Twenty Five

56.4K 844 107
                                    

__________________________________________________

Ilang linggo matapos ang insidente ng pagtawag ni Papa ay hindi na umulit iyon.

Siguro dahil din nagbago na ako ulit ng numero. Iphone na din ang cellphone ko. Yeah, pareho na kami ni Chang! Pero mas updated daw yung akin. Pareho lang naman na cellphone yun. Alam niyo naman si Mama, kung ano ang uso, iyon din ang meron ako. Sinabi ko din sa kanya ang napag-usapan namin ni Papa na kung tutuusin, ay wala naman talaga masyado.

Alam ko, napaka-immature ko talaga. Siguro nga. Pero masisisi niyo ba ako? Masisisi niyo ba na naging manhid na ko? Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung paano i-identify ang nararamdaman ko sa tao eh. Ang alam ko lang, may mga tao akong pinahahalagahan at handa akong makipagpatayan sa kanila kung kinakailangan. OA ba? De joke. Hahaha. Pero seryoso yun.

Rebellious stage ba ang highschool? Malamang oo. Pero alam ko sa sarili ko na kahit bata pa ako, alam ko ang ginagawa ko at handa akong harapin ano man ang kahihinathan nito. Nung nag-usap kami ni Mama tungkol kay Papa, hindi niya kailanman pinagtanggol ang sarili niya o sinabing huwag akong lalapit kay Papa dahil ganito siya o ganyan. Bagkus, sinabihan niya ako na pakinggan ko ang sasabihin niya kapag handa na akong makinig. Malaki na daw ako at ako mismo ang makakapagsabi kung sino ang mas paniniwalaan ko. Narinig ko naman daw kasi ang side niya. It's time to hear the other side of the story. Mas tumaas ang respeto ko kay Mama dahil doon. Siguro nga tama siya. Pero hindi pa talaga ako handa. Hindi muna ngayon.

Nakakatawa nga kasi galit talaga ang buong pamilya ni Mama kay Papa hanggang ngayon. Pinagsasabihan ako nila na huwag na huwag akong magpapakita o makikipagcommunicate sa kahit sino sa kanila. Kung totoong anak daw kasi ang turing niya sakin dapat dati pa siya nagparamdam. Bakit ngayon pa kung kailan dalaga na ako? Ni hindi nga daw niya naalalang magpadala ng pambili ko ng gatas dati ng halos nagkanda-leche leche ang buhay ni Mama, tapos ngayon magpapaka-Tatay siya sakin? Wag na daw. Kaya naman daw nila akong buhayin. At kaya naman nilang ibigay lahat ng gusto ko.

Masaya ako kasi sobrang concern nila sakin. Gets ko naman talaga ang point nila dahil kahit ako ay malalim din ang hinanakit ko sa kanya. Marahil ay gusto nga niyang bumawi pero sobrang huli na kasi ang lahat tingin ko. Masyado na akong nasaktan at masyado ko ng dinibdib ang mga pangyayari. Nasanay na ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya kailangan.

At kailanman...

Hinding-hindi ko siya kakailanganin...

Pero masyado nga sigurong mapilit ang tadhana. O talagang pa-weather weather lang talaga si Papa na kung kailan niya lang ma-tripan magpaparamdam saka ka niya kukulitin?

Third year na kami.

Ambilis noh? Fifteen na pala ako.

At tingin ko, sa mga panahong ito, may mutual understanding na kami ni Aidan. Hehehe. Wag umepal, tingin ko lang naman eh. Bawal? Bawal?

Hindi niya sinasabi na gusto niya ko o mahal niya ako pero pinaparamdam niya naman kung gaano ako kahalaga sa kanya. Yung pasimpleng pagkakamusta niya, pagbibigay ng kung anu-anong gifts tuwing may okasyon o wala.

Miss AstigWhere stories live. Discover now