Seventeen

59.2K 929 106
                                    

____________________________________________________

Sabado kinabukasan, inaya ako ni Mama mamasyal sa mall kaya absent muna sa self-defense classes.

Sa totoo lang hindi naman ako mahilig magmall eh. Mas trip ko sa bahay pero ewan ko bakit na-excite ako kahit papaano. Pagkatapos naming magheart to heart talk ni Mama kagabi ay tila na kami magkaibigan ngayon. Grabe. Ganito pala ang feeling ng may nanay? Yung kasama mo siyang nagmo-mall? Kasama mong nagsha-shopping? Yung pwede ka maglambing ng gusto mong bilhin? Ito pala yun.

Naiintindihan ko na yung kwento ng iba kong mga kaklase pagnagsha-shopping sila kasama ang Mommy nila. Masaya nga. Kasama mo siyang sumusukat ng damit at nagbibigay siya ng opinyon habang pumipili ka ng gamit na gusto mo. Nakakainis na nakaka-amuse at the same time. Hindi ko mapaliwanag pero kahit nangangapa pa ako, nag-aadjust, nahihiya... pero sobrang saya ko naman. Priceless. Walang katumbas ng kahit ano ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Hindi na namin namalayan ang oras. Ang dami kasi naming ginawa magkasama. Nagpa-spa kami. Nagpapedicure/manicure where in napilitan lang talaga ako. Bahala na. Nanood din kami ng movie. Yung Iron Man 3. Astig, kala ko Romance yung trip ni mother eh, ayoko pa naman ng mga ganun. Hahahaha. Tapus kumain kami sa Super Bowl, isa sa mga paborito kong fine dining, na paborito din pala niya. Hmm. Sa kanya ko siguro namana ang pagiging food buff. Mabuti na lang wala kaming lahing tabain. Lastly, sinamahan niya akong magbabad sa Timezone! Nagshooting din siya, nag-arcades, dance maniax, car racing, speed of light at nag-4D kami. Grabe, tuwang-tuwa talaga ako ngayong araw. Halos hindi ko maramdaman ang pagod. Hehehe.

Bago umuwi dumaan muna kami sa Gong Cha para bumili ng paborito kong Winter Melon Milktea. Nagtext pa si Charlie at nagtanong kung ano ang ginagawa ko kaya nasabi kong namamasyal kasama si Mama. Gusto pa nitong magpakwento kaya sabi ko sa Lunes na lang.

Halos isang buwan lang pala ang bakasyon ni Mama kaya naman sinusulit niya ang mga araw na pwede kami magkasama. Sasama din daw siya kay Tatay Tonyo sa pagsundo sakin sa school. At nung gabing yun,  doon niya pinasyang matulog sa kwarto ko.

"Nak, nagka-crush ka na siguro sa school noh?" Sabi nitong may nanunudyong ngiti sa labi. Nakahiga kami pareho sa bed ko pero nasa isang braso niya ako nakaunan habang sinusuklay ng kamay nito ang maiksi kong buhok samantalang naglalaro naman ako ng tekken sa PSP.

Bahagya akong kinabahan. Natalo tuloy ako ni Azazel. Si Mama kasi eh! Baka malaman nitong si Aidan, hindi pa naman ako handang magshare. Pano naman pag nalaman niyang si Aidan yung nagbigay ng kwintas? Baka sampalin na naman ako bigla. Hahaha.

"Ma, I don't wanna talk about that kind of stuff, ayun sina Kuya kausapin mo sa mga ganyan, ang daming girlfriends. Kaka-first year ko lang po," paglilihis ko.

"Asus. Wala namang kaso magka-crush eh. Basta alam mo lang na priority mo ang studies mo."

Nilukot ko lang ang ilong ko. "Oo na po."

"Ma, tigilan mo nga yang kakasuklay mo sa buhok ko, inaantok lang ako eh!" Napapapikit kasi ako sa ginagawa niya eh, alam naman niyang naglalaro. Tss.

"Ba't nga pala ang iksi ng gusto mong gupit?" Tanong nito.

Miss AstigWhere stories live. Discover now