Chapter 0

2.3K 21 14
                                    


College.

This is the most crucial yet exciting part of student's life. Hindi mo alam ang naghihintay na pagsubok sa'yo kaya kailangan mo maging matatag. Not only physically, but also emotionally and mentally.

Some days will drain you but most days are filled with happiness and contentment as you always open another page and scroll throughout to find what is interesting about it.

I often encounter people saying that the moment you exit your hometown for another city, it is like you already left your heart over it and the moment you came back, things changed.

Sa sobrang bilis ng araw, byahe ko ngayon papuntang Ilocos dahil tatlong araw nalang at pasukan na namin. Naiiyak pa si mama kaninang nagpaalam ako dahil nga buwan pa ang bibilangin bago ako magbakasyon pabalik dito. Mahal ang pamasahe kaya para makatipid ay hindi muna ako uuwi kada linggo.

"Mag-iingat ka, anak. Iyong mga bilin ko saiyo 'wag mong kalilimutan ha. Iyang mga gamit mo alam mo na kung paano ayusin. Magtawag kayo kapag nakarating na kayo roon," aniya at naiiyak.

Tumawa akong niyakap siya.

"Opo, mama. Ikaw din mag-iingat kayo parati rito."

"Mag-aral ka nang mabuti at ikaw ang pag-asa namin ng papa mo. Kayo ng kapatid mo." Habol niya bago ako makasakay sa tricycle.

It was a mixed emotion of sadness and happiness at the same time together with excitement. Iiwan ko ang kinagisnan upang tuparin ang pangarap sa hinaharap.

Kasama ko si papa dahil siya ang maghahatid at tutulong saakin mag-ayos sa dorm. Uuwi rin siya kinabukasan pagkatapos namin makabili ng mga kailangan na gamit ko sa dorm.

It takes miles and meters away before we finally stop at our destination. Alas dos na ng hapon kami nakarating at ako palamang mag-isa sa dorm dahil bukas pa darating sila Gale at Carmen. Si Myin naman ay nasa Robinsons kasama ang mga magulang dahil bumili sila ng mga kailangan niya.

"Isulat mo na ang mga kakailanganin mo at bibili tayo mamaya pagkatapos magpahinga," ani papa habang pinapasok sa loob ng kwarto ang mga gamit ko.

"Kahapon ko pa po naisulat, papa." Sagot ko bago siya tinulungan.

Tatlong bagahe ang dala ko. Isang malaking maleta, iyong foam para sa kama at saka isang malaking traveling bag. Mayroon pa akong dalang backpack at sling bag kaya kung pagsasamahin lahat ay lima ang gamit ko.

Hindi kami nagtagal sa pag-aayos ni papa dahil malinis naman ang kwarto nang dumating kami. Kaagad kaming nagtungo sa Chowking para kumain at pagkatapos ay nagsimula na kaming bumili ng mga kailangan na gamit.

Umuna kong nilagay sa basket ang kailangan sa banyo at sa pagligo. Tapos isinunod ko ang mga pagkain at gamit pangluto bago kami tumulak papuntang Pandayan Bookshop para bumili ng mga school supplies.

Gabi na noong nakarating kami sa dorm. Naroon na rin si Myin na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit niya kasama ang kanyang nanay.

Sa mcdo kami kumain kinagabihan ni papa dahil doon malapit at wala ng bukas na karinderya sa ganitong oras. Hindi rin namin inaasahan ang pag-ulan kaya medyo tumagal kaming nasa loob para magpatila ng ulan bago umuwi.

"May lakad ka bukas?" tanong ko kay Myin habang nagpupunas ng buhok dahil kakatapos ko maligo.

"Yup. Pupunta kami ni Jaira sa rob, manonood." Aniya, tukoy sa kanyang bestfriend.

I don't consider the three as my friends. Neither as my second family here at Ilocos. Aqcuaintances maybe? Hindi ko pa naman sila gaanong kakilala but I'm thankful that they are the ones who wanted me to be here and be with them.

Limits of Infinity | ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora