Thirty

49.8K 782 66
                                    

___________________________________________________

Kung inaakala niyong naka-move on na ko, pwes hindi pa po.

Sorry ha? Ang tagal talaga mahilom eh. Sa anong magagawa ko? Magpalit kaya tayo ng malaman mo?

Minsan nga kahit hindi ko pinapansin ang pangungulit ng dalawa kong bespren pinipilit pa rin nila ang sarili sakin. Nag-iingay pa rin sila sa tabi ko.

Nakikinig ulit ako ng astig kong emo playlist. Kasalukuyang Breakeven ang tumutugtog ng maramdaman kong kinuha ni Charlie ang isang earphone sa tenga ko.


Hinayaan ko lang siya.


"Wow, ganda naman nito Bespren!"


Hindi ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa pakikinig at pagbubutas ng papel gamit ang ballpen.


"Anong maganda diyan eh ang lungkot naman ng mga kanta?" sagot naman ni Chan-Chan na tumabi naman sa kabilang side.

Nagtaka ako bakit ko naririnig ang sinasabi nilang dalawa eh naka-full volume ang music ko.

Nang lingunin ko sila ay doon ko na-realize na silang dalawa na pala ang nakikinig. Nawalan na ako ng headphones. At ang mga shunga eh kinakanta pa ang lyrics.

Natatawang naiiyak tuloy ako sa kanila. Ang swerte ko talaga dahil hindi nila ako pinabayaan kahit hindi na ako madalas na sumasama sa kanila.


"Oy, oy... Tama na nga yan.." sabi ni Charlie at niyakap ako ng mahigpit. "Bumalik ka na bespren, namimiss na namin ang pambubully mo.." sabi nito sakin sa malungkot na tono.

Pinitik ko naman ang noo niya at mas ngumiti pa ito. Imba. Masokista na din yata 'to.

Napangiti na din ako. "I'm sorry.. I'm sorry.." sabi ko at napahagulgol na naman. Yaak. Ang emo ko talaga, kainis!

"Ba't ka ba nagso-sorry? Wala ka namang kasalanan," sabi naman ni Chan-Chan at inabot ang panyo nito na tinanggap ko naman.


Malungkot lang akong ngumiti sa kanila bago ko sila niyakap ng mahigpit.

I just miss my old self. Hays.


Sa bahay, ilang beses na akong gustong kausapin ng mga pinsan ko pero sa tuwina'y umiiwas ako. Gustong-gusto ko na ding magsumbong kay Mama nun pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

Kaya ko pa naman eh. Pagod na si Mama sa trabaho at ayoko na siyang pag-alalahanin pa. Besides, nahihiya din ako kung paano ko uumpisahang magkwento.


Naramdaman ko ang impact ng depression ng bumaba ang ranking ko sa klase.

Nagkakaroon na ako ng one mistake sa ilang subjects. Hindi na din ako nagte-take initiative magrecite. From first honor eh naungusan ako ni Chan-Chan. Grabe di ba? Hindi pwede yon! Malapit na akong grumadweyt sa highschool. Isang taon na lang tapos hindi ako consistent top student?

Nanganganib pa yata ang ilang taong pinaghirapan ko at dahil lang kay Aidan? Si Aidan na hindi naman pala ako m-mahal? Hayst nakakainis talaga!


Pero mas ininda ko pa rin ang sakit habang pinipilit ang sariling mag-aral. Nagkasakit tuloy ako sa pagmu-multi-tasking. Mabuti na lang nataong weekend kinabukasan.


Pano yung activities ko araw-araw: Gawa homework, umiyak, gawa projects, umiyak, isip si Aidan, umiyak...


Ang dami kong ginagawa di ba?


Hanggang sa hindi na makayanan ng mga pinsan ko ang ka-emohan ko kaya hiniram nila ang master key ng silid ko at first time na ininvade ang aking privacy.


Hindi ko pa naramdaman ang pagpasok nila kaya kitang-kita na tulala akong nakatingin sa kawalan, mukhang dugyot, nangingilid ang luha sa mga mata habang hawak ang butas-butas na bola ng Spalding. Hinati ko kasi sa gitna kaya nagmistula siyang bowl bago ko binutasan ng iba't ibang shapes.

"Hoy anong ginawa mo sa bola?! Alam mo bang limited edition yan?! Ang mahal niyan ah!" Nakataas agad ang boses ni Kuya K. Binatukan naman 'to ni Kuya J kaya agad na tumahimik.


"Kitang malungkot na ang kapatid natin pero mas concern ka pa sa bola," asik dito ni Kuya Kurt at naupo sa tabi ko. Sinandig ko naman ang ulo ko sa balikat niya.


Gustong-gusto ko talaga kapag nilalambing ako ni Kuya Kurt. Kapatid kasi talaga ang turing nito sakin. Pati ang iba ko pang Kuya.


Anyway, matitigan na nga 'tong ulit ang bo-


At hinablot ng magaling kong pinsan. Si Kuya Justin. "Itigil mo na nga yang pagmumukmok mo. Ang bata-bata mo pa nga. Madami ka pang makikilala..." sabi nito.


Mabilis akong napatingin sa kanila. May alam ba ang mga 'to?


"Alam namin. Si Aidan di ba?" Sabi ni Kuya K na tila alam ang tumatakbo sa isip ko.


Hindi ako sumagot.


"Louie... Makakapatay kami ng tao sa ginagawa mo sa sarili mo. Natural na sayo kami papanig pero anong bugbog man namin kay Aidan-" sabi naman ni Kuya J.


"B-Binugbog niyo si Aidan?!" Hindi ko maiwasang hindi mag-alala para dito.


"Hindi. Kinausap lang namin siya. Sayang nga eh," sabi naman ni Kuya K at tinignan ito ng masama ni Kuya J.


Nakahinga naman ako ng maluwag.


"Tama si Justin. Bata ka pa. Dapat nagpapakasaya ka muna. I-enjoy mo ang youth mo. Hindi ka namin masisisi dahil masakit naman talaga ang ma-brokenhearted, napagdaanan din namin yan, believe me..." Patuloy ni Kuya J.


"Eh ba't kasi ayaw mawala ng sakit Kuya? Ayoko na pong maramdaman 'to eh! Huhuhuhu." Ngawa ko na naman.


Niyakap nila akong lahat. "Mawawala din yan. Just learn 'to love yourself," sabi ni Kuya Kurt habang hinimas himas ang likod ko.


And so I learned.


I learned to focus my love to my family, my bestfriends and most importantly myself.

I learned to prioritize my studies the most. Mas sinubsob ko ang sarili sa pag-aaral. Madami pa akong gustong mangyari sa hinaharap. At hindi ang isang Aidan lang ang makakasira non.

I learned how to dress and act like a lady. Nagdadamit babae na ako paminsan-minsan. Na ikinatuwa nina Mama at ng mga Tita ko. Kung ikinagulat man iyon nina Charlie at Chan-Chan ay hindi naman nila isinatinig pa.

And lastly,


I learned how to protect my feelings...


At sa unti-unti kong paglagay ng pader sa mga kalalakihan para maprotektahan ang sarili ay hindi ko na alam na natututunan ko na ding manakit ng iba.


Yes, I didn't know that I'm already breaking their hearts.


Or am I just too insensible to notice?

Miss AstigWhere stories live. Discover now