Chapter 30

1.3K 8 0
                                    

"Love, iyong relo ko nakita mo?"

"Nasa sasakyan. Naiwan mo sa may compartment kahapon," sigaw ko dahil nasa sala ako, nasa kwarto siya nagpapalit.

"How about my brown polo? Have you seen it?"

Tumayo na ako para puntahan siya. Nadatnan ko siyang walang damit pang-itaas at magulo nanaman ang cabinet namin.

"Hindi pa nalalabhan 'yong damit mo na 'yon." Dumako ang tingin ko sa hindi niya ginalaw na v-neck shirt na nakapatong sa kama. "Inihanda ko ang susuotin mo kanina ah, ayaw mo 'to?" Kinuha ko iyon at pinakita sa kaniya.

"Maliit na saakin 'yan, love. Hindi ko kasya."

Tumawa ako. "Weekly ka ba naman sa gym." I had no choice but to find another cloth that would suit on him. Sunday kasi ngayon, kailangan naming magsimba.

Ganito ang set-up namin araw-araw.

Kung hindi niya itatanong saakin lahat ng mga gamit niya, ako ang laging maghahanap ng isusuot niya papasok sa trabaho. Feeling ko nga may anak na ako eh, 25 years old nga lang.

"Love, wait," sabi ko bago niya pa maiusad palabas ng gate. "I forgot my wallet." Tinigil niya ang sasakyan kaya nagmamadali akong bumaba. Tinakbo ko papasok sa bahay at hinanap ko sa kwarto ang wallet.

Nataranta ako ng bumusina siya ng dalawang beses. Nang nahanap ko ang wallet ay kaagad na lumabas ako na siyang sakto rin na bumusina nanaman siya.

Oh my gulay, we're late.

Kung hindi ako ang may makakalimutan, siya naman kung minsan. Mas malala nga dahil late na ako sa trabaho pero nandoon pa rin siya sa bahay at hinahanap ang kailangan niya.

I would always end up helping him in any situation. There are times that he would randomly call me in the middle of the day just to ask where did he put his tape measure.

Siguro gano'n kapag dependent ka na sa isang tao 'no? Iyong tipong nakasanayan na nila na nandiyan ka. Kaya sa lahat ng mga gagawin, hahanapin, at itatanong: sa 'yo iaasa.

"Let us offer each other a sign of peace.."

Pagkatapos sabihin ng pari iyon ay humalik siya sa pisngi ko. "Peace be with you, love." He smiled before pulling me close to him as we sing the song inside the church.

Masarap sa feeling magkaroon ng taong kasabay mo sa lahat. Iyong kaya kang dalhin sa higit pa sa inaasam mo.

"Sama ako sa loob. May titignan ako," wika ko nang tumigil kami sa isang grocery store. Sabay kaming bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng store.

Kumuha ako ng basket tapos siya ang nagtulak. We first went to the dairy products section. Kumuha ako ng mga kailangan sa bahay.

Sumunod kami sa vegetable section kaya kumuha ako ng lettuce, petchay, talong, carrots at cabbage. Kumuha na rin kami ng mga frozen foods in case na tatamarin akong magluto. Tapos hinuli namin iyong sa meat section na si Kenneth mismo ang pumili ng mga kukunin na manok.

"Love, si Gale," tinuro ni Kenneth iyong babae na nakatalikod. Mahaba ang buhok na kulot, may kasama pa siyang lalaki na nakangiti sa kaniya.

Nilapitan namin sila.

"Gale?" I asked because I am not sure. Nang lumingon ito sa amin ay nanlaki ang mga mata ko. "Gale! Na-miss kita!" Niyakap ko siya at kaagad na humiwalay pero hawak ko pa rin ang mga kamay niya.

"Gagi ka!" wika ni Gale. "Nakakagulat ka naman. Bigla-biglang susulpot dito sa grocery store!"

I smiled, teeth showing. "Magdadalawang taon na ako rito sa Vigan, babaita ka!"

Limits of Infinity | ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora