Forty Nine

43.5K 745 155
                                    

___________________________________________________



Mabilis na lumipas ang mga araw.



Hindi ko nga napapansing nagiging close na kami ni Hiro. Hindi naman kasi siya talaga mahirap pakisamahan. Tsaka paano mo siya hindi mapapanatagan ng loob, madalas kasi itong bumisita sa school. Pag tinanong mo ako ng definition ng effort, si Hiro ang isasagot ko. Hahaha.



Minsan kakain kami ng fishball habang hinihintay si Charlie. Feelingerang pinuno noh? Kala mo naman mas busy pa sakin eh tinataon lang talagang tuwing uwian ang meeting hahaha.



Bukod sa madalas na panlilibre ni Hiro ay dinadalhan din ako nito ng kung anu-ano. Katulad ng origami na talagang pinagpuyatan niya pang gawin magdamag. Iba't ibang klase pa yun. Mga bears, birds, flowers, houses at kung anu-ano pa.



And I'm keeping them all. Ang cute kasi. Sarap talaga ikolekta.



Sometimes, he would compose a song and sing it with his guitar. Minsan tinuturuan niya din ako. And I won't deny that I'm enjoying his company everytime.



Hindi niya na binabanggit ang tungkol sa panliligaw niya sakin although makikita ko sa mga galaw niya ang pagigigng thoughtful at sweet. It's like kuntento na din siya sa ganun. Sa kung ano lang ang kaya kong i-offer sa kanya.



Cool, isn't it?



Kung gaano naman kagaan ang loob ko sa kay Hiro, siya namang inis ni Charlie dito. Hindi ko alam kung talagang hindi sila magkasundo o ang lakas lang talagang mang-asar ni Hiro kay Charlie. Actually minsan, natatawa na lang talaga ako sa dalawa. Tinutukso ko na nga ang mga yan baka magkadevelopan dahil sa asaran hahahaha.



"Crush mo si Charlie noh? Aminin mo na. Secret lang natin hahaha." Tanong ko kay Hiro na pasimpleng kinalabit ito pero hindi ko naman hininaan ang boses ko para marinig pa rin ni Charlie hahaha.



Dinuro nito si Charlie. "ANO?! Itong bubuwit na 'to?! Duh! Eh ang bobo niyan!"



Tinulak naman siya ni bespren. "Yabang mo ah! Sino naman may sabi sayong gusto kita?!"



"Kasi gwapo ako." Inayos pa ni Hiro ang damit nito, bahagyang sinuklay ang buhok at kinindatan si Charlie.



HAHAHAHAHA.



"YAAAK! PANGET KA KAYA!" Nandidilat ang mga matang asik ni Charlie dito.



Mabilis na hinarang ni Hiro ang napadaang estudyante at pa-cute na nagtanong. "Miss, di ba gwapo ako?"



He flashes his pearly white teeth and shows his infamous dimples.



Nagblush tuloy ang babaeng kausap nito. "Ah, oo. Ang pogi mo nga."



Pogi daw ampotek. Tunog kalye lang? Hahahaha.



Hinarap naman ni Hiro si Charlie pagkatapos magpasalamat sa estudyante. "See? Gwapo ako. Tomboy ka lang hahahaha."



"ANO'NG TOMBOY?!"



Nang makita kong kukwelyuhan na ito ni Charlie ay mabilis ko ng inawat ang dalawa.



"Oh awat na, awat na. Baka magpatayan na kayo niyan hahaha."



"EEEHHH-"



Akmang aabutin pa ni Charlie si Hiro ng tampalin ko ng kamay ang bibig nito. "Awat na sabi eh."



"Aray naman! Si Hiro kaya ang ganyanin mo! Isampeyr!" Saad nitong sapu-sapo ang nguso.



Mabilis naman itong binelatan ni Hiro kaya piningot ko din ang tenga nung isa.



"Aray! Louie naman eh!"



Feeling ko talaga ganyan lang maglambingan ang mga yan eh.



Kung tutuusin, mas madalas naman si Hiro kina bespren ah. Doon pa nga natutulog yun kina Charlie minsan eh, di ba?



Pero sa totoo lang, madalas ko man sabihin sa sarili ko na nakikita ko si Ray kay Hiro kaya hindi ko siya magustuhan ng higit pa sa pagtinging kaibigan...



Pero hindi eh.



Katulad na lang sa mga panahong gaya nito.



Nasa bench kami ng school non habang hinihintay si Charlie. Na again, may meeting daw. Meeting meeting! Tsss.



Kakatapos lang din ng practice game namin at hinihintay ko na lang din si Tatay. Habang naggigitara ito ay kumakain ako ng dala niyang kakanin. Gawa daw ng Nanay Martha niya. Masarap nga eh. Hahaha.



"Louie, from a girl's point of view, do you think that to serenade a girl is kinda old fashion?" Minsang tanong nito na tinigil pa talaga ang pagtipa ng gitara.



Napaisip naman ako sa sinabi niya.



"I think it will never be out of style. Most girls are hopeless romantics. Because of what they might have read in novels and magazines, they tend to develop idealism in courtship and relationship. Feeling ko lang."



"Hmmm... right. So what if may magharana sayo? Ano'ng mararamdaman mo? Will you find it sweet?" Curious na tanong nito.



Napangiti na lang ako sa tanong na iyon.



"Kasi ganito yan. Kung iisipin ko na hinaharanahan ang isang babae ng lalaki, ang sweet non. Ni guy syempre. The effort and everything. Pero kung iisipin ko na haharanahan ako ng lalaki, ang awkward non. Kasi hindi ako sanay."



Naalala ko kasi noong haranahin ako ni Ray sa gitna ng maraming tao. Sarap lang sapakin. Binigla ako eh. Haha.



Tumango tango naman ito.



"Hindi naman kasi ako sweet eh. At hindi din ako hopeless romantic. Feeling ko lang din hahaha," dagdag ko pa dito.



"We'll never know," nakangiting saad ni Hiro at mataman akong tinignan sa mga mata. "May I?"



Anudaw?



Nagulat na lang ako ng tumayo ito sa harap ko at sinimulan ang pagtipa ng gitara at kumanta.



It's Fallin' by Janno Gibbs. (Play Youtube on the side)



♫ ♫ Our little conversations

Are turning into little sweet sensations

And they're only getting sweeter everytime

Our friendly get together

Are turning into visions of forever

If I'll just believe this foolish heart of mine



I can't pretend

That I'm just a friend

'Cause I'm thinking maybe we were meant to be. ♫ ♫





Hindi ko talaga inexpect yung gagawin niya. Halos napatigil din ang mga dumadaan samin.



Bakit nga naman hindi, maganda naman kasi ang boses ni Hiro. Malamig sa pandinig. Parang hinahaplos ang puso mo sa bawat katagang binibitawan nito.



Napansin ko lang, bagay ito sa mga acoustic na kanta.



May banda ba 'to? I-suggest ko kaya? Hehehe.



♫ ♫ I think I'm fallin' fallin' in love with you

And I don't I don't know what to do

I'm afraid you'll turn away

But I'll say it anyway

I think I'm fallin' for you

I'm fallin' for you... ♫ ♫



Diretsong nakatingin ito sa mga mata ko habang kumakanta.



Pumipikit pikit pa ito paminsan minsan.



♫ ♫ Whenever we're together

Wishing that goodbyes will turn to never

'Cause with you is where I always wanna be ♫ ♫



Hindi ko din tuloy alam kung saan babaling ang paningin ko.



♫ ♫ Whenever I'm beside you

All I really wanna do is hold you

No one else but you is meant this much to me



I can't pretend

That I'm just a friend

'Cause I'm thinking maybe we were meant to be. ♫ ♫



Grabe, alam mo yun? Yung bawat mensahe ng kanta ay ramdam kong iyon talaga ang gusto niyang ipabatid sakin?



Si Charlie nga natigilan din sa paglapit samin eh. Nagulat din siguro.



Pero nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Nagsecond voice siya habang kumakanta si Hiro! And she's actually snapping her fingers while doing it!



At for the first time, hindi sila nagkasagutan. Napapatingin nga din si Hiro kay Charlie na napapapikit na din sa pagsesecond voice.



First time bang narinig ni Hiro na kumanta si Charlie kaya mukhang nagulat ito? Halatang na-amuse pa ito sa ginawa ni Charlie.



Pero yung totoo Charlie? Bakit ka nakikisabay kay Hiro?



♫ ♫ I think I'm fallin' fallin' in love with you

And I don't I don't know what to do

I'm afraid you'll turn away

But I'll say it anyway

I think I'm fallin for you

I'm fallin for you... ♫ ♫



Napatingin ako kay Hiro habang damang dama ang pagkanta.



Bahagya tuloy akong nanigas sa upuan ko. Yung goosebumps ko sa boses niya hindi hamak.



Ganito ba talaga yun? Hindi ko tuloy maiwasang hindi maguluhan.



Kasi sa totoo lang, hindi mahirap mahalin si Hiro.



Isa siya sa pinakatotoong taong nakilala ko.



He's stubborn, but sweet. He's filthy rich, but still down to earth. Madali siyang mainis, oo, pero hindi siya nagtatanim ng sama ng loob. Hindi siya mahirap patawanin at hindi rin siya magkukunwaring natutuwa sayo kapag wala siya sa mood. He has flaws alright, but that's the true him. And he doesn't care if you'll never like what you see dahil gagawin niya pa rin ang gusto niya. Kasi iyon siya.



At nakikita ko ang sarili ko sa kanya sa halos maraming bagay.



You can't blame me. He's the only person whom I've shared the rest of being me and still he didn't walk away.



What's not to like about him?



Minsan feeling ko, yung fondness ko sa kanya, unti-unti na ding lumalago.



I really think I'm starting to admire Hiro. Differently.



Posible pala yun noh? Akala ko, kapag na-fix mo na ang utak mo na pagtinging kaibigan lang talaga, yun na talaga yun. Pero hindi pala. May tendency pa rin pa lang magbago ang nararamdaman mo sa isang tao. If you will just let yourself know them better. If you'll let them get inside the walls that you've built.



Napangiti na lang ako sa naisip habang tinatanaw ang paparating na sundo ko.



"Hiro, nandito na si Tatay. Uuwi na ako," nakangiting paalam ko dito ng matapos nito ang pagkanta.



Napalunok naman si Hiro habang nakatingin sakin.



"A-Ayos ba? So a-ano'ng naramdaman mo?" Nananantiyang tanong nito. Ramdam ko ang kaba sa boses niya.



Pero bakit ganun?



Posible din kayang... kaya feeling ko nagugustuhan ko na siya dahil lagi kaming magkasama? Dahil siya lang ang pinayagan kong lumapit sakin ng ganito?



Hay, ang gulo naman.



"I like it," nakangiting sagot ko dito at iniwan itong nakanganga.



But I have to be sure.



Nagugustuhan ko na nga ba si Hiro?



Siguro nga kailangan naming mag-usap ng masinsinan. Siguro palilipasin ko muna ang ilang araw para makapag-isip ng mabuti.



Hindi pwedeng ganito. I don't want to risk our friendship lalo't malapit na mag-end ang school year. I don't want to leave any baggage or whatsoever.



And seriously, wala pa sa isip ko ang pakikipagrelasyon sa kahit na sino. Gaano man kalaki ang pagkakagusto ko dito.



Pag-aaral muna bago ang lahat, di ba?



Kasi alam ko, there is always time for everything.



And for now, kailangan ko munang siguraduhin ang pagiging Valedictorian ko.

Miss AstigWhere stories live. Discover now