Chapter 16

942 11 1
                                    

"Nakakainis talaga! Napaka bida-bida, gusto siya lang ang center of attraction. Lahat may pasingit kahit hindi naman importante at wala namang sense iyong mga sinasabi niya," reklamo ni Eca saakin habang naglalakad kami papuntang library.

Kanina pa siya nagsasabi ng hinanakit niya kay Myin dahil kanina pa niya kinikimkim ito. Galing kasi kami sa karinderya, at nadatnan namin doon ang tatlo kaya nakitable na rin kami. Myin was so talkative even it was out of the topic to the point na nawalan ng gana si Eca na tapusin ang pagkain. Heto siya ngayon at kulang nalang bumagyo sa lala ng galit niya.

Pagpasok namin sa library ay kaagad na naghanap kami ng mauupuan at may nakita kami sa pinakadulo. Bukas agad ng laptop ang ginawa namin pagkaupo at sinimulan na ang gawain.

We were now on our third year in college.

Officer pa rin ako, secretary na to be exact. PIO noong first year at second year, ngayon lang ulit umangat.

Being a junior student in college is terrifying yet enjoyable. Nakakatakot kasi kakailanganin mo ng maraming lakas ng loob para sa patong-patong na school works, pero nakaka enjoy kasi kaunti nalang ang units at mararanasan na namin ang practicum dahil may mid year kami.

"Nakakalula talaga ang programming," ani Eca bago nag-inat ng katawan. "Sana nag IT nalang ako."

"Sabi mo noong first year tayo, sana nag engineering ka nalang. Noong second year tayo, sana nag BS Math ka nalang, tapos ngayon IT. Ano sa susunod?"

Ngumiti siya. "Sa heaven na."

Araw-araw at oras-oras na ata namin kaharap ang laptop namin. Kayo ba naman bigyan ng analysis tapos codes na kailangan gawan ng combinations para makalocate ka ng bagyo.

Humikab ako. "Inaantok ako, Eca."

"Huwag kang demonyo, Ai. Wala pa ako sa gitna, ikaw patapos na."

Hindi kasi siya kaagad nagsimula, samantalang ako ay kakasabi palang ni prof ay sinimulan ko ng pagpuyatan.

I was typing at my keyboard when my phone on the table vibrated. Binuksan ko iyon at nabasa ko ang message ni Gale.

Gale:
Saang parte ka ng mundo?

Me:
Nasa lib, kasama ko si Eca

Gale:
Pasuyo please

Me:
Pasuyo what

Gale:
May nakikita ka bang lalaki diyan?

Me:
Malamang. Deretsuhin mo na nga ako. Marami pa akong gagawin baka gusto mong tulungan ako rito sa programming?

Gale:
No thanks hehe

Gale:
Lalaking naka white tapos trousers na beige ang kulay. White shoes, Nike. Nandiyan siya sa library ngayon. Pasabi naman na umuwi na siya sa dorm nila kasi hinahanap siya ng mga barkada niya.

Kaagad na hinanap ng mga mata ko ang tinutukoy niya. Kaso ang daming lalaking naka white!

Me:
Anong print ng damit niya?

Gale:
Wala. May black linings lang sa collar at sleeves.

Inulit kong isa-isahin ang nga lalaking nandito. Ang lawak nitong library! Paano nakakasigueado si Gale na nandito sa first floor ang tinutukoy niya? Mamaya niyan nasa itaas pala.

Limits of Infinity | ✓Où les histoires vivent. Découvrez maintenant