Fifty Two

46.2K 695 153
                                    

____________________________________________________

"M-Ma'am..."

Napalingon ako sa receptionist na kanina ay tinaasan pa ako ng kilay. Hilam pa rin ang luha sa mga mata ko. Alam kong namumugto na din iyon.

Pero huwag siyang magkakamaling magmaldita dahil babangasan ko na talaga siya.

Nagulat ako sa sunod na sinabi niya sakin.

"S-Sinisante po ako ni Mr. Kwok, b-baka po..."

Doon ko lang napansin na galing din ito sa pag-iyak. Saglit akong lumapit sa information desk at pumilas ng papel sa log-in sheet bago nagsulat doon.

 

Don't fire her. -Louie Antoinette

"Give this to him." Pagkatapos iabot sa kanya ang papel ay hindi ko na hinintay ang sagot nito. Mabilis akong lumabas sa gusaling iyon at nagdrive pauwi ng bahay.

I texted Kuya J na siya na ang magpasok ng kotse niya sa loob ng bahay dahil iniwan ko iyon sa labas ng gate. Sinabihan ko din ang mga katulong na huwag akong tawagin sa hapunan dahil busog pa ako.

But the truth is... I'm just crying the whole time.

Sobrang bigat pa rin ng dibdib ko. Nailabas ko man ang ilang bagahe na dinadala ko pero parang meron pa rin. Alam kong kailangan kong kausapin si Hiro. Pero hindi muna ngayon. Baka masaktan ko lang talaga siya sa laki ng galit ko sa kanya.

Napahagulgol na naman ako. Nakaupo lang ako sa isang sulok ng kwarto habang yakap ang mga binti. Umiiyak, nakatingin sa kawalan, tulala...

Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Kung hindi ko pa naramdaman ang pananakit ng katawan ko sa posisyon habang natutulog baka hindi pa ako lumipat sa kama. Pero padapa lang akong humiga habang hilam pa rin ang mga luha.

Maya-maya ay nagring ang phone ko. Hindi tumitinging sinagot ko iyon.

"Hello?"

"Anak, gising ka pa ba? Ba’t malat ang boses mo?"

Napahagulgol na naman ako.

"Ma... M-Mama…"

Bakit parang may gripo lang ang mga mata ko? Ilang oras na yata akong umiiyak pero parang hindi nauubos ang luha ko. Napapagod na ako kakaiyak.

"Anak, umiiyak ka ba? Ano'ng problema? Kaya pala masama ang pakiramdam ko, sabi na nga ba."

Mahina akong natawa sa sinabi ni Mama. Pilit kong pinigilan ang paghikbi habang patuloy na namamalisbis ang mga luha ko sa pisngi.

Bakit ganun? Totoo pala na minsan, nararamdaman ng mga magulang natin kung nasasaktan nga ang mga anak nila noh?

Miss AstigOnde histórias criam vida. Descubra agora