Seven

69.3K 1K 134
                                    

___________________________________________________

"O ba't ka nakaupo diyan sa labas?"

Tinignan ko si Aidan na kakapasok ng gate. Nasa pinto kasi ako ng bahay, naka-cross sitting habang kinakalikot ang tamiya.

"Boring sa loob," sagot ko.

Wala ako sa mood makipag-usap. Hindi kasi kami bati ni Mama. Isang linggo lang ang stay niya dito, tamang-tama sa graduation ko pero halos nagsasagutan lang naman kami sa isang linggong yun. Ayaw niya kasi akong payagan mag-aral sa PhiSci. Nakapasa naman ako. Hayy. Gusto ko talaga ng new environment aside sa gusto ko ding makasave ng tuition. Bakit ba ang kulit kulit kulit ni Mama?!

Tumabi sakin si Aidan at nagcross sitting din.

"Sa loob sina Kuya J," taboy ko dito.

Ba't ba to nang-iistorbo eh nag-iisip nga ako??

"Sus.. wala sa mood ang idol ko," sabi nito at ginulo ang buhok ko.

Nanigas ako bigla at napatayo sa gulat. "Ah, oi, ano, ah, papasok muna ako ha?" sabi ko sabay takbo papasok ng bahay at dali-daling umakyat sa kwarto.

IDOL? IDOL? Ito si...

Simula nun nag-iba na ang tingin ko kay Aidan. Naiilang na ako. At.. at. Nahihiya.. na.. din.. ako. Hindi.. ko... alam.. bakit. -_-'

***

"Louie bilisan mo male-late ka sa orientation niyo!" malakas na sigaw ni Kuya K.

Napaka-impatient talaga ng mga pinsan ko. Wala talaga akong ganang pumasok, argh. Bakit kailangan ko pa mag-orientation, doon din naman ako nag-elementary? Tsaka masama ang pakiramdam ko ngayon. Masakit yata yung bandang tiyan ko. Hindi ko matukoy, basta masaaakeeeet. Okay? Hindi ko na lang sasabihin kina Tita, ayoko kasing mag-alala sila.

"Eto na po!" pasigaw kong sagot at patakbong pumasok sa kotse.

Mabuti na lang at civilian day ang orientation. Nakapants at maluwag na shirt lang ako at maliit na duffel bag. Sobrang liit lang talaga. Extrang pamalit ko lang yun sakaling magkayayaang magbasketball. Hindi na din ako nang-abalang magsuklay. Pagnatuyo tong buhok ko ganun pa din naman ang itsura.

"Ang gwapo talaga ni Papa Aidan!" narinig kong sabi ng ilang mga estudyante habang papasok ng school.

Kinabahan ako bigla. Pero deretso pa rin ako sa paglalakad. Medyo binilisan ko pa.

"Louie!" tawag nito. "Hah! Grabe, bilis mong maglakad, orientation niyo daw?" magkaagapay na kaming naglalakad.

"Oy Pre, ikaw pala. Oo eh, ikaw, ba't nandito ka sa high school department?" tanong ko dito.

"Bibisitahin ka syempre. Tsaka baka maglalaro kami mamaya nina J, nood ka ha?" sabi nitong kumindat pa.

Miss AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon