako busted katulad mo," balik asar ko dito at pinaalala na naman si Nile. Alam ko namang maiinis lang to kapag ganun ang usapan. Hahahaha.



Sumimangot naman si Charlie.



"Ang tagal tagal na nun eh!"



"Eh sa gusto kong ibalik, bakit ba?" Pang-aasar ko pa dito.



Bwahahahaha. Kinikilig talaga ako para mamaya. Hihihi.



Nakakainis. Parang kinikiliti ako na ewan. Uhhhmp. Uhhhmp. Tsss. Sa ang hirap pigilan eh. Napapangiti talaga ako ng malapad. Hehehehe.



Nang sumapit ang alas singko ay kating-kati na akong pumunta ng cafeteria para kunin ang pinatagong cake. Dinaanan ko muna si Charlie sa classroom nito.



Habang naglalakad patungong gym ay naulingan namin ni Charlie ang dalawang babaeng naghahagikgikan at may pinag-uusapan. Hindi naman ako chismosang tao pero kung ganitong pangalan ang maririnig mo, malamang pati ikaw ay hindi lang mapatigil sa paglalakad...



"Ang gwapo talaga ni Aidan no? Sayang nga lang girlfriend na niya yata yun eh," napapalatak na sabi ng isang babae.



"Oo nga eh. Pero bagay naman sila eh. Ang ganda nung babae ha, in fairness," sagot naman ng kasama nito.



Kung hindi lang talaga dugo at pawis ang pinuhunan ko sa pag-aaral na iperpekto ang lasa ng bluebeery cheesecake na 'to baka nahampas ko na sa dalawang babae sa biglang pag-init ng ulo ko. Pero char lang. Chill chill din pag may time baka ibang tao ang tinutukoy nila. Hehehehehe.



Pero bakit ganun? Kalma naman ako ah. Pero bakit parang hindi na pumapasok ang iba pang sinabi ng mga 'to sa isip ko?



I just notice that my body then undergoes abrupt stress exhaustion following a narrowed sensory field making me diaphoretic with fluctuating unexplainable chills, anxiousness, disillusionment, anergia... Suddenly feeling so worn out....



Etios lang. Hehe.



Pero wala na talaga akong maintindihan sa sinasabi nila.



Ano na ba kasi? Saan na kami?



Ahhh. Shit. Nawawala na nga ako sa sarili.



Nagising ako sa pagliliwaliw sa malayong dimensyon ng kunin ni Charlie ang cake sa kamay ko. Nanginginig na pala ako. Hindi ko alam kung bakit pero bakit tila gusto na ding manubig ng mata ko? Di ba chill lang dapat? Hindi pa nga sigurado di ba?



"Naniniwala ka ba sa sinabi nila? Ba't hindi mo muna alamin kung totoo? Malay mo naman kung ibang Aidan yun," sabi ni Charlie.



For the first time! Sa ganitong sitwasyon pa talaga nagkakasense si Charlie, alleluiaaaah!



"Hindi ko alam. Tara na nga para makauwi na baka dumating na si Tatay," sagot ko dito at ibinalik ang matamis na ngiti sa labi.



Malapit na kami sa gym kaya kinuha ko ang cake kay Charlie at sinabihang sindihan na nito ang kandila. Nasa ganoon kaming akto ng magawi ang tingin ko sa garden sa kilid ng gym. May naririnig kasi kaming impit na ungol.



Kay Charlie ko nakuha na ang mga ganoong ungol daw eh... ah basta. Nanonood kasi yan ng... hmmmp. De joke. Di niya sinasadya yon. Hahahaha.



Pero yuck. Ang bastos naman. Dito pa talaga sila?



Narinig ko na lang ang pagsinghap ni Charlie at katulad ko ay nagulat ng makita si Aidan na may kahalikang babae. Halos hindi nila kami napansin. Marahil ay nasa college din base sa suot nitong uniporme.



"Akala ko talaga nililigawan mo ang highschool student na yon," malambing na sabi ng babae ng maghiwalay ang mga labi nila.



"Spare her out of this. She's just a kid sister to me, for goodness sake Cheska..."



Lumabi ang babaeng nagngangalang Cheska. "Alam mo namang selosa ako... but you love me right?"



"You know that I do..."



Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng cake sa paanan ko at pamalisbis ng mga luha sa mga mata. Napatakbo ako bigla kaya sumigaw si Charlie habang habol ako.



"Louie!"



"Iwan mo muna ako Charlie, please!"



Tumakbo ako ng mabilis na mabilis at walang partikular na direksyon. Biglang pumatak ang ulan at lumakas pa ito ng lumakas na tila umaayon sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ko narating ang football field. Alam kong puro putik na din ang paa ko at basang basa na pero hindi ko na alintana. Takbo pa rin ako ng takbo ng madapa ako sa damuhan. Napaluhod ako at sumigaw ng malakas.



"Aaaaahhhhhh! I hate you so much Aidan Gabriel! I hate you!"



How could he do this to me?



I thought we were doing fine?



I trusted him.



I TRUSTED HIM!



Ang sakit sakit talaga. Bakit ganito? Mas masakit pa yata to sa pag-iwan ni Mama sakin. Hindi naman niya ako inano physically di ba? Bakit tila durog na durog ang pakiramdam ko?



"Aaaaaaaahhh! Fuck this feeling, I wanna die! I wanna die right now..."



Humagulgol lang ako ng humagulgol. Hindi alintana ang oras, ang lugar, ang paligid o anumang pangyayari na kasalukuyang nagaganap.



Ayokong tanggapin ang mga pangyayari kahit sampalin pa ako ng katotohanang naghuhumiyaw sa harap ko ngayon.







That I was never his.



.





.



.



And he was never mine.

Miss AstigWhere stories live. Discover now