Forty Three

46K 734 64
                                    

___________________________________________________



It's time to wake up it's eight am Louie! It's time to wake up.



"Hmmm.."



Mabilis kong pinatay ang alarm clock.



Ano'ng araw na ba ngayon? Sunday? Bukas na pala ang first day ng pasukan. Tss.



Ano naman gagawin ko ngayon? Wala. Nganga lang. Hahaha.



Mabilis kong tsineck ang cellphone at nakitang wala na itong baterya kaya nagcharge ako agad. Kagabi pa yata lowbatt yun eh. Wala naman kasi akong itetext kaya di na rin ako nag-abalang i-charge yon agad kagabi pagkatapos naming mag-usap ni Mama.



Nagstretching ako ng 15 mins.



"Ahh. This is good," nangingiti kong sabi habang pisil pisil ang mga muscles sa paa.



Pumasok na ako ng banyo at naligo pagkatapos kong sipatin ang mga naisulat ko sa bulletin board.



Aikido

Basketball

Swimming

Painting

Advance Study for Entrance Exam in Canada



Hays.



Hustong kakabukas ko ng cellphone ng magring iyon.



Unknown number.



"Hello?"



Tanging paghinga lang nito ang naririnig ko.



"Hello?"



Mga dalawang minuto ako naghintay pero walng nagsasalita kaya kinansela ko na lang. Maya-maya ay tumawag muli ang ganung numero pero hindi pa rin nagsasalita.



"Kung wala kang balak magsalita pwede huwag ka na lang tumawag? Pinapainit mo lang ang ulo ng taong tinatawagan mo eh," sabi ko bago binaba iyon.



Batrip ha.



Napapansin kong lately, napapadalas na ang mga ganoong eksena sakin. Unknown number na tumatawag at tila gusto lang talagang marinig ang boses ko.



Tss. Mga walang magawa sa buhay.



Napansin kong may unread message ako kaya tsinek ko na lang ang inbox.



From Mason:

Happy Birthday. Godbless lagi :)



Inilapit ko ang mukha sa screen ng cellphone.



May smiley nga ba talaga?



Napangiti na lang ako bigla ng may maalala.



Teka kailan 'to? Damn, nung isang araw pa pala?!



BAKIT HINDI KO NAPANSIN?!



Mabilis akong nagtype at nagsend ng reply ko dito.



To Mason:

Mase sorry! Kakabasa ko lang ng text mo. Thank you sa greetings. Salamat ulit sa cake. Magaling ka pala magbake. Ikaw din, God Bless sa college life. Galingan mo ha? :)



Nakakahiya. Lagi na lang akong late magreply.



Nangingiting bumaba na ako upang mag-almusal.



***



Ang dami palang happenings sa fourth year.



Nakakagulat lang hahaha. Sorry natatawa lang talaga ako.



Katulad ng pagiging section two ni Charlie at paghirang niya bilang president ng klase.



Actually, mas nagworry lang ako sa pagiging president niya.



I mean, her being a president? Syet, huwag sana akong bulabugin ng dalawang 'to lalo't si Chang naman ang presidente ng student council.



I'm officially appointed as President ng ASAC o Association of Students for Academic Competition. Vice President din ako ng Young Scientist's Club at Assistant Vice President ng Math Club. I didn't know if this is really possible pero balak kong kausapin ang mga advisers ng club para magbackout.



Ako na nga i-cocompete sa interschool ako pa mamomoblema sa mga activities involve ng mga yan?



Hah! Swerte nila.



I want to spare myself of the burden na nga eh. I just want to be an average student when it comes to these things.



Okay na ako na nagta-top sa klase at magcompete. Huwag naman na pati ang pamumuno ng mga yan. Mas nakakabanas eh. Pati practice ko sa basketball nako-compromise na din minsan.



Mukhang lubhang magiging abala talaga ang senior year ko ah.



Umuwi tuloy akong wala sa mood ng araw na 'yun. Ayaw kasi ng mga adviser na magbackout ako sa pagiging officer. Kung pwede nga lang daw na ako ang President sa tatlong clubs na yun eh.



Alam mo yun?! Nakakabanas talaga. Kaka-start ng school year pero nakakapagod na nakakawalang gana na. Hays.



"Ayan na pala si Louie eh."



"Louie, lika nga."



Napalingon ako kina Kuya K at Kuya J na may bitbit na pagkain at inumin galing kusina. Malamang sa game room papunta ang mga 'to.



"Kuya pagod ako. Mas gusto kong magpahinga," bagot kong sagot sa mga 'to at akmang ipagpapatuloy ang pag-akyat ng hagdan.



Nagtinginan ang mga 'to bago inabot ni Kuya J ang mga chichirya kay Kuya K na tumango at dumiretso sa game room.



Nilapitan ako ni Kuya J at hinawakan sa balikat. "Mabilis lang 'to. Tara sa game room."



"Sabihin mo na. Badtrip ako sa school Kuya."



"Sa game room. May proposal kami sayo."



Huh?



"Legal ba yan?" Nagdududang tanong ko dito.



"Ano bang klaseng tanong yan? Hahawak na ako ng negosyo ng pamilya gagawa pa ba ako ng ikasisira ng pangalan natin?"



Tinignan ko lang siya ng nag-uuring tingin habang iginigiya niya ako sa game room.



Naabutan namin si Kuya K na nagbibilliards. "Nasabi mo na?"



Umiling si Kuya J. "Teka bumubuwelo pa."



Pinaglipat-lipat ko ang tingin ko sa kanila. "Ano ba yan Kuya?"



"Di ba aalis ka na rin naman next year? I mean, sa Canada ka na kasi after graduation mo di ba?"



Tumango ako. "So?"



"K, ikaw na nga magsabi."



"Bakit ako? Ikaw na. Naumpisahan mo na eh."



"Kuya ano ba?! Nagugutom na ako."



Inabutan ako ni Kuya K ng juice at nova.



"I don't eat junks."



"Arte," sabay pang sabi ng dalawa na inikutan ko lang ng mga mata.



"At least healthy living." Inabot ko na lang ang lemonade.



"Kumuha ka ng UPCAT."



Natigil ako sa pag-inom ng juice at kunot-noong tumingin sa mga 'to. "Bakit pa ako kukuha eh sa Canada nga ako mag-aaral? Ang gulo niyo din eh."



Sumipol-sipol si Kuya K. "Sabihin mo na kasi ng maintindihan niya din."



"Kuya J?"



Hindi naman ako nila kakausapin ng ganito kung wala lang eh. I have a gut feeling na hindi lang simpleng UPCAT issue to eh.



Nakita kong napahilamos ito ng mukha. "Do you promise that this will just be between the three of us?"



"Just make sure that this is not illegal."



"Hindi. I swear." Itinaas nito ang kanang kamay.



"Okay, spill it."



"I made a bet."



Oh. Hinayaan ko muna siyang magsalita. Hindi yata maganda ang pakiramdam ko sa bet na 'to.



"Sa isang karibal. Kasi ganito yun. I'm courting this girl..."



Nabitin sa ere ang akmang pagsasalita ko ng itaas nito ang kamay at pigilan ako kaya tinikom ko na lang ulit ang bibig ko.



"Wait, let me finish first okay?"



Tumango na lang ako.



"Ayun nga may nililigawan ako. Eh yung girl na gusto ko may manliligaw din siya. Masyadong mayabang kaya napatulan ko out of nowhere. We made a bet. Kung sino ang matatalo, ipapaubaya na niya ang girl..."



Ako naman ang umawat sa kanya.



"Wait Kuya. Tingin mo ba hindi maiinis ang girl na yan pag nalaman yang ginawa niyo? Kung ako ang girl, ang jerk ng tingin ko sayo. And besides, what is it in me at nakipagpustahan ka? I don't see any reason why I have to be in the picture."



"Exactly. That's where you'll enter the picture."



"What?!" Naguguluhan kong tanong dito.



"Makinig ka nga muna kasi." Tila naiinis ng sabi ni Kuya K kaya natahimik na naman ako habang sinimsim ang juice.



"It's not just an ordinary bet Louie. I don't want to explain anymore what's with me and the girl. Problema ko na yun later on. Ang gusto ko lang ay tulungan mo ako. Our bet involves our siblings to pass in UPCAT."



"Eh hindi mo naman ako sibling ah. Disqualified ka na."



Tumawa ng malakas si Kuya K sa sinabi ko. "Sabi sayo mahihirapan ka sa isang yan eh. Bago mo matapos yang pagpapaliwanag na yan, tuyo na ang utak mo," naiiling na sabi nito kay Kuya J.



Napahilamos na lang si Kuya J. "I'm still hopeful." Binalingan ako nito. "Ikaw nga ang representative ko. Basta yun."



"So kailangan kong kumuha ng UPCAT at ipasa ang exam? Yun lang? Tapos pag pumasa ako, ayos na? Pano kung pumasa din ang kapatid niya?"



"Pataasan kayo ng score."



Napasimangot ako dito. "Bakit ba masyado kang seryoso diyan? Magbackout ka na lang. Gusto mo ba talaga ang babaeng yan para problemahin mo ng ganito o baka ego lang yan Kuya?"



"That and... nakalimutan kong sabihin na it involves money..."



Napadiretso ako ng upo. "Money? Magkano?"



"Half M."



Napamugalat ako sa narinig. "Holy shit!"



"Aaaand you just got her attention! Well done bro!" Pumalakpak pang sabi ni Kuya K na mabilis ding tumahimik pagkatapos panlisikan ni Kuya J.



"Ya. I'm totally fucked up right? Alam mong hindi tayo binibigyan ng ganyan kalaking pera at pag nalaman pa 'to nina Mommy ay siguradong patay ako. Naubos na din lahat ng savings ko dahil bumili ako ng sports car recently." Nanlulumong sabi nito.



Shit. May pagka-shunga din pala 'tong pinsan ko eh. Ganyan ba talaga pag lalaki? Pataasan ng ihi? Di na lang sana pinatulan, nakakainis. Pati ako tuloy namoblema. Dinagdagan pa ang iniisip ko.



"Ano naman mapapala ko sa pustahan na 'to Kuya? Besides, wala akong planong asikasuhin ang mga requirements ng mga yan sakali."



"Kami na ni K ang bahalang magprocess. Napag-usapan na namin yan. If ever, mag-eexam ka lang talaga. And with regards to your first question, hati tayong tatlo sa half M kapag nanalo ako."



"Hindi naman ako mukhang pera. Tsaka, parang dehado naman yata ako masyado. Sakin na nga nakasalalay ang lahat kung titignan ko ang buong anggulo eh. Pano pag mas mataas ang UPCAT score ng kapatid niyan?"



Tila nag-isip naman si Kuya J bago nagtanguan na naman ang dalawa.



Hmm. Ano na naman kaya iniisip ng mga 'to.



"Aside from 200K, then I'll let you use my car for a month. Outside the sub. Anywhere you want. With free gas. Okay na ba yun?"



Namilog ang mga mata ko sa narinig.



Pagagamit niya sakin ang sports car niya? Seryoso? Biglang lumiwanag yata ang buong paligid ko sa narinig habang iniimagine ko ang sariling nagda-drive ng sasakyan ni Kuya J. Hindi ko pa naranasang magdrive ng outside subdivision dahil na din sa utos ni Mama. Alam nitong kaskasera ako lalo't drift driving ang sports ko.



"Teka. Pano ko mada-drive yun ng hindi malalaman sa bahay at nina Mama? Eh di ba nga bawal akong magdrive?"



"Pwede namang iwan na lang sa school mo. Sigurado akong kampi mo din si Mang Tonyo kaya di ka ilalaglag nun sakali."



Napangiti ako sa narinig.



Hmmm. Not bad, right?



"Let's clear things first. Ang role ko lang dito is kumuha ng exam at siguraduhing mataas ang makukuha kong scores. Kayo na bahala sa lahat-lahat?"



Tumango naman ito.



"At kapag nanalo ka sa bet meron akong 200K plus 1 month kong magagamit ang sports car mo with free fuel na?"



Tumango ulit ito. "Okay deal. Kailan ang exam?"



"First week of August."



What?! Ba't ambilis? June ngayon ah. I have two months to prepare?!



"Teka... Saan ba nag-aaral yung kapatid niyang karibal mo?"



Sumipol-sipol ulit si Kuya K.



"Stop that K. Babatukan na talaga kita," asik ni Kuya J dito bago sinagot ang tanong ko. "Ah.. Sa ano.. Sa.. Philippine Science. Di ba yun yung gusto mong school dati? I'm sure parehas lang naman kayong matalino. Pumasa ka naman dun eh."



Tumango-tango lang ako. Ng may idinagdag ito.



"Pero ano... Running for Valedictorian daw. Pambato sa interschool and international contest. First honor since preparatory up to now. Competitive and geek."



Fuck. Sinasabi na nga ba. Ano naman ang panama ko dun?!

Miss AstigWhere stories live. Discover now