Twenty Eight

48.7K 789 57
                                    

________________________________________________

 

"Fuck! Fuck! Fuck! Bakit ba kasi ang sakit sakit na! Ayaw pa ring mawala? Arrrgh."

Hapong-hapo na ako sa kakaiyak. Alam kong mugtong-mugto na din ang mga mata ko pero mapipigilan mo ba yon? Mapipigilan ko ba tong sakit na to? Habambuhay ko na namang dadalhin 'to. Ang gaga ko talaga para umasa at mahalin siya.

Bakit kasi ako pa? Bakit kasi siya ganon? Bakit?! Potek na yan! Makakapatay talaga ako ng tao. Huhuhuhu.

"Shit talaga. Shit! Shit! Shit! I wish I knew how to make a feeling stop 'cause it's slowly killing me..."

Napahagulgol na naman ako.

Maya-maya ay tahimik na akong umiiyak habang binabalikan na naman ang masasayang alaala namin ni Aidan.

Bwiset. Kailan ba ako magkaka-amnesia?

Pwede ngayon na agad agad?

Nahahapong inayos ko ang pagkakaupo sa damuhan, puno ng putik ang mga paa at basang-basa ang uniporme sa ulan. 

Gusto kong matawa sa sitwasyon ko. Parang gaga na akong hindi maampat ang pag-iyak kaya walang kwenta rin ang maya't mayang pagpahid ko ng mga luha.

Balak ko na sanang mamitas ng damo ng maramdaman ko ang pares ng paa na lumitaw sa harapan kaya napatingala ako.

"K-Kuya M-Mason?"

Bakit pa 'to nandito?

“Dali na,” halos pautos na sabi nito sakin. Hinablot pa niya ang isang kamay ko at tuluyan nang ipinahawak ang payong nito.

Nakakainis ang pagiging demanding ng kilos niya. Nakikitanga na din yata to sakin. Bakit nito binigay ang payong at hindi nakisilong? Hindi ba nito alam na umuulan ng MALAKAS?! Ang tanga tanga talaga! Ang tanga mo Mason! Parehas tayo. Bwiseeeet. Huhuhuhu.

But...

I really feel so helpless right now.

At dahil sa samu't saring nadarama ay bigla ko siyang niyakap. Hindi ko din alam kung bakit.

Siguro dahil I really need a shoulder to cry on right now.

Nabigla man ito sa ginawa ko ay hindi ko na alam. Gumanti din kasi siya ng yakap kapagdaka. Tinapik-tapik pa nito ang balikat ko kaya mas lalo pa akong napahagulgol.

“B-bakit ba kasi?” Tila nauutal na sabi nito.

Pero hindi ko alam bakit parang gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam. Promise, hindi talaga.

Hays. Nakakatanga, ba't andami ko na yatang hindi alam? Nabobobo na ba ako?!

"I wish I know how to explain exactly how I'm feeling… All I know is I am deeply hurt now..." pagsusumbong ko dito. Bahala na. Sa susunod na mga araw ko na lang pagsisisihan ang biglang pagsabi ko ng nararamdaman.

Tahimik lang din itong nakinig sa akin. Tumatango.

Nang maging aware ako sa pagkakayakap ay kumalas na ako at pinahid ang luha sa mga mata. Dyahe. Of all people ay si Mason pa talaga ang makakasaksi sakin sa ganitong sitwasyon.

"I wish people would just let you know if you're wasting their time instead of leading you on," malungkot kong sabi dito. Bakit ba ang daldal ko sa kanya?! Eh hindi naman siya sumasagot?!

“Manhid siguro o baka tanga lang.”

May mental telepathy pa yata!

Napatingin ako bigla dito. Nagsalita nga ba ito?

"Hindi ko alam. Hindi ko na alam. Naguguluhan na ako..." tanging sagot ko sa sinabi niya. Kung tama nga ang pagkakadinig ko sa sinabi niyang 'yon.

Hindi pa rin ako makapagmove on kaya hindi ko maiwasang hindi ulit mapatingin sa kanya.

Pero wrong move talaga ang bigla kong pagtingin.

Because I just met the most soulful eyes I'd ever laid. Sa hindi iilang beses na naiilang ako sa presensya niya tuwing magkasama kami...

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapaliwanag ang dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko tuwing magkalapit kami ni Mason. Maswerte ang girlfriend nito dahil napakabait niya talagang tao.

Sa naisip ay biglang napaatras ako at napabaling sa ibang direksyon ang tingin.

Nakita ko sa peripheral vision kong napatingala ito sa langit.

“Ihahatid na kita.”

Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko at nagsimula ng maglakad.

B-Bakit...

T-Tila o-okay l-lang y-yata s-sakin?

Kakalas na ba ako?

Uhmm...

Tahimik kami habang naglalakad. Hindi nagkikibuan. Dinaanan namin ang bag ko sa classroom. Basang-basa na pala kaming pareho ngunit tulad ko, hindi naman yata alintana ni Mason. Ito din ang pumara ng taxi na sasakyan namin pauwi. Nang makarating ng bahay ay nagpasalamat ako dito.

"Gusto mo bang pumasok muna?" Anyaya ko dito kahit sobrang pagod na ang pagal kong katawan. Utos na din ng kagandahang asal.

Umiling ito at ngumiti ng bahagya. "Magpahinga ka na. Sige, alis na ko."

"T-Teka," pigil ko dito ng akmang tatalikod na ito. "P-Pwede m-mo ba akong i-text k-kung nakauwi ka na sa inyo? I-Ito nga pala number ko," sabi ko habang sinasabi ang cellphone number ko.

Ba't ambilis niyang magtype ng number? Math wiz din naman ako ah pero hindi ako singbilis niya.

"Sige na Louie."

"Ah, ano. I-Ingat. Salamat ulit."

Miss AstigWhere stories live. Discover now