Forty Eight

47.9K 756 114
                                    

____________________________________________________



Buwan ng Oktubre ng mapansin ko ang papadalas na pagpapadala ng mensahe ni Hiro.



Actually, kaka-miscall lang din niya ngayon ngayon lang.



Onga pala. Nabigay ko ang number ko sa makulit na lalaking 'to. Ang tanging lalaking kilala kong malakas mang-asar kay Charlie.



Sa ilang messages kasi na pinapadala niya simula ng ibigay ko ang number ko dito ay wala pa akong ni-replayan kahit isa.



Busy ako nun eh, bakit ba. Tsaka nagpo-focus talaga ako sa UPCAT ko that time. Alam niyo kung gaano ka-importante sakin iyon.



Maya-maya ay umilaw muli ang phone ko. Nagtext si Hiro.



From Hiro:

Busy ka pa ba?



Napakunot noo ako sa nabasa. Makatext kala mo gabi gabi kami nagpapalitan ng messages ah.



Nasa kwarto na ako at kakatapos lang gawin ang mga takdang-aralin kaya nagbabasa na lang ako ng Deception Point ni Dan Brown. Matagal ko na kasing gustong tapusin ang librong 'to. Ngayon lang ulit nagka-time.



Tinapos ko muna ang isang chapter bago ako nagtype ng reply.



To Hiro:

Why?



Nagreply ito agad.



From Hiro:

Aayain sana kitang kumain sa labas. :)



Nangunot muli ang noo ko habang nagrereply.



To Hiro:

Why?



Matagal na sandali bago ito nakareply.



From Hiro:

Ayaw mo ba? :)



Ikaw pa talaga demanding pre? Syempre hindi naman tayo close, ba't tayo lalabas? Kaya nga nagtatanong eh.



To Hiro:

What's the occasion?



From Hiro:

Birthday ko.



Ows? Eh bakit ako?



To Hiro:

Celebrate it with your parents.



From Hiro:

They don't have time. As always.



Na-guilty naman ako bigla sa reply niya. Bakit feeling ko nasaktan ko siya sa tanong ko?



Napareply tuloy ako agad.



To Hiro:

Why me? I mean, ako lang ba inaya mo niyan?



From Hiro:

Yes. And I don't know either actually.



Matagal kong tinitigan ang screen ng phone ko bago tuluyang isend ang kanina ko pang balak ireply sa kanya.



"Bahala na nga."



To Hiro:

When?



Mabilis ang naging pagreply nito sa tanong ko na yun.



From Hiro:

This Saturday?



Napaisip ako. Galing ako ng self-defense class ko nun. Hmm.



To Hiro:

I'm available around three in the afternoon.

Am I required to bring you a gift? Kasi wala akong pera. :)



Mabuti na ang klaro at honest from the start. Baka mamaya mag-expect 'to eh.



From Hiro:

That's awesome! No. Hindi na kailangan.

Where will I pick you up?



To Hiro:

Mabuti naman.

Sa Uste na lang.



From Hiro:

Okay. See you then. :)



Hindi na ako nagreply. Feeling ko talaga naghahanap lang ng kausap ang lalaking 'to eh.





***





Nagpaalam ako kay Tita na may pupuntahan akong birthday after ng Aikido class. Pumayag naman ito at sinabing basta umuwi lang ako before 9pm. Natawa pa ako kasi medyo late na ang curfew ko ngayon. Dati kasi hanggang 6pm lang. Tsaka, I'm sure hindi naman kami aabutin ng gabi ni Hiro. Kakain lang naman eh.



Nang makarating na kami ni Tatay Tonyo sa gate ng school, I suddenly feel nostalgic. Naalala ko na naman kasi ang huling paglabas namin ni Aidan. Ito din yun di ba? After ng Aikido class ko. Ang kaibahan lang, si Hiro na ang kasama ko ngayon.



May magho-holdap pa kaya sakin? Hahaha.



Hanggang ngayon wala pa ring nakakaalam sa bahay tungkol sa nangyari sakin noon. At wala pa rin akong balak sabihin sa kanila iyon.



Alam kong 30 minutes early ako kay Hiro kasi 2pm kami umalis ni Tatay sa training center ko at nakarating kami ng 2:30 sa Uste.



Pero punctual din si Hiro. He arrived 10 minutes after ng pagdating ko. Mabuti na lang umalis agad si Tatay kaya hindi nito nakita ang isa.



When he stepped out of his car he's driving and took off his shades ay hindi ko napansing mataman ko na pala siyang tinitignan. I really have this weird way of observing people.



How old is he again? And he's driving a Sportivo already? Kahit student license pa yun we should have an adult supervision.



"Akala ko nauna na ako sayo, mas punctual ka pa pala. Tara." Binuksan nito ang pintuan ng passenger seat.



"Saan tayo?" Tanong ko dito habang byahe.



"You like seafoods? Dampa tayo."



"Cool. Sige. By the way..." Kinuha ko ang 6x12 canvas na nakarolyo at binigay sa kanya. "Happy birthday. Ilang taon ka na?"



"Wow thanks! Nag-abala ka pa. Fifteen."



"Welcome. Advance ka pala?"



Nagkibit-balikat ito. "Nagmamadali sila eh."



Nang makarating kami sa dampa ay hindi muna ito bumaba. Binuksan nito ang nakarolyong canvas at tumambad sa kanya ang isang landscape ng hardin. It's actually an orchard. Hindi ko naman alam kung ano mga hilig nito kaya iyon na lang ang pininta ko.



"Oh wow! Nagpipinta ka din?!" Bulalas nito.



Napalingon ako bigla sa sinabi niya. "Ikaw din ba?"



"Yup. Oil painting and pastels are my medium. Ikaw ba?"



"Kahit ano actually pero madami din akong oil paintings. Patingin naman ng gawa mo minsan."



Interesado talaga akong makita ang gawa niya. This is the first time na makakilala ako ng taong may kapareho ko ng hobby.



"Sure! Actually may ibibigay din ako sayo. Kaso hindi ko pa natapos yun eh. Hayaan mo. Kina Charlie ko kasi inumpisahan yun at hindi ko pa natapos. Ibibigay ko sayo bago matapos ang school year."



I just murmured the word 'Okay' and smiled at him. Kahit na-excite talaga ako sa sinabi niya. Wow. I just met a person who has the same interest like mine. How cool is that!



Masaya kaming nag-usap ni Hiro habang kumakain. Nakakatuwa talaga kasi pareho din kami ng mga hilig na pagkain. Katulad ng seafoods nga. Paborito niya din ang crab at shrimps. Pareho na nga kaming nagkakamay at maganang kumakain eh.



Kung anu-ano lang ang pinag-uusapan namin actually. Mahilig pala talaga siya sa art. Sinabihan ko din siyang turuan niya akong mag-origami dahil hindi pa ako marunong gumawa nun.



"You don't know how to play a guitar?" Tila gulat na gulat na tanong nito.



"A bit. Isang music lang ang alam kong tugtugin. Madali lang kasi ang chords nun. Walang sharps haha. Turo ni Charlie."



"I'll teach you how. I'm sure madali ka lang turuan," nakangiting saad nito.



"Cool. Cool. I like that." Charot lang, baka sapakin ako ni Charlie kapag nalaman niyang nagpaturo ako sa kolokoy na 'to hahaha.



But he's really a sweetheart.



Masaya namang kausap si Hiro. He's actually sweet and very generous kaya napaisip din ako kung bakit hindi niya makasundo si Charlie.



Maya-maya ay sabay pa naming sinipat ang relong pambisig. Alas singko pa lang naman.



"Na-bobore ka na ba? O baka gusto mo ng umuwi?" Nag-aalalang tanong ni Hiro sakin.



Honestly, hindi talaga ako na-bore kasama siya. Ayaw ko pa ngang umuwi eh. Tsaka kumportable ako sa presensiya niya.



"Hindi pa naman. I was told to be home before 9pm," nakangiting pahayag ko dito.



Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun pero parang ayoko pa naman talagang umuwi.



"Talaga? So uhm. Nakapunta ka na ba ng Antipolo?"



"Nope. Hindi ako magala eh. Why did you ask?"



"Maganda kasi dun. Overlooking ang buong Manila. Gusto mo ba makita?"



"We're in Manila. Baka-"



"Mabilis lang naman. If you'll just trust me."



Tinignan ko siya ng mahabang sandali bago nagsalita. "Just make sure I'm home by 8:30."



"Yes!" Napasuntok pa talaga ito sa hangin sa sinabi kong iyon. Napangiti na lang ako dito. For a rich kid, ang dali dali naman niyang i-please.



Nakarating kami sa dalawang palapag na Western inspired na bahay. Doon ko lang napansin na may nakasunod pa palang dalawang sasakyan habang bumibyahe kami ni Hiro. Pagkatapos kasi nitong i-park ang Sportivo ay sumunod na pumasok ang dalawa pang sasakyan. Nakapagtatakang hindi man lang ako nakaramdam ng pagkabahala sa ideyang iyon. Pero saglit na napakunot noo ako ng makita ang isa pang sasakyan sa loob ng bahay. I'm just looking intently to this particular black sedan. Alam ko namang maraming ganoon sa Pilipinas pero...



Weird.



"Louie?"



Napalingon ako kay Hiro at nakita kong nasa front door na pala ito. Mabilis akong sumunod sa kanya habang pasimpleng inilibot ang mga mata sa kabuuan ng bahay.



Ang ganda ng pagkakagawa ng disenyo. Hindi masakit sa mata. But obviously, halatang panlalaki ang interior.



Sinalubong kami ng mga unipormadong mga kawaksi at ilang bodyguards. Nag-offer pa ng pagkain na magalang kong tinanggihan. Baka maimpatso na ako kakakain niyan haha.



Pero seriously, ba't ang dami naman yata masyado ng bodyguards ng lalaking ito?



Gaano ba ka-importante ang isang Lloyd Hiro Ang?



"Nandito ba parents mo?" Tanong ko ng makapasok na kami sa loob. And just like what it is outside, the whole place is exquisite.



"Nope. Nasa bahay sila sa Manila."



"Sino'ng nakatira dito? Bahay niyo din ba 'to?"



Tila pinag-iisipan nito kung sasagutin ang tanong ko.



"This is my Dad's gift actually. Last week niya lang nabigay yung susi ng bahay. Nabanggit ko kasi sa kanya dati na gusto ko ang view dito sa Antipolo. Relaxing... Serene... Kaya siguro naisipan niyang i-regalo sakin."



Tumango-tango ako. Wow. Bahay ang gift. Fifteen pa lang 'to ha.



Hindi naman siya mukhang nagyayabang nang sabihin niya iyon. Parang normal lang talaga siyang nagsasalita. Halatang sanay na din itong makatanggap ng ganoong klaseng regalo dahil parang balewala lang sa kanya ang pagkakaroon ng bahay. Kung ako yun baka mapanganga talaga ako. It's a property anyway.



"Kung may bahay kayo dito, bakit sa La Union ka pa nag-aral?"



"Oh that? Maloko nga kasi ako. Punishment ni Daddy."



Hindi na lang ako nagkomento. Baka ano pa masabi ko dito eh. Mayayaman talaga oh.



He offered to tour me around the house kaya saglit din kaming umikot. Maganda talaga. At bagay na bagay sa personality nito. Nakarating kami sa rooftop ng bahay. May mini pool doon at maliit na tent na pandalawahang tao.



Mula sa rooftop ay tanaw nga ang buong Manila. Nakakatuwang tignan ang mga maliliit na ilaw na parang bituin. Hindi ko mapigilan ang hindi mangiti sa magandang tanawin.



The place is totally free from air and noise pollution of Metro Manila. Maganda nga dito, grabe!



Hindi talaga ako nagsisi na sumama ako sa kanya.



Oh well baka mamaya pa? Hahaha.



"Mabuti hindi ka natakot na sumama sakin. I mean..." Pagbabasag ni Hiro ng katahimikan.



Nagkibit balikat ako dito. "Onga eh. Hindi ko din alam. I don't usually go out with guys. First time ko ding lumuwas sa labas ng Manila na lalaki ang kasama. Pero ewan ko, magaan ang loob ko sayo. Mukha ka namang mabait. Tsaka yung fact na ilang linggo ka din naman kina Charlie, I think enough reason na sakin para isiping hindi ka masamang tao."



Ngumiti naman ito sa sinabi kong iyon. "I want to be honest with you Louie. Alam mo naman sigurong gusto kita. O-Okay lang ba'ng ligawan ka?"



Mahina akong natawa sa narinig habang napatakip sa bibig ang isang kamay. Syet langs. Hindi naman ako demure pero bakit naging mahinhin yata sa pandinig ko ang sariling tawa? Hahahaha.



Ganito ba talaga pag sobrang yaman ng kaharap mo? Nagshi-shift bigla? Arte lang? Hahahaha.



"Bakit ka natawa?" Naguluhang tanong ni Hiro.



Bakit nga ba? Ahhh. Kasi naalala ko sa kanya si Ray. Ewan ko. Hahahahaha.



Umiling ako dito at pinilit supilin ang pagtawa. "No offense but are you really sure about your feelings? Kasi kakakilala mo pa lang sakin. Honestly, I don't see you that way. Kung magaan man ang loob ko sayo dahil gusto lang kitang maging kaibigan siguro."



Saglit na bumalatay ang sakit sa mukha nito bago natawa ng marahan. "Aray. Ang sakit nun ah. Hahaha."



Ngumiti ako dito. "Ayoko na kasi magsugart-coat. May... nakamisinterpret na din kasi ng pagiging masyado kong friendly kaya gusto ko maging honest talaga from the start."



Sino ba? Si Keira? Si Ray? Ayoko na madagdag ka pa sa listahan Hiro.



Tumango-tango naman ito. "Ah.. Have you ever had a boyfriend?"



Humagalpak na naman ako. Naalala ko na naman si Ray. Hahahaha. Peer pressured ako nun eh. Counted ba yun? Hehehe.



"Bakit?" Naguluhan na namang tanong ni Hiro.



Takte baka akala nito nabaliw na ako hahahaha. Ano ba kasing mga tanong yan!



Pinilit ko namang magpakaseryoso at sinagot ito. "Wala lang. Eto na lang sagot ko. I've fallen in love and... Had been heart broken too. Dumating din ako sa stage na naglupasay, ilang araw na iyak ng iyak, yung ganun? Hahaha. Kaya medyo cautious lang siguro ako this time. Bukod sa priority ko talaga ang pag-aaral..." Napalatak ako ng may ma-realize. "Grabe, I don't know why it's easy for me to pour down my thoughts..."



Seryoso. Bakit panatag masyado ang loob ko sa kanya? What is it with this guy?



Ngumiti naman ito sakin. "Hindi naman ako chismoso kaya ayos lang yan hehehe."



Naghari na naman ang saglit na katahimikan ng magtanong ito.



"Pinipressure ka din ba ng parents mo na magtop sa klase? Kasi ano eh. Masyado kang achiever."



Nagstuck-up talaga ako sa tanong niya. Tapos maya-maya natawa na naman ako.



Nababaliw na nga yata ako. Hahahaha.



"Yun ba? Hahahaha. Yung totoo? Hindi nga eh. Ewan ko kung normal yun ha pero ni minsan hindi ko narinig kina Mama na kailangan kong magtop or ano. Kaso it's just me eh. Ako ang may problema. I have this attitude na gusto kong magaling ako sa lahat. Yung alam ko lahat? Na nag-eexcel ako sa lahat? Yung ganun. I'm so afraid of rejections, of committing a single mistake... I guess I'm too perfectionist... in short, atelophobic ako..."



Hindi siguro nito napansin ang biglang pagshift ng boses ko kasi bahagya pa itong natawa nang magsalita.



"Bakit ganun? Palit na lang tayo ng parents? Hahaha." Maya maya ay ngumiti ito. "Mahal na mahal ka siguro ng mga magulang mo. Ako kasi si Mommy lang yata ang... Tapos si Daddy naman... hays."



Nang banggitin niya ang mga magulang niya ay naramdaman ko nang something is wrong. Bakit ganun? I feel like...



Kaya pabiro din akong nagsalita.



"Ano ba yan, may family issue ka din? First time kong makarinig na gusto nila magkaroon ng family na katulad ng family ko ah. Hahaha. Hindi mo pa alam ang buhay ko Hiro. Sige I'll tell you a little secret. Yup, I have a very loving mother. She's the best mom in the world. Pero... lumaki ako na walang ama. Wala pa akong kamuwang muwang sa mundo ng iwan niya kami ng Mama ko at pinagpalit sa ibang babae. Gara no? Ayaw niya kasi ng babaeng anak eh. You know... Those typical shits of Chinese tradition..." Naramdaman ko na lang ang biglang pangingilid ng luha ko.



Fuck. "Sorry ha, naiiyak talaga ako sa inis kapag naaalala ko yun eh. Kaya siguro atelophobic ako. Kaya..."



Nakakatuwa lang dahil parang hindi naman niya alintana ang pagda-drama ko. Ewan ko pero feeling ko naiintindihan niya ako. Kasi nakatingin lang siya sakin sympathetically. Parang hindi din niya alam kung hahawakan ako o ano.



"Understood naman eh. Syempre you've been through a lot. Siguro naman nagsisisi na siya ngayon. I mean, your Dad. Hindi ko lubos maisip na kayang gawin ng Papa mo yun sa inyo. Baka may malaking rason siya bakit niya nagawa yun? Wala pa rin ba kayong communication?"



Napamura talaga ako sa sinabi niya. "Tangina ha! Ano'ng rason naman yun?! Sorry for that... Excuse my French. Hahaha."



Natawa naman ito sa sinabi ko.



Shucks. He's barely a stranger pero bakit hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng nararamdaman ko? Yung tipong everytime na may sinasabi ako unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko? Yung parang nababawasan ang bigat ng kalooban ko? Hindi ko alam bakit ganito ang epekto ng pag-uusap namin. It's like a therapy or something.



Malalim na buntong-hininga ang naging katugon sa huling pahayag ko kay Hiro.



"What's that for? Ikaw ba, what's your story? Uy wag mong pansinin ang pag-iyak ko, akala lang talaga ng iba matapang ako pero balat-sibuyas din ako. Pero huwag mo na lang ipagkalat ha? Hahaha."



Tae. Ako pa may ganang matawa sa sitwasyon ko.



I'm pretty sure I look like a monster as of this moment hahaha.



"Hahahaha. Sure."



Maya-maya ay narinig ko na naman ang malalim na buntong-hininga nito. Akala ko nga hindi na siya magsasalita eh.



"Ako? Ewan ko. Siguro nga I should be thankful dahil lagi silang nandyan. I mean, sabi mo nga diba lumaki akong nandyan sila. Pero katulad mo, parang wala din akong ama."



Napakunot noo ako sa sinabi niyang iyon. "Huh? Physically present pero emotionally absent? Ganun ba pag business person ang parents? I mean, feeling ko lang ha kasi mayaman kayo eh. Baka kako negosyante mga magulang mo."



Malungkot na ngiti ang sinukli nito sa sinabi kong iyon. A smile of confirmation.



"You could say that. Alam mo yung feeling na kahit ano gawin mo hindi pa rin niya na-aappreciate ang effort mo? Kaya aminado akong naging problem child ako. Kasi wala silang time lagi sakin. Gumagawa na lang ako ng way para mapansin nila. Cutting classes, engage in some fights, mga ganun naman gawain ko dati. Si Mommy, oo, minsan may time. Pero si Daddy? Parang ang layo niya samin ni Mommy. Parang... hindi kasi pamilya ang trato niya samin. Ewan ko. Ngayon medyo lumambot lang siya ng konti... para lang ako laging nakikiamot ng oras niya. Tapos parang nakikipagkompetensiya ako sa taong hindi naman nag-eexist sa buhay namin."



Na-curious naman ako bigla sa sinabi niya. Hindi ko tuloy di mapigilan ang hindi magtanong. "Ano ibig mong sabihin?"



Nang lingunin ko siya ay nagulat ako sa nakitang ekspresyon ng mukha niya. Gone were the boyish playful look. I am seeing a different Hiro.



A broken Hiro.



And my heart wanted to weep for him with no apparent reason.



"Basta... Para kaming robot kung tratuhin niya tapos yung Siobe..."



Sa pagkakaalam ko, Siobe is a Chinese word na ang ibig sabihin ay bunsong anak na babae. "Sino si Siobe?"



Pumiyok ang boses nito ng sagutin ang tanong kong iyon. "Anak niya..."



Wait, medyo naguluhan naman ako bigla. "Edi kapatid mo yun di ba?"



"Sa ama..."



Sabi na nga ba halos magkapareho kami nito eh. That's why naiintindihan namin ang isa't isa. That's why it's easy for us to share our feelings and thoughts. That's why.



"How does it feel?" Interesadong tanong ko sa kanya. I'd like to know kung parehas din kami ng saloobin sa sitwasyon.



"Na may kapatid sa ama? Hindi ko pa naman nakilala yun eh. Pero masakit syempre. Kasi halatang mahal na mahal siya ni Daddy." Napangiti ito ng mapakla ng saglit na may maalala. "Imagine his fury when I accidentally broke the glass frame of her portrait when I was a kid? Hah. Grabe. Hindi ko talaga siya maintindihan minsan. Sunod nga ako sa luho deprived naman ako sa kalinga ng magulang. Nakakatawa no? Mag-isang anak lang ako pero still... Ang lungkot lang kasi. You have no one to vent out your emotions..."



Tama siya. Ganyan din kasi ako. Kahit naman may mga pinsan ako hindi din naman ako nagshe-share ng feelings ko sa kanila.



"Uy thanks pala, ngayon lang nagyari sakin 'to. It's like a therapy or something," nakangiting pakli nito. Nakita kong bahagya nanubig na din ang mga mata niya.



Hinawakan ko ang mga kamay niya at bahagyang pinisil. Tumawa ako upang maglighten naman ang atmosphere ng biglang may naalala akong itanong sa kanya.



"Same here Hiro. You just don't know how this conversation made me feel. Wait, hindi mo pa nakita ang Siobeng 'to?"



Umiling ito. "Nope."



Tumango-tango ako. "Paano kung..."



Tila nabasa naman agad nito ang nasa isip ko. "Makita ko siya? Naisip ko na din yan. Nung una sinumpa-sumpa ko pa. Hahaha. Pero sa isip ko lang naman. Naiinggit lang talaga kasi ako. Galit na galit talaga ako nung malaman ko. Ang unfair lang kasi. Nandun naman kami pero parang mas mahal niya talaga yung Siobe. Pero ngayon? Ayoko muna. Hindi ko pa talaga siya matanggap eh. Kasi ngayon lang din kami nagiging close ni Daddy. Though feeling ko he's supporting her naman."



So bale sa ibang bahay yung Siobe?



"Ah... mabuti hindi niya naisiping tumira sa mansyon niyo?" Nakangiting tanong ko maya-maya.



Masyado na yata akong chismosa? Kelan pa Louie? Hahaha.



Tumawa na naman ito sa sinabi kong iyon. "Magkaka-heart attack talaga si Mommy nun! Hahahaha. Teka, paano pala ikaw?"



Literal na tinuro ko ang sarili sa sinabi niya. "Huh? Ano'ng ako?"



Tumango ito. "Edi may kapatid ka din sa Papa mo? Paano kung biglang balikan kayo at pinakilala ang kapatid mo? Matatanggap mo ba siya?"



Hindi na talaga ako nag-isip sa tanong na iyon. "No. Wala akong tatanggapin kahit sino sa kanila. Tsaka imposibleng magkabalikan sila ng Mama ko. May sariling pamilya na si Papa. I'm pretty sure hindi na sila maghihiwalay ng asawa niya. Feel ko lang. Tsaka sana huwag na kaming guluhin kasi ayos na ako sa buhay ko ngayon."



Napangiti ito sa sagot ko. "Talaga? Ayos lang sayo kahit..."



"Walang ama? Oo naman. Sanay na ako. Dati nga wala din si Mama eh. Nasasayo lang naman kung paano mo i-take ang mga bagay. Ayoko magrebelde. Wala naman akong makukuha dun eh. Instead, gusto kong maging motivation yun para maging successful at ipakita sa kanila sa huli na nagkamali siya ng ginawa niyang pag-iwan samin ni Mama. Para magsisi talaga siya ng bongga hahaha."



Pareho na naman kaming natahimik pagkatapos. Nang tignan ko ang oras ay alas otso na. Magbabyahe pa pala kami pabalik ng Manila. Pero ayos lang. Magtetext na lang ako sa bahay.



"I really admire you kaso..."



Napalingon ako sa sinabi niyang iyon at napangisi. "Ayoko sayo? Hahahaha."



Kumindat si Hiro sakin kaya pinitik ko ang ilong niya. "Let's be friends Hiro."



Takte parang mga linya ko lang talaga kay Ray ah. De ja vu? Hahahaha.



Umiling-iling naman si Hiro. "Ayoko nga. Hahaha."



"Baliw. Tara uwi na."



"Magugustuhan mo din ako hahahaha." Pamimilit nito habang pababa kami ng bahay nila.



Tinignan ko lang siya ng nakakaloko. "Sige lang, libre mangarap hahahaha."



Pero isa lang napagtanto ko ngayon: Lloyd Hiro Ang is not as dense as what everyone thinks he is.



That sometimes, those people who look so happy have the darkest secret.



That behind a gleeful facade lays a broken person.



That some smile isn't as true as you think it is; they're smokescreens, trying to hide every pain inside.



And Hiro and I are just like those persons.



We are broken entities; trying to survive, trying to fit in, and trying to be happy.

Miss AstigWhere stories live. Discover now