Chapter 41

1.3K 11 0
                                    

Day off ko ngayong lunes. Pero bakit naman may yumuyogyog saakin kaya alas otso pa lang ay nagising na ako.

"Ate.." narinig ko ang boses ng kapatid ko. "Ate, gumisisng ka na. May iniwan si Ate Myin na babae sa labas."

Tinakpan ko ang mukha gamit ang unan na nasa tabi ko.

"Sabihin mo bumalik sa isang araw..." bulong ko.

I heard him stomped his feet on the ground. "Bahala ka! Late na kami ni Emily. Bumaba ka na at nakakahiya sa bisita mo." Narinig ko ang pagsarado ng pinto.

Sa inis ko ay napabangon ako at tinapunan ng masamang tingin ang pinto na akala mo naman siya ang may kasalanan kung bakit ako nagising ngayon.

Sinong bisita ba ang sinasabi niya? Hindi ko rin naman matawagan si Myin dahil may duty panigurado 'yon! Napakaaga naman kasi.

Tamad akong bumangon at naglagay ng bra. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina at nagbrush tapos uminom ng maligamgam na tubig.

Pagpunta ko sa balkonahe ay may isang babaeng nakatalikod. Maiksi ang abo na buhok nito.

"Good morning po. Pasensya na kung pinag.. hintay..." natigil ako nang humarap saakin ang babae. "E-Eca.." nauutal kong sambit.

I wasn't expecting her to be here. For almost a year and a half, nandito ulit iyong taong karamay ko sa lahat-lahat. I was lost of words to say because she... she matured.

Agad siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap.

"I missed you the most," aniya sa naiiyak na tinig. "Nang-iiwan ka ng walang paalam!"

I chuckled. Humiwalay siya sa yakap at tinignan ako ng masama. "Alam mo bang binabaan ko ang pride na makausap si Myin para lang itanong kung saang lupalop ka rito sa Cagayan? Tapos labag pa sa loob niya na ituro saakin. Napaka impakta talaga niya."

I pursed my lips and smiled. Hindi pa rin siya nagbabago, ganoon pa rin ang galit niya kay Myin.

"Pasok tayo sa loob. Wala naman akong kasama," aya ko sa kaniya.

Si mama ay ipinasyal niya si Baby Juno sa labas. Ang dalawa naman ay may pasok sa eskwelahan tapos si papa nasa trabaho.

"Kamusta?" tanong ko at naglapag ng juice at tinapay sa harap niya. "Wala kang trabaho? Mag-isa mo bang pumunta? Iyong sasakyan mo nasaan?"

"Dahan-dahan sa tanong, mahina kalaban," pilosopong sagot niya. "Nag file ako ng leave for one week."

"Bakit?"

"Para makita ka." Ngumisi siya. "Miss na kita eh. Wala akong maasar sa Ilocos."

"Mag-isa mo? Nasaan nga ang sasakyan mo?" Hindi naman siya umaalis na hindi gamit ang sasakyan niya. Simula nang nakabili siya ay parang hindi na siya nabubuhay kung walang sasakyan.

"Nandoon sa bahay ni Myin. Doon nga ako dumiretso, doon din ako natulog kagabi."

Nanunuya ko siyang tinignan. "Yie, friends na sila."

Umirap siya. "Never. Ang tawag do'n plastikan. Syempre kailangan kong makisama para ituro niya saakin kung saan ka nakatira. Tapos iniwan pa ako mag-isa rito kanina."

Tinawanan ko siya.

I badly want to ask how is she doing in her life. Okay na ba siya? Maayos na ba siya? Wala na ba siyang problema? May lovelife na ba siya? Sinong kasama niya ngayon sa buhay?

I heard her chuckled.

"Your face screams like you want to ask a lot of things from me."

"Hindi ah," tanggi ko. "Bakit kita kakamustahin? Ano ka ba, gold?"

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now