Chapter 16

815 24 28
                                    

"MALAPIT na tayo sa bahay." mahinahong ani Duane sa pusang nakabalot sa hindi gaanong kakapal na jacket niya. Sinigurado niya rin na hindi ito masu-suffocate sa loob.

Hindi maiwasang sipat-sipatin ni Duane si Mikeyzhia sa tabi niya kahit nakapokus siya sa pagmamaneho. Sa tagal na nilang magkasama ay ngayon niya lang naramdaman ang ganitong kaba at pag-aalala sa dalaga, madalas kasi init ng ulo ang nangunguna.

Napatingin siya sa traffic light nang bigla itong mag-red light dahilan para ihinto niya ang sasakyan sa gitna ng kalsada. Habang hinihintay ang muling pag-berde ng traffic light ay biglang pumasok sa kanyang isipan ang lalaking nakasalubong nila kanina sa ospital.

"Hiding her, is a risk."

Sariwa pa sa kanyang alaala ang pagguhit ng nakakalokong ngisi sa labi ng lalaki. Kung paano nito bigkasin ang bawat salitang lumabas sa bibig nito at kung paano nito titigan ng may kahulugan ang nilalang na hawak niya kahit pa na ito ay nakatago ay isa malaking katanungan para sa kanya.

Napasabunot siya sa kanyang sariling buhok. Sa pagkakaalam niya, wala siyang napagsabihan tungkol sa katauhan ni Mikeyzhia at hindi pa naman nagbago ng anyo si Mikeyzhia sa ibang lugar maliban sa bahay nila, ngayon lang pero sinigurado niya naman na walang ibang nakakita sa nangyari.

Sa klase ng pananalita ng lalaki ay may alam ito kay Mikeyzhia. Emphasizing the word 'her' that the guy mentioned. Bukod pa do'n ay walang ibang tao sa lugar na 'yon maliban sa kanilang tatlo. So he surely pointed to Mikeyzhia. Alangan namang sa kanya, hindi naman 'her' ang pronoun niya.

Hindi kaya hindi lang siya ang nakakaalam sa tunay na Mikeyzhia? Kung sa gano'n ay kailangan na niyang mag-ingat, maging si Mikeyzhia. Malabong hindi masundan ang nangyari kanina at maaaring mas malala pa sa susunod.

Gusto niyang malinawan sa mga nangyayari. Isa pa sa bumabagabag sa isip niya kung paano niya itatago habang buhay ang tungkol kay Mikeyzhia.

Hay naku, Duane.

Sa sandaling nag-iba ng kulay ang traffic light ay pinaharurot na ni Duane ang sasakyan. Punong-puno ng palaisipan ang utak niya habang pinipilit na mag-concentrate sa daan.

Agad siyang bumusina sa harap ng gate nila, maya-maya pa ay lumabas mula sa pinto ng bahay si Martha at pinabuksan sila. Itinigil ni Duane ang kotse niya sa garahe at dumeritso sa kabilang side ng sasakyan pagkababa niya kung saan si Mikeyzhia.

Hindi isinaalang-alang na may ginang sa kanyang likuran, nakaabang sa kanila.

"Good evening po, Sir. Nasaan po si Mikeyzhia?"

Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan kasabay nang pagbaba ng kanyang paningin sa pusang nasa upuan, nakalabas nang kaunti ang ulo nito kaya mabilis niyang inangat ang tela para takpan ang pusa saka niya hinarap si Martha. Nakangiti lang ito sa kanya.

"Wala. Nahulog sa kanal, tumilapon sa bangin, hindi ko alam. Bakit ba ako ang hinahanapan niyo sa pusang 'yon. Responsibilidad ko na ba siya ngayon?"

Oo, hindi lang responsibilidad. Tagadala pa ng gulo sa buhay mo.

Kumunot ang noo ng ginang. "Hindi po ba magkasama kayong umalis?"

Napamura siya sa kanyang isipan. Oo nga naman, nagpaalam pa nga pala si Mikeyzhia sa tatlong kasambahay kanina nang umalis sila kaya marahil hindi tatalab ang palusot na 'yon. Jusko naman, mapapasubo na naman siya sa matinding pagsisinungaling. Nagpapakabait na nga siya, sinusubukan naman siya ng sitwasyon palagi.

"Dumating na ba si Mynchie?" pag-iiba niya sa usapan.

"Hindi daw po uuwi ngayon si Ma'am Mynchie. May overnight daw po sila sa Batangas kasama mga kaibigan niya. Hindi po ba nasabi sa inyo?"

Keeping The Werecat (COMPLETED)Where stories live. Discover now