Eighteen

62.7K 897 105
                                    

____________________________________________________

"O chocolates mo," abot ko ng tatlong malalaking dark toblerone.

"WOW!!!" Namimilog ang mga matang sabi nito. "Salamat bespren! Akin na tong lahat ha?!" Akmang yayakapin na naman ako nito at hahalikan ng harangan ko ng kanang kamay ko ang mukha niya kaya dun humalik ang nguso niya.

"Nagpapasalamat lang eh," sabi nito sabay sapo sa nguso. "Okay na ang 'Salamat' hindi mo kailangan yumakap at humalik," sagot ko sabay salampak ng upo sa tabi niya para kumain ng lunch. Inabutan ko din si Chan-Chan ng isang pack ng Hersheys at Kisses. Hindi ko naman alam gusto nito eh. Nakita kong masama ang tingin ni Charlie sa binigay ko kay Chang. Patay yan mamaya. Hahaha.

Dahil alam kong nasa varsity din ang Kuya nito tinanong ko siya kung may laro nga mamaya sa gym ang college. Sabi niya cancelled daw. Tinukso niya pa ako na si Aidan lang naman daw ang panonoorin ko. Hindi ko na lang pinansin para wag na humaba ang usapan kasi totoo naman. Hahaha. Kaya hindi na ako pumunta ng gym at hindi ko na din siya tinext. Baka mahalata ni Aidan na masyado ko siyang crush. Hehehehe.

As promised, sumasama nga si Mama araw araw kapag sinusundo ako ni Tatay Tonyo tuwing uwian. Minsan kumakain pa kami muna sa labas bago umuwi kaya naman laking tuwa din nina Kuya. Kasi araw araw libre. Hindi na din nila ako masyadong binubully. Alam ko kasing takot sila kay Mama.

Nung Thusday, bigla na lang kami ni Chan-Chan nilapitan ni Charlie. Break yata yun at galing daw siya sa Principal's Office. Medyo nagtaka ako pero hinintay ko muna siyang magsalita kahit inisip ko baka kung anong kalokohan na naman ang pinasok nito ng hindi man lang ako sinasama. Ano yun? Besprens di ba?

Tapos nagulat ako ng sabihin niyang kinausap siya kasi mababa yung grades niya at baka alisin daw siya sa Team pagnagtuloy-tuloy yun. Naku naman kasi puro palakol ang grades niya! Pinagyabang pa talaga niya na medyo nakaline of 8 daw siya sa Computer at okay naman daw ang ilang minor subjects niya. Talaga lang ha. Hindi ba 'to nag-aaral ng lessons? Wala nga akong line of 8 eh, lahat line of 9. Siguro kung grades ko yun papalahaw talaga ako sa iyak. Nakakahiya. Tss.

Sabi niya magpapa-donate daw siya ng braincells namin ni Chang. Umoo naman agad ang isa kapalit ng paglalakad nito kay Krystal. Nahuli na kasi ni Krystal na siya at si Shan-Shan ay iisa. Basta usapang Krystal talaga ambilis nito mapakiusapan.

At dahil Final Exams na namin nextweek inaya ko na lang sila ni Chan-Chan na magreview sa bahay. Nakita ko ang excitement sa boses ni Charlie at pagniningning ng mga mata nito kaya naman nahawa na ako.

"Sige sige!! Ahaha.. Ayos lang ba yon sa Mommy mo na may kasama tayong... ah di bale.. pagdamitin nalang ulit nating babae si Chan-Chan pag di pede.. HAHAHAHAHA," napahagalpak din ako habang tinignan lang kami ng masama ni Chan-Chan.

"Okay lang yun. Wag ka na magdala ng pamalit na damit pantulog ha? Hiram ka na lang para konti lang dala mo. Mga notes mo na lang," nangingiti kong sabi dito.

"Notes? Wala ako non! Hahahaha. Joke lang.. Hehe. Teka.. Pati underwear hihiram ako sayo?!!"

"HAHAHAHA. Baliw ka talaga. Pwede rin. Madami naman kaming disposable underwears dun tsaka may mga bago din kaming stocks. Kaso tingin ko pagagalitan ka ng Mommy mo. Hahahahaha. Sige na nga. Notes na lang namin ni Chang. Hindi ka siguro nakikinig sa klase noh?" Balik tanong ko dito.

Miss AstigWhere stories live. Discover now