Ten

62.5K 1K 83
                                    

____________________________________________________

 "Ate magkano po ang fishball?"

Kasalukuyan akong nasa labas ng gate ng school kung saan nakahilera ang mga streetfoods. Bente pesos lang ang pera ko dahil hindi naman talaga ako nagbabaon ng pera. Budget ko lang pambili ng streetfoods yun simula ng madiscover ko ang mga trip nina Charlie. Masarap pala. Pero twice a week lang ako pwede magstreetfoods. Natatakot kasi sina Tita na magka-amoeba ako. Yung disease na nakukuha sa mga streetfoods nga.

Hindi ko alam bakit ang tagal sumunod nina Charlie. Kakatapos lang kasi ng lunch time at sinabi kong bibili ako sa labas.

"Ate, pwede po bang mixed yung sawsawan ko? Yung sweet tapos spicy po sana," tanong ko dito at inabot ang sampung piso. Ngumiti naman si ate at tumango. Sinawsaw ko na ang limang stick ng fishball at inumpisahan ng lantakan. Mamaya na ako bibili ng buko juice pag naubos ko na ang pagkain ko.

Nasa pangalawang stick pa lang ako ng malaglag ang natirang apat sa kamay ko at natapunan ng sauce ang uniporme ko. Binato lang naman ako ng kung sino. Medyo masakit nga bukod sa mainit-init pa ang fishball, masakit din ang tama ng bola sa bandang tiyan ko. Bola ng softball ang ginamit pambato sakin. Lilingon sana ako ng may humintong itim na sedan sa harap ko at lumabas ang lalaking naka-coat and tie sa passenger seat niyon.

"Here, take this." Sabay abot ng wet wipes. Hindi na ako nagdalawang isip na kunin iyon mula dito pagkat ramdam ko na ang panglalagkit at pagpaso na din ng sauce sa damit ko.

"Salamat po."

Hinintay nitong matapos ko ang paglilinis ng damit at nagtanong.

"By any chance, are you Louie Antoinette Kwok?"

Kinabahan ako sa tanong niya kaya nasabi kong, "No. My name is Charlotte Flores." Bahala na. Pinaghalo ko ang pangalan ni Charlie at apelyido ni Chan-Chan. Hahahaha.

Tumango-tango naman ang lalaki bago sinipat ang tila wallet size picture at binalik sa bulsa. Gusto ko pa sanang silipin. Sayang. Haha. "Okay." Sabi nito bago binalingan si ate na nagtitinda ng fishball at binigyan ng 500 pesos. "Give her anything she wants to eat," sabi nito at sumaludo sa akin bago umalis. Hindi ko na nagawang magpaalam at magpasalamat sa gulat pagkat umalis din agad ang sasakyan pagpasok nito. Pero ramdam kong may nakatingin sa akin sa backseat. Masyadong tinted kasi ang sasakyan.

Kumuha ako ulit ng limang fishball kay ate at buko juice. Ayos 'to, fiesta. Hahaha. Saktong katatapos ko lang ubusin ang kinain ko ng lapitan ako ni Ally. As usual, kasama ang mga alipores niya. This time, anim na sila. Ito yata may pakana ng pagtapon ng pagkain ko kanina eh. Nagulat ako ng bigla niya akong sampalin.

Pak!

Napahawak ako sa mukha sa sobrang sakit. Ang sakit talaga!

"Anong problema mong babae ka?!" Galit kong sigaw dito. Pinagtitinginan na din kami ng mga tao. Malay ko ba na sasampalin ako nito?! Gusto ko sana siyang suntukin, nahiya lang ako gumawa ng eskandalo. Pero promise, nakakaiyak ang sampal niya. Gaaahd. Napahiya din kasi ako ng husto.

Miss AstigWhere stories live. Discover now