Sixteen

57.4K 894 108
                                    

____________________________________________________

"Bakit ngayon ka lang?"

Napalingon ako kay Kuya Kurt pagkatapos kong bumaba sa passenger seat ng sasakyan. Bakas kasi ang pag-alala sa mukha nito. Siguro kasi alas nueve na ng gabi. Nagpaalam naman ako kay Tita Ayessa eh.

"Nilibang ko po si Charlie eh. Nag-timezone kami after ng klase," mahinang sagot ko. Nakita kong nasa likod nito ang tatlo ko pang pinsan.

Bigla nila akong niyakap kaya nagtaka ako. Ni hindi ko napansin na nakatingin lang si Aidan samin. Nandun din pala siya dahil gumagawa daw sila ng project ni Kuya J.

Project ba talaga? Weh? Hehe.

"Anong problema?" Nagtataka kong tanong.

"Pasok ka na. Kanina ka pa hinihintay. Dumating si Mama Louise," sabi ni Kuya Justin.

Kaya siguro nila ako niyakap kasi ang huling pagkikita namin ni Mama umiyak lang ako dahil nagkasagutan kami sa pagpili ko ng school na PhiSci at ayaw niya.

Si Mama. Gusto kong matawa. Siguradong hindi naman magtatagal 'to eh. Ano naman kung dumating? Nais ko sanang sabihin. Kaso wag na lang.

Pumasok na ako ng bahay at nakita kong masayang nag-uusap sina Mama, Lolo't Lola, sina Tita Ayessa at Mommy Van. Pero napatigil sila sa pag-uusap ng pumasok ako. Nagmano muna ako sa kanilang lahat bago nagpasyang dumiretso sa kusina. Gutom na gutom na kasi ako. Ayaw kasing kumain muna nina Charlie kanina eh.

"Bakit ngayon ka lang?" Narinig kong sabi ni Mama sa likod ko. Sumunod pala siya sakin.

"Nagmall pa ako eh," maikli kong sagot.

"Kanino galing yang kwintas na yan?"

"Sa kaibigan."

"Sigurado ka?"

"Oo."

Ba't ba nandududa 'to? Naiinis ako. Hindi ko alam bakit ganito nararamdaman ko pag kaharap ko siya. Parang yung tono ng pananalita ko pabalang lagi pag siya kausap ko.

"Ambata-bata mo pa. Ayokong ginagabi ka sa labas. Oras ba 'to ng pag-uwi ng matinong babae?"

Nakita kong nakasilip lang sina Tita sa sliding door.

Bakit ganun siya? Kararating niya lang sermon na agad? Ang sakit lang. Kasi Mama ko siya dapat pero bakit hindi niya ako kilala? Wala siyang tiwala sakin. Gusto ko siyang sumbatan pero pinipigilan ko na lang. Kasi gusto ko pa rin siyang respetuhin kahit parang unti-unti ng nawawala lahat...

"Sinong nagbigay sayo ng kwintas na yan? Kaibigang lalaki yan no?"

Miss AstigWhere stories live. Discover now