Fifteen

60.2K 868 54
                                    

_____________________________________________________

Nang dumating ang Lunes ay kating-kati na ako maglunch para makausap si Charlie.

Kinaladkad ko agad si Chan-Chan sa canteen. Kaso parang tila wala naman 'to sa sarili ngayon si Charlie. Mukhang puyat at ang laki lang ng eyebags. Galing daw ito sa clinic at natulog. Eh?

 

"Bespren, nakatulog ka ba ng maayos kagabi? Mukha kang namatayan eh. Ampangit mo lang ngayon. Wuyyyyyy!" Kunot-noong tanong ko dito. Tiyak akong may bumabagabag dito.

 

"Ayos lang. Ansakit ng ulo ko eh, hehe." Paos pa din ang boses nito at kinusot-kusot pa ang mga mata.

 

"Ano bang ginawa mo kagabi? May problema ba? Mukha ka lang ewan dyan. Parang... wala ka pa yata sa sarili?" Tinignan ko 'tong mabuti.

 

"Hehe, nag-inuman ulit kami nila Kuya, hehe."

 

Hindi ko napigilan ang batukan 'to sabay ang pagmugalat ng mga mata ko. "Gara! Yabang mo pang magsalita ha?! Kailan kapa natuto niyan? Bakit ka uminom? Magsabi ka ng totoo kung ayaw mong masaktan. Pumapatol ako... pumapatol ako ng.." Banta ko ditong nanantiya.

 

Kinamot lang nito ang ulong binatukan ko. "Wala, pinapasaya lang ako ng mga kuya ko, hehe. Pero ok na ko," ngiting-ngiti pa 'to. Pero hindi eh. Alam kong may problema. Nagflashback yung scene na nakita ko si Nile na may kausap na magandang babae.

 

"Si Nile ba?" Lumambot ang ekspresyon ng mukha ko.

 

"HA?! Bakit naman napunta sa kanya? ‘Yaan mo lang ‘yun. Masaya na ‘yun, hehehe. Gusto kong kumain ng halo-halo." Sabi na nga ba. Napabuntong-hininga na lang ako.

 

"Hayss. Tara. Yun lang ba gusto mo? Wala ka na ibang gustong gawin? O kainin?" Tanong ko dito. Gusto ko kasi siyang libangin. Ewan ko lang. Kahit hindi niya sabihin, alam ko, gusto niyang maibsan ang lungkot na nadarama niya.

 

"Ahhh.. gusto ko ng.. special halo-halo. Tas... Timezone tayo mamaya hehehe." Bilib pa rin ako kasi pinipilit niyang ipakita na okay lang siya.

 

"Sige. Hintayin mo ko sa labas ng room mamaya. Papahatid na lang kita sa bahay niyo. Okay lang sayo gabihin tayo? Papaalam na lang kita ah," ngumiti ako dito.

 

"Yahey!!!! Tenkyu!" Niyakap ako nito at ngumuso para akmang hahalikan ako sa cheeks.

 

Syempre tinulak ko siya. Ew ha. "Anuba?! Naalibadbaran ako. Hahahahaha."

 

"‘To naman! Parehas naman tayong babae ah!"

 

"Hindi ako sanay kaya tumigil ka diyan."

 

"Tss. O di wag. Si Chan-Chan na lang.. HAHAHAHA," sagot nito.

 

Miss AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon