Forty five

49.2K 935 92
                                    

___________________________________________________



Unknown Number:

Please accept my gifts anak.

Hayaan mong punan ni Papa ang mga pagkukulang niya.



Ano ba klaseng text yan?! Kausap mo?! Sanggol?! Tss.



I ignored the text and just continued fixing my things.



Actually lately, lagi nang nagpapadala si Papa ng kung anu-ano. Doon lang nakatambak sa locker lahat. Hindi ko binubuksan. Hindi ko inuuwi.



Para ano pa? Hindi ako interesado sa mga yun. Saksak niya sa baga niya.



Tinapos ko na ang pag-aayos ng gamit at nagpaalam kina Tita.



"Baka gabihin ako mamaya kasi may laro po kami. Practice game po."



Nakangiti namang tumango ang mga 'to.



"Louie, tara na. Sige 'Ta, 'My, hatid ko lang si Louie, didiretso ako sa office after," paalam ni Kuya J kina Tita Ayessa at Mommy Van.



Sumakay na ako sa sports car ni Kuya J. Ang gara talaga! Hindi ako magsasawang titigan buong araw yon. Sana maka-drive din ako nun. Hehe.



Di bale. Medyo matagal-tagal pa pero sisiguraduhin kong makaka-drive din ako ng sasakyan ni Kuya.



Mabilis kaming nakarating ng eskwelahan. Bago bumaba ng sasakyan ay binilinan muna ako ni Kuya J. "Umuwi ka dapat ng maaga para makapagpahinga ka nang maayos. Exam mo na sa Sunday. You need to rest."



"Okay po."



Huu. Kung di ko pa alam, concerned lang 'to ngayon dahil may kailangan sakin eh.



Tatlong araw bago ang exam ay dapat hindi na ako nagrereview kaya simula kahapon ay maaga na akong natutulog. Mahirap na kung bigla akong singilin ng pagpupuyat ko. Ayon sa nabasa ko, hindi na dapat nag-aaral at least three days before exam para ma-relax ang mind at hindi ma-pressure. You should just rest and pamper yourself para ma-prepare mo ang sarili mo sa araw ng exam. Kasi magka-cram ka lang kapag pinagpatuloy mo pa ang pag-aaral.



Ibang usapan naman ang mga daily quizzes ha? Baka mamaya, hindi na kayo mag-aral niyan. Nagbabasa kaya ako minsan 10 minutes bago ang quiz. Hahaha.



Yun nga lang, mabilis ko ding makalimutan ang pinag-aralan ko nun dahil short-term memory ang na-utilize ko kaya ni-rereview ko na lang ulit pag-uwi para ma-retain ko sa utak.



Nabanggit ko kay Kuya na na-meet ko yung Dale nung nagquiz bee kami sa Ateneo. He was really pissed. Mayayabang daw talaga ang pamilya ng mga yun. Actually, Kuya said he didn't care much of the girl he's courting na daw, mas importante na sa kanya na ma-prove niya dun kay Angelo na kaya ko daw ungusan ang kapatid niya. Kalaban din pala kasi ni Kuya sa UAAP yung Angelo kaya inis na inis siya. Atenista kasi si Angelo. Hindi na daw kaya ng ego niya kung pati usapang talino ay matatalo pa ang pamilya namin.



Guys' ego indeed.



"Sige na. Si Mang Tonyo ang sundo mo mamaya. Huwag magpakapagod sa laro."



"Kay Kuya. Bye."



***



Pero nakakapagod talaga ang araw na 'to.



Hindi ko naman kasi pinaalam kina Charlie at Chang na kukuha ako ng UPCAT dahil bukod sa baka umasa lang sila na doon ako mag-aaral sa UP ay ayoko din naman sabihin ang tunay na dahilan bakit ako kumuha non. I promised Kuya J not to tell anyone eh. Kaya tuloy kailangan ko ding panindigan ang lahat ng responsibility ko sa school.



Katulad ng maya't mayang meetings at practice game dahil sa nalalapit na intramurals.



Sa katunayan ay hindi ko din ma-share ang pagkabadtrip ko sa nakilalang kapatid ng kapustahan ni Kuya. Kasi lalo lang gugulo ang usapan. Chismosa pa naman si Charlie bukod sa megaphone ang bunganga.



Ang hirap tuloy magsarili. Mabuti na lang napakiusapan ko si Cassey na huwag na lang banggitin kahit kanino ang insidente sa Ateneo.



Pagkatapos ng meeting ay dumiretso agad ako sa gym. Alam na din ni Charlie na may laro ako at nagtext naman siyang susunod na lang daw. Wala naman siya kasing practice sa araw na 'yon o sadyang kinansela niya dahil siya naman ang Team Captain?



Natawa ako ng makita ang presensiya niya kasama ang mga kaklase nito. Paano wagas na naman kung maka-cheer eh practice game lang naman 'to? Hahahaha.



"BESPREEEENN!!! Galingan mo! Pssstoy! Magcheer kayo, dali! President niyo ako kaya sundin niyo ang utos ko, okay?!"



Kahit sa kabilang court na ako dinig na dinig pa rin ang boses niya hahahaha.



Pero ayos din dahil maagang natapos ang laro. Nakipag-usap din kasi ako kay coach na kailangan kong umuwi ng maaga ngayon.



"Bespren! Galing galing mo talaga!" Nakipagbrofist pang sabi ni Charlie.



"Baliw. Dapat lang di ba? Ang lame naman kung kelan fourth year na tayo saka ako naging kulelat sa basketball. Hahahaha."



Natawa na din ito ng ma-realize ang sinabi ko.



"Ngapala, congrats ulit sa pagkapanalo mo sa quiz bee! Sayang, kung ka-batch lang sana kayo ni Mase ikaw yung representative sa Science tas siya sa Math. Astig sana ang tandem niyo!"



"Err. Ewan ko... Maybe?" Ano ba pinagsasabi ng babaeng 'to? Bakit napunta kay Mason?



"Ah, nga pala. Ikaw ang napiling muse ng Du-"



Pinandilatan ko talaga siya ng mga mata. Hindi pa ako nakuntento at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at bahagyang niyugyog. "Ano ba bespren! Sabi ng huwag mo ako isali sa mga ganyan eh. Masyado na akong madaming iniisip."



Magkasama kasi kami sa Blue Team sa intrams at pinangalanan nilang Dugong Bughaw. Kaya nga siya tinawag na Mahal na Pinuno ng mga kaklase niya eh dahil yata dun. Tapos ako ang gagawing prinsesa ng Dugong Bughaw?! Ayoko nga! Ayoko na sumali sa mga ganyan.



Ba't hindi na lang siya di ba? Maganda naman siya. Kung ayaw niyang maging prinsesa di maging prinsipe siya ahahaha.



Napabuntong-hininga ako maya-maya. "Iba na lang, okay? Magpromise ka na hindi ako ang magiging muse niyan. Dali!"



Magpapaliwanag pa sana ito at alam kong igigiit niya pa rin ang gusto niya kaso pareho kaming napalingon sa biglang tumawag sakin.



"Louie."



Halos magulantang ako sa lalaking papalapit.



Ano'ng ginagawa niya dito?!



"BAKIT KA NANDITO?! ANO'NG GINAGAWA MO DITO?!" Nakamugalat na tanong ni Charlie.



Kahit ako ay napakunot noo din. "Whoah. Whoah. Ano'ng ginagawa mo dito?"



Napakamot naman si Hiro ng ulo. "Uhm... Can we talk about this outside?"



Hindi pa rin talaga ako makapaniwala.



"Galing ka pa ng La Union? Wow ha. A for effort. Teka, magpapalit lang ako," paalam ko sa kanila at mabilis dumiretso ng locker para makapagpalit ng pang-itaas. "Charlie, kausapin mo muna yang kaibigan mo. I-tour mo sa school."



"HINDI KO KAIBIGAN YAN! MANIGAS SIYA!"



Napailing na lang ako. Narinig ko pa ang tawa ni Hiro sa sinabi ni Charlie.



In fairness to Hiro, ang daming admirers. Nakita ko kung paano siya sundan ng tingin ng mga estudyante habang naglalakad palapit samin kanina.



"Saan tayo? Kumakain ka ba ng fishball Hiro?" Tanong ko sa dalawa ng makalapit na sa mga 'to. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng jogging pants dahil maya-maya ay susunduin na naman ako ni Tatay Tonyo.



"Libre mo ba yan bespren?!" Namimilog ang mga matang tanong ni Charlie sakin.



"Hindi. Libre ni Hiro. Di ba mayaman ka? Hahahaha. Di biro lang a-"



"Ako na." Pigil naman ni Hiro sa sasabihin ko.



Bahagya akong nagulat sa sinabi niyang iyon at ng hawakan pa nito ang kamay ko. Nahiya tuloy ako ng konti. "Joke lang yun."



Umiling naman ito. "Ako na Louie. Sige tara, saan ba ang may masarap na fishball dito?"



Hindi ko napansin na hawak pa din pala ni Hiro ang kamay ko kung hindi pa iyon hinila ni Charlie. "SIYA NA DAW BESPREN. Tara na nga! Masamang pinaghihintay ang pagkain."



Natawa na lamang ako sa kanila.



Nang dalhin namin siya sa suki naming fishball stand sa labas ng school ay napansin kong cool na cool lang ito. Hindi ito nangingiming kumain ng streetfoods. Kahit hindi bagay sa itsura niya.



And... I don't know, I just feel that I like him for that. Jologs lang.



"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko maya-maya habang kumakain. Ang labo lang eh. Ano naman gagawin niya sa halos kakaumpisa pa lang ng school year?



"Ah. Kasi di ba sabi mo last time bibigay mo ang-"



Pinigilan ko ang akma pa niyang pagsalita ng ma-realize ang tinutungo ng usapan. "Don't say... You..."



Nakangiting tumango-tango si Hiro sakin habang nagniningning ang mga mata nito. "Ya. I ranked 8th."



OMG. What have I done?



"NUUUUUUUUUUUUU!! HINDI YAN TOTOO!! NAGSISINUNGALING SIYA BESPREN! HUWAG MO IBIGAY! HUWAG KA MANIWALA DIYAN!" Malakas na palahaw ni Charlie sa sinabing iyon ni Hiro.



Hindi talaga ako makapaniwala! Nakapasok siya sa honor list! Seryoso. Bakit si Charlie, uhm, ano... medyo... matagal ang pacing? Ah eh... Wala lang naisip ko lang na masyado naman yata siyang mabilis matuto. Di ba? Hihi.



He showed me his pins, pictures and his report card at talaga namang bumilib ako! Ang tataas nga ng grades niya! Panay line of 9 ang nakikita ko eh. Paano nangyari yun? Mukha naman siyang tamad ah.



"You're unbelievable Hiro..." Hindi ko pa ring makapaniwalang sambit.



At dahil hindi ako ang tipong hindi tumutupad sa usapan, binigay ko na lang ang number ko sa kanya. Kahit medyo, medyo lang naman, labag sa loob ko. Ayoko kasi sana dahil alam kong ayaw ni Charlie kaso, yeah... Scout's honor. Syempre nag-effort siya. Bumiyahe ba naman ng almost six hours at kakatapos lang ng recognition day nila yon ha?



"BAKIT TAMA LAHAT BESPREN?! BAKIT TAMA ANG NUMBER DITO?! IBAHIN MO ANG ISANG NUMBER!"



Binelatan naman ni Hiro si Charlie. "Sorry. Nagdial na siya. Bleh bleh."



"EEEEHHH!! PAANO BA IDELETE 'TO?!"



Mabilis pa sa alas kwatrong hinablot ni Hiro ang cellphone nito sa sinabing iyon ni Charlie. "Shit. Akina na nga yan!"



"Tumigil na nga kayo. Hapon na o. I'm going home in a while." Saway ko sa kanila. Naririndi na ako sa ingay nung dalawa eh, ang dami ko pa namang iniisip. Syempre kinakabahan na din ako sa exam kaya medyo hindi rin ako mapakali. Hays.



Maya-maya ay nauna na akong nagpaalam sa kanila dahil syempre may Aikido pa ako bukas at exam ko sa Sunday.



Baka nga hindi na ako muna mag-a-Aikido.



Nagbabangayan pa din ang dalawa ng iwan ko. Nagulat pa ako ng magtanong si Hiro tungkol kay Chang. I mean, medyo naguluhan lang ako kung paano sila nagkakilala eh wala pa si Chan-Chan nung pumunta siya kina Charlie? Weird.



***



Monday - English Period



"Okay class, today, I want you to make an essay about your weekend or your most memorable summer experience. This will serve as your long exam and one of your works might be published for this month's newsletter. How's that?" Nakangiting imporma ng English teacher namin. "Now use the remaining hour to finish your essays in a whole sheet of paper."



Dali-dali namang kumuha ng papel ang mga kaklase ko.



Ahh. Writing. Nakakatamad pa namang magsulat. Kahit naman hindi na mapili ang sinulat ko ayos lang eh kaso ano naman ilalagay ko na memorable summer experience? Kahit masayang-masaya ang summer ko nadungisan naman iyon ng pagkikita namin ni Papa. And that's the least thing na gusto kong maalala. Dahil sa totoo lang, nababadtrip lang ako.



Tinignan ko ang kapirasong papel ng halos isang dekada.



Sana biglang magsulat ng sarili niya ang ballpen ko. Hahahaha.



"Louie, I want you to write your UPCAT experience instead." Nagulat ako ng biglang lumapit si Ma'am. Wala pa naman akong naumpisahan kahit pangalan ko sa papel.



"Po?" Paano naman niya nalamang nag-UPCAT ako?



"Sige na. I know you took the UPCAT. I'm a UP Alumna myself at nagkataong nakita kita kahapon. Kausap mo pa nga si-"



"Ah sige Ma'am. Sige. Magsusulat na po ako hehehe."



Baka ano pa sabihin niya eh. Kanina pa naman nakikinig ang mga kaklase ko. Si Chang nakakunot-noo na din.



"Nag-UPCAT ka?" Nagtatakang tanong nito.



"It's a long story Chang pero sa Canada pa rin ako mag-aaral. I'm just doing Kuya J a huge favor. Huwag mo na lang banggitin kay Charlie dahil baka umasa yon."



Nakakaintinding tumango naman ito bago pinagpatuloy ang pagsusulat ng essay.



Maya-maya ay tumigil ito. "Sino yung sinasabi ni Ma'am na kausap mo?"



Tinignan ko 'to ng masama. "Pinsan ko!"



Chismosong lalaki.



"Sus. Parang nagtatanong lang eh."



Sinimangutan ko 'to. "Huwag ka ng magulo diyan."



Sinimulan ko na ang pagsulat ng essay. Ayan. Wala na sana akong balak ikwento ang nangyari nung exam kaso mapipilitan pa yata ako. Hays.





...I took the exam on its second day which is a Sunday and I was scheduled in the afternoon session. I didn't feel prepared and it made me feel agitated since I had no idea what would come out on the test.

The morning before the exam, I felt every agony in the world. Not that it would cause a stigma but just a stinging feeling in the chest that you want to get it done ASAP. However, the feeling alleviated when I had my lunch with my cousin J before taking the test. He accompanied me that day by the way.

I had a hard time chewing my food since I kept on thinking about the exam. What will my family tell me if I didn't pass? UP or forget to go into college because you never passed UPCAT.

Or was it just because I have failed the expectations that I set for myself? I had worked hard for the freaking exam. I know I'm not going to...





Alangan namang ilagay ko pa na dahil sa pakikipagpustahan ng pinsan ko at sa kalahating milyon na at stake kaya ako nanginginig ng ganun? Crap. Erase the last statement.



Nagpatuloy ako sa pagsulat ng essay kahit hindi ko na din alam kung naiintindihan pa ang handwriting ko. Wala kasi akong pasensya sa pagsusulat ng essay honestly.





...My meal looked humungous for me to eat. Slowly, I took a bite and finished what's on my plate.

What I sometimes hate about myself is that whenever I get nervous I tend to pee a lot. Not the overflowing thing you are imagining, but I find the need to run to the toilet oftentimes. Also, my feet get sweaty and I can't concentrate on anything for I constantly run the images that might happen.

Thirty minutes before the exam, I decided to go to the exam center. That was the longest 30 minutes of my life. Ten minutes after, there was already a queue. Students gathered and start to line by their numbers. Parents looked so nervous too. Good thing my mom wasn't there for I didn't want to see her get nervous as much as I do. But I was sure that back home, if she knew about me taking the test, she's already praying to every saint in the world...





Lagay ko din kaya na halos maihi din sina Kuya J sa pagkabalisa at pagchi-cheer sakin bago ang exam? Hahaha.





...I followed the queue and saw familiar faces. It's nice to know that some acquaintances had the same agony. My number was called and the proctor directed me to a plastic armchair. No emphasis on plastic, I'm not much of an environmentalist but I just want you to picture out everything.


I sat adjacent to this girl with her "Hermione-all-knowing-look". She wore her nerdy glasses and I wasn't even wrong in guessing she had braces. Stereotypical. Beside her chair was a plastic bag full of food. Yeah, food. A lot of them. Damn! I forgot to buy my own snacks! I would spend the next five gruelling hours for this exam and I didn't buy any snacks...





Yeah right. Halos matuyo ang utak ko tapos wala man lang akong baon na pagkain nun! Kainis sina Kuya. Hindi man lang ako pinabaunan ng pagkain?! Limang oras akong ano? Nag-uubos ng brain cells at wala man lang pagkain? Di ba nakakatuyo ng utak yun?!



Okay that was a lie.



Actually meron. Galing kay... Mason.



Kaso ayoko naman ilagay sa essay ko eh ipapasa kay Ma'am 'to. Baka accidentally pang mabasa ng pinsan ko.



Mabuti nga ng maramdaman nilang halos matuyo ang utak ko habang nag-eexam, di ba?



Oh well alam kong kating-kati na kayong malaman kung paano kami nagkita ni Mason.



Pero promise niyo that this will be our little secret, okay? Hehe.



Ehem, ehem... Dahil halos limang oras din nga ang exam ay iniwan muna ako ni Kuya J. Mga thirty minutes before ay umalis na siya. Babalik na lang daw siya after ng exam. Nag-aaral pa kasing humawak ng negosyo yun kaya hinayaan ko na lang.



Bale nandun lang ako sa labas ng testing building. Muntanga. Nganga. Habang naghihintay na magsimula ang exam.



Seeing the faces of the students who have food made my stomach growl. Isang oras na din ang nakalipas ng kumain kami ni Kuya at hindi ko naman nakain ng mabuti ang pagkain ko nun kaya siguro mabilis din akong nagutom.



Wala man lang akong baon na pera.



And I just stood there waiting for a miracle when Mason came walking towards my way. Nagulat talaga ako nang kinausap niya ako.



I mean, imagine this. MASON APPROACHED ME?



"Louie. Akala ko ba sa Canada ka mag-aaral?"



Gusto ko pa sanang itanong kung paano niya nalamang sa Canada ako mag-aaral kaso naalala kong nabanggit ko at inulit ni Charlie sa malakas na boses noong pumunta ako sa kanila.



"Doon nga. I'm just doing my cousin J a favor," malungkot kong saad dito. Parang gusto ko pa ngang i-share ang dilemma ko nun dahil hindi ko naman ma-share share kina Charlie kaso nagugutom na ako eh.



"Sino'ng kasama mo?"



"Si Kuya J... Kaso... umalis muna."



Tumango tango naman ito sa sinabi ko. "Wala kang... dalang kahit ano?"



Kinuha ko sa bulsa ang nag-iisang mahiwagang mongol 2 pencil ko at nakangiting pinakita sa kanya. "Eto o."



I saw him smirk a little at pinilit niyang itago ang mahinang tawa. "So wala ka ring baon na pagkain? Ilang oras din yun."



Bahagya akong napahiya sa sinabi niya. Nagugutom na nga ako eh nabanggit pa niya ang pagkain. Malay ko ba na ganyan mag-UPCAT? Kala ko exam lang then gora na eh. Or whatever.



"Ahh ano.. Bakit ka nga pala nandito?" Pag-iiba ko na lang ng usapan baka lalo lang akong gutumin sa klase ng topic na meron kami.



"Nag-exam din si Charlie. Sinamahan ko."



Sandali lang... SI CHARLIE? "Ahhh..."



"Tara." Aya ni Mason sakin.



"Ha? Bakit?"



"Bibili tayo ng pagkain."



Magpapatumpik-tumpik pa ba ako, eh kanina pa kumakalam ang sikmura ko?



"S-Sige."



Hindi na nga ako nag-atubiling sumama sa kanya. Dinala niya ako sa pinakamalapit na bilihan ng pagkain at pinapili doon habang kumakain ng siomai na siya ring bumili, syempre.



Alangan namang ako eh wala nga akong pera?



Bottled water lang yung hiningi ko at tinapay ng tanungin niya ako kung ano ang kakainin ko habang nag-eexam. Na dinagdagan pa niya ng biscuits. Hindi naman kasi ako mahilig sa chichirya. Binilhan niya din ako ng isang roll ng mentos.



Nakakahiya na talaga hahahaha.



"Bayaran na lang kita ah." Hindi ko napigilang sabi ng abutin ang mga pinamili niya.



Ngumiti lang ito sakin. "Libre ko na. Wala akong gift nung birthday mo."



Naalala pa niyang sabihin yun?



"Tagal na nun ah. Pero thank you," nakangiti kong sagot at bumalik na kami sa testing center.



I was smiling when I entered the testing room. Ewan ko nga kung bakit. Parang nakaka-good vibes lang yung nangyari. Nabasa ko lang somewhere... maybe that was because of the sudden increase of my serotonin levels or what you call the happy hormones that were suddenly release upon eating... siomai? Haha.



Kailangan ko ng glucose eh. Brain food. Siomai has glucose din naman, di ba?



Para pa nga akong baliw nun kasi nangitian ko pa si Dale Anthony nung makita ko.



I mean, what happened to me that day?!



Hindi na ako nagulat sa presensiya nung Dale. Mabuti ngang isipin niya na pinaghandaan ko talaga ang exam na yun dahil pangiti ngiti lang ako kahit halos manginig na din ako sa kaba habang paupo sa designated seat ko.



Okay, balik na tayo sa essay bago pa mawala dahil namimihasa na kayo sa pagbabaliktanaw ko...



...Well, what is done is in the past. The proctor began reading the directions and my heart started to palpitate. First direction and my heart skipped a bit. Second direction and my heart skipped another beat. It continued until the exam started.

The first part was Logic. I confidently answered some and most of them were just whatever my eyes would sit first upon. I saw other students crouch their backs to make sure they were reading the question clearly.

The second half was reading comprehension. I like English as a subject and I really love to read. But this time, I was time pressured. The "short stories" were not really short stories. I just read the question and tried to spot the answer by scanning a few minutes over the story. We were only at the second part of the UPCAT but my back was already aching...





Gusto niyo ba malaman ang nangyari after ng exam? Hehehe.





A/N:

Essay credits goes to my cousin Raesh. I derived Louie's experience sa UPCAT experience niya in real life kaya ide-dedicate ko din sa kanya ang Chapter na 'to.

Sabay-sabay nating salubungin ang 3K plus votes ng Miss Astig!

Miss AstigWhere stories live. Discover now