Thirty Two

50.6K 747 91
                                    

_____________________________________________________

From Ray: 

Idol, pwede bang tumawag? Hehe. :)

To Ray: 

No.

From Ray: 

Ay. Sorry ha? Nakakaistorbo yata ako. :'(

Ang drama naman nito. Sapatusin kita eh hahaha.

To Ray: 

De joke lang. Ano ba sasabihin mo na hindi kaya sa text? :)

From Ray: 

Ano kasi. Gusto ko lang marinig boses mo. :)

To Ray: 

Wala akong boses ngayon. Kakatapos lang kasi ng concert namin kanina. Naubos na. :P

Sa ayoko tumanggap ng tawag, bakit ba. Hehe.

From Ray: 

Hala? Concert saan? Ba't di ko alam yon? Ay ganun ba? Sige, text text na lang tayo. :)

To Ray: 

Sa banyo. Hahaha. Ok. :)

Mga isang linggo na din kaming magkatext ni Ray. Ewan ko ba bakit natutuwa ako sa isang 'to. Sobrang bait kasi. Tos itsura niya pa lang natatawa na ako. Pag magkatext kami, napapangiti na agad ako kasi naiimagine ko yung itsura niya habang nagtetext.

Parang... hehe.

Sabihin niyo masama ako eh.

Basta kasi, parang... Don't judge me basta ha?

Parang ano.. Parang ang gullible niya.

Sige na nga. Utu-uto sa tagalog. Hehehe. Peaaace!

Kahit kasi ano ang sabihin ko pinaniniwalaan niya, kahit ano ang papagawa ko gagawin din niya. So ano tawag mo dun di ba? O baka sadyang mabait lang talaga siya? Ewan.

Pero promise nag-eenjoy akong kasama si Ray. Wala naman dapat akong balak sumama sa kanya beside texting kung hindi lang busy minsan si Chan-Chan sa pagiging officer sa student council. Bakit kasi naging Vice pa yan. Tos eto namang si Charlie, ewan ko bakit biglang nag-iinarte. Isang linggo ba naman akong hindi sinasama maglunch? Iniiwasan ba niya ako? Problema nun?!

Nakakainis. Tuwing aayain kong maglunch, lagi si Mason ang reason niya. Pag napuno na talaga ako kakausapin ko yang kapatid niya. Ba't niya inuutusan si Charlie?! Di ba may mga officers siya?! Tsaka... dapat kasi. Isali niya din ako para masaya. Hehehe. Naiiwan tuloy akong mag-isa. Nakaka-BV.

Miss AstigWhere stories live. Discover now