Twelve

63.8K 1K 141
                                    

______________________________________________________

 "From the Freshmen Department, Miss Louie Antoinette Kwok!"

Masigabong palakpakan ang naririnig ko habang ako naman ay napapangiwi sa suot na sleeveless top at short shorts. Talagang bulaklakin pa ang style na napili ni Tita sa pagpe-present ngayon.  Kung hindi ba naman kabaduyan ang tawag dun, ano na lang? Naglakad na ako paakyat sa stage bago ko pa maisipang magback-out.

Kanang kamay sa bewang, wave ng mahinhin ang kaliwang kamay at matipid na ngumiti.

The hell. Kanina pa ako naiilang at ang sarap ng pagtutusukin ang mga mata ng mga lalaking animo'y ngayon lang nakakita ng babaeng naka-shorts at sleeveless top. O baka dahil kagula-gulantang lang talaga akong makitang naka-shorts? Tss. Nakakatamad na mag-isip. Kating-kati na din ang mukha ko sa make-up. Kahit pa sabihing 'light' lang daw yun. Bakit ba kasi kailangang sports attire na ganito kaiksi ang presentation ng contestants?!

"Woo! Woo! Bespren ko yan eh! Si Louie yan eh ahahahaha!" Narinig kong sigaw ni Charlie.

Talagang tinotoo nito ang MORAL SUPPORT na sinasabi nito... with all the tarpaulin and banner. May mga kinontrata pa yatang mga kaklase niya para humawak ng 'I LOVE YOU LOUIE' banner nito. Siraulong babaeng 'to. Hindi ko alam kung proud o ano, pagtatawanan ka pa talaga. Okay na sana yung 'bespren' eh. Katabi nito sina Chan-Chan, Nile at mga kapatid nito. Nakakahiya talaga kapag hindi ko ginalingan 'to.

Si Chan-Chan naman tila namatanda. Parang naengkanto ang itsura. Hahahaha.

Naalala ko tuloy yung itsura niya ng pinagsuot siya namin ni Charlie ng school uniform nito ng nakaraang linggo. Laughtrip talaga 'yun. Nagpauto din naman kasi si Chan-Chan dahil gustong magpa-impress kay Krystal. Pero sa totoo lang, ang ganda ganda naman talaga ni Chan-Chan noon. Napanganga pa nga ako eh. Mas mukha pang babae tignan samin ni Charlie 'pag inayusan.

Tomboy yata 'tong Krystal na 'to eh. Tingin ko naman talaga si Charlie type nito. Desperada din tuloy si Charlie na tulungan si Chang. Malamang asiwa na din sa atensyon bukod sa hindi siya makadiskarte ng sarilinan kay Nile dahil sunod ng sunod si Krystal dito. Hahahaha.

Hmm. Pero hindi ko masisisi si Chan-Chan kung natitigilan siya sakin ngayon. Kahit si Charlie kanina nagulat sa itsura ko. May laso pa kasi ako sa buhok. Yuck talaga. Para maging 'TOTALLY' feminine daw ang itsura ko sa buong durasyon ng pageant sabi ni Tita. Mabuti nga hindi muna ako pinagsuot ng wig. Iyon kasi ang naunang plano.

Pero sa contest proper na daw yun. Sana 'wag na talaga. Ang init init na nga. Ambigat pa masyado nung unang subok kong suotin ang wig. Ang daming arte ng pageant na 'to. Hindi ko napigilan ang mapabuntong-hininga. Hays.

Mabilis lang daw naman ang presentation ng contestants. Pero may question and answer portion nga lang. Mabuti na lang sanay naman ako sa tagisan ng talino. Hehehehe. Totoo naman eh. Wag nga lang spelling ha?

"From the Sophomore Department, Miss Clarisse del Rosario!"

May fans club din si Clarisse bukod sa nagtsi-cheer din ang buong Sophomores dito. Ang cute nga nito eh. Naka-curl ang buhok niyang itim na itim at naka make-up din. Naka suot ito ng ternong pink jersey shorts at top. Ang classy nitong maglakad.

Miss AstigWhere stories live. Discover now